kabanata 47

18 0 0
                                    

"silay uuwi na raw, hindi mo ba talaga sila lalabasan?"

Pumiling lang ako sa kanya at humiga na ulit.

Ayoko silang makausap, hindi dahil sa galit ako, dahil nahihiya ako sa kanila. Wala naman silang kasalanan pero sa kanila ko binuhos ang galit ko. Pinagsisigaw ko sila at sinisi lalo na kay Maria, wala akong ihaharap sa kanya sobrang kahihiyan ang ginawa ko.

"Mahal ilang araw na ikay nagkakulong lamang sa iyong silid, kahit mag pa araw man lang hindi mo na ginagawa."

Ilan araw na nga ba? Hindi ko kasi napapansin. Magaling na ang sugat ko, at nakaka galaw nako ng maayos. Pero Lagi nga akong naka kulong sa kwarto kung lalabas man ay para maligo. Pati pagkain ay hinahatiran ang ako ni juan. Pinapauwi ko naman sya pero ayaw nya. Minsan din dumalaw sakin sina ate julia dahil nalaman daw nila, at ramdam ko ang pag-alala nila. Pero ganon pa man ay hindi ko nakausap ng maayos.

"M-mahal Pakiusap naman sana ay t-tulungan mo rin ang iyong sarili walang magagawa ang iyong pagkukolong rito." Sermon nya sakin.

"Sila'y nag-aalala na saiyo, ni hindi ka rin makausap ni ginoong kidlat." Ilang sandaling katahimikan at tinig kong panbuntong hininga nito.

"Akoy lalabas sandali, mag-uusap lamang kami narito rin si ginoong Manuelito, ayoko man syang makausap ngunit kailangan ko rin ng tulong nya matulong kana kung iyong nais." Sabay halik nito sa ulo ko.

Isa pa yon, hiyang hiya rin ako sa kanya dahil sa pag sigaw ko, wala naman syang responsibilidad sakin pero kung makadrama ako parang binabayaan talaga ako.

Dinig ko ang pagbukas sara ng pintuan kaya umayos nako ng upo. Pumunta ako sa may salamin at pinagmasdan ang sarili ko.
Sobrang putla ko na nga at pakiramdam ko ay pumayat ako, medyo nanghihina rin ako dahil siguro puro higa lang ang ginagawa ko. Wala akong kwenta, nalaglagan ako ng anak pero eto ako nagmumukmuk lang at sinisisi sa iba ang kasalanan ko.

Ilang minuto akong nakatulala sa may salamin at iniisip kong anong dapat gawin at ano ang uunahin, tama si juan dapat ayusin ko ang sarili at para maka ganti rin ako sa may gawa nito sakin-samin.

Una kong napansin ang mahaba kong buhok, "dapat ba iklian ko?" Tanong ko sa sarili. Ganon ba dapat? Dahil wala nga akong maiisip na gawin ay yun nalang, parang gusto ko rin maikling buhok ngayon sabi nila kung gusto mo daw mag move on ay gupitin ang buhok. Tama ba? Bahala na nga.

Nanghanap ako ng gunting sa kwarto ko pero wala akong mahanap kaya lumabas ako para tumingin din sa kwarto ni kambal.
Wala naman akong napansin tao sa loob kaya madali akong nakapasok. Pero wala rin. Kaya naiisipan kong sa kusina nalang maghanap.

"Asan ba yon?" Kanina pa kasi ako naghahanap pero wala talaga.
At ng binuksan ko ang huling drawer ay naroon nga. Hindi nako umalis ng pwesto at inayos na ang buhok ko. Huminga muna ako ng malalim at tangkang gugupitin na ang buhok ko ng may marining ako ng sigaw.

"Diyos ko! L-lunaaaaa!!!" Malakas na sigaw ni Miguelito.

Agad itong tumakbo at kinuha ang gunting na hawak ko at mabilis na tinapon.

Dining ko rin ang ilang paa na parang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Luna naman huwag naman ganito, pakiusap."

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni bal na kararating lang at kasama nga ang tatlo.

Hindi ko sinagot si bal dahil nakatingin lang ako kay Miguelito na nakayuko sa sarap ko.

"P-paumanhin luna, h-hindi naman nais na mangyare ang bagay na iyon sa iyo."

"M-mahal!" Mahinang boses ni juan.

LUNAWhere stories live. Discover now