"bal hindi kaba lalabas?" Katok ni kambal sa kwarto. Pero dahil wala ako sa mood hindi na ako sumagot.
Iniisp ko kasi si juan,Hindi ko napigilan ang pag alis nya kagabe kaya hangang ngayon ay iniisip ko kung anong pwedi kong gawin. Gusto ko man syang sundan todo bantay naman si bal tulad kaninang umalis sya, pinabantay ako kay Miguelito. Hindi daw ako pweding umalis at kung daw talagang mahal ako ni juan ay babalik rin lalo't malapit na ang kasal namin. Pero pano kung hindi? Pano kung na realize nyang hindi naman talaga ako mahal? Tsaka isa pa kasalanan ko ang pagkawala ng anak namin pero sya yung sinisisi ko, ni hindi pa nga ako nakakapagsorry sa kanya."Bal! Nandito si tita crisa!" Sabay katok ulit ni kambal kaya agad akong napatayo ni hindi kona nga sinuklay ang buhok ko o nag ayos man.
Lumabas agad ako at nakita ko nga syang kapapasok lang kasama sina joselito at manuelito ,Wala naman si Miguelito siguro ay naka alis na pagdating ni Kambal kanina.
Kita kong nagmano si bal, kaya ako naman ang humarap.
"MA!" Simangot na sabi ko sa kanya at yayakapin sana pero palo sa hawak nyang pamaypay ang agad na sumalubong sakin.
"Ina." Dining kong pagbabawal ni joselito pero wala itong paki alam at patuloy lang sa pagpalo sakin sabay sermon nito.
"Ikaw talagang babae ka!! Sobrang tigas ng ulo mo! Wag mo ng uulutin yun akala mo ganon nalang basta ang ginawa mo! pag nahuli ka nila mapagkakamalan kang magnanakaw! Edi nakukulong ka! Napaka pasaway mo!"
"Aray naman Ma! Tsaka ang ganda ko naman magnanakaw walang maniniwala."
"Buysit ka talaga! San mo ba minana ang pagkapasaway mo dinaig mo ba ang lalaki sa ugali mo! Wala kang kadaladala kahit yata itali ka magpapasaway ka parin!" Sabay palo ulit ng pamaypay nya pero nakikita ko si joselito na sinasanga ito.
"Yan buti nga sayo bal." Dining ko si kambal pero hindi ko pinansin
Umatras ako ng konti para hindi ako maabot.
"Duh!! Tinatanong mo pa yan? Edi sayo ako ng mana!" Sabay isnap ko sa kanya.
"At talagang sumasagot kapa?"
"Aba Ma malamang tinatanong moko! Aray haha Ma kanina kapa nananakit totoo pala yung kasabihan na Love hurts? Ang sakit mo kasing magmahal." Sabay tawa ko at yakap.
Huminto naman ito sa pagpalo.
"May dala akong Lumpia marami naman iyon kaya pwedi natin pagsaluhan lahat, pero maligo kana muna, ang baho mo!" Rining kong pagtawa ng tatlo pero hindi ko pinansin at nakayakap parin ako kay mama. Wala akong pakialam kung makita nila akong ganito ang tagal ko kasing pinangarap to at ngayon nagagawa ko na nga. Salamat po panginoon.
"Aray Ma." Daing ko ng kurutin naman ako nito.
"Ang sabi ko maligo kana para kang hindi babae ang dugyot mong tignan."
"Aalis kana?" Tanong ko sa kanya pero tumingin lang ito sakin at sumagot.
"Hindi pa naman dahil sabi mo ay may sasabihin ka. Ngunit kung hindi ka mamaaligo ngayon din ay aalis nalang ako."
"Hala si mama, eto napo." Sabay talikod ko sa kanya at naglakad na nga pero bago ako tuluyan pumasok sa banyo at muli ko syang sinilip, baka kasi bigla nalang umalis.
Mukang pinagmamasdan nya ang bahay, pero nakasunod pa rin ang dalawa sa kanya."Mama!" Sigaw ko at sabay sabay pa silang humarap.
Kita ko ang pagtaas ng kilay nito at parang hinihintay ang sasabihin ko."Dinaig mo pa ang presidente lagi kang may kasamang body guard." Sabay turo ko kay Manuelito at joselito. Sya naman ay lalong kumunot ang noo.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...