kabanata 8

55 1 0
                                    


Kasalukuyan ginagamot ni Manuelito ang isang kamay ko. Eto na siguro ang chance na kausapin sya masyado nakong pabigat sa kanyan.

"S-sorry. P-patawad sa inasta ko kagabe at kanina. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kasi ano... Hmm alam mo na babae, mood swings. paiba iba ng ugali. Masyadong maliit na bagay kinagagalit ko pero sa ano lang naman pag red days ganon."

Medyo nakayuku ito habang nilalagyan ng gamot at kamay ko kaya nang magsalita ako ay umangat sya na tingin pero iniwasan ko nalang muna. Nakakahiya sa kanyan.

"Hindi mo naman kailangan maghingi ng paumanhin Luna, pagkat batid ko ito. Kaya nga umalis ako kanina ay naghanap ako ng halaman gamot para sa iyo."

"A-alam mo?"

"Oo, sapagkat nagtaka lamang ako sa inasta mo kaninang umaga pero napagtanto ko ito ng makita kong may bahid ng duga ang iyong suot."

"Huuu! N-nakita mo? Shock nakakahiya! Bat dimo sinabi!"

"Wala ka naman dapat ikahiya pagkat isang natural lamang sa isang binibini. At isa pa nakakalimutan mo na yata na may kapatid akong babae, si maria mas higit pa diyan ang iniaasta tuwing dadatnan sya ng buwanang dalaw nya. Kaya sanay ako sa mga pweding gawin tuwing masakit ang kanyang puson."

"Ha?"

"Magpalit kana muna ng iyong damit dahil nabasa ito. May kukunin lang ako sa labas."

--

"Eto inumin mo mabisa ito upang maibsan ang pananakit nyan."

May inabot lang sya ng isang baso na naglalaman ng sinabi nyang halaman gamot. Parang nagkaka alanganin inumin amoy palang nya dinaig pa ang ampalaya sa pait. Pano pa kaya ang lasa.

"Ah Manuelito, maraming salamat pero medyo ayus na rin ang pakiramdam ko hehe." Sabay abot sa kanya ng baso.

"Ngunit maganda ito luna, eto yung iniinom ni maria tuwing may dalaw sya. Sa una lang naman daw medyo pangit ang lasa kaya binibilisan ni maria ang pag inom."

Okay fine, nag effort yung tao luna wag mo na ulit sayangin.

Kinuha ko ito kahit nag aalanganin dali dali ko itong ininom at tama sya sa una lang mapait pero sa huli ay sobrang pait pala! Waaaah! Hindi ko keri!! Dali kong ibinigay sa kanyan ang baso at tumakbo sa kusina dahil nasusuka ako. Gamot nga na tableta ay mapait na eto pa kaya!.

Naramdam ko naman nasa likod ko sya at itinatali ang buhok ko.

"Paumanhin luna masyado bang mapait para sa iyo?"

Tinignan ko nalang sya sa mata para sabihin na ' obvious ba? '

"Paumanhin ulit, humiga ka nalang muna."

Inalalayan nya lang ako sa kwarto at pinahiga.

"Dumapa ka at hihilutin ko nalang ang likod mo. Mabisa daw din ito upang matangal ang sakit."

Dumapa naman ako, tulad nga ng sinabi nya bale parang tinatambol nya lang ang balakang ko. Ilan minuto nya din itong ginagawa at ramdam ko naman na effective to.

"Sana iyan nalang ang ginawa mo kanina pa hindi yung pinainom mo pa ako ng kung ano."

"Paumanhin ulit luna haha."

"May nakakatawa?"

"Wala naman."

"Sinadya mo siguro yon no! Dahil hindi ko kinain yung niloto mo kagabe at natapon kupa kanina."

"Hindi ko naman kayang gawin yun sayo, yun lang talaga ang iniimon ng aking kapatid kaya sibukan ko sa iyo. At tungkol naman sa pagkain kagabe, hindi ko naman iyon niluto. Binili ko lang sa labas."

LUNAWhere stories live. Discover now