"ikaw naman binibini." Sabay abot sakin ni Samuel ng gitara.
Mahilig pala silang lahat kumanta pero si juan nalang ang hindi ko pa naririning.
Tuloy lang ang inuman at kwentuhan namin, aaminin ko naman masaya silang kasama kahit papaano pwera lang talaga sa tatlong babae. Ewan ko ba talagang hindi ko sila feel.
Kasama namin si kuya Carlo sa mesa. Katabi ko naman si juan sa harap at si Samuel parang nagkapalit lang kami ng pwesto kanina."Anong tutugtugin ko?" Wala namam kasi akong alam na kantahin ngayon.
"Ikaw ang bahala binibini kung ano ang iyong naisin basta makikinig lamang kami haha." Si Felipe naman mukang nakainom na sila.
Humarap naman ako kay juan at tumango lang ito.
"Kayo nalang, makikining nalang ako. Okaya iyan yung kaibingan nyo nalang." Sabay turo ko kay Lara na parang nagulat naman ito.
"Isa lang naman binibini kahit ano na lang." Yung simon naman ang nagsalita. Sige na nga sya kasi nagsalita e bihira lang yan.
Ano bang gusto kong kanta? Bahala na nga.
Nag umpisa lang akong mag gitara at umawit na nga.
Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong binibini
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba.Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo."Pwedi na yan." Sabay abot mo sa gitara.
"Ikaw ba mismo ang nagsulat non binibini? At para kanino ba? Ngayon lang ako nakarining ng naghaharanang binibini." Bat ang daldal ng Samuel nato
Ayan nanaman ang mga tanong, nakakainis."Hindi ako sumulat non ginoo. Narining ko lamang sa aking idulo."
"Saan ka natutong mag gitara binibini?"
"Sa kambal ko, kay kidlat." Walang gana kong sabi at uminom na ulit. Hindi naman ganon katapang ang alak. Pero mas masarap yung galing kila Joselito. Mahal siguro yun.
"Umaawit rin ba ang iyong kapatid?"
"Oo." Iinom sana ulit ako ng hawakan ni Juan ang kamay ko.
"Hinay hinay, baka malasing ka." Bulong nito sakin.
"Maligayang bagong taon!" Sigaw nila kuya carlo at juan. Mukang lasing na si kuya carlo haha. Kanina pa umalis ang magkakaibingan kaya kami kami nalang ang natira. Medyo nararamdaman ko na rin ang alak pero hindi pa naman ako lasing.
After ng ilan kainan ay agad nagpahinga si ate Julia dahil nga may baby, ganon din si tala tulog agad. Ang daldal ni kuya carlo tuwing lasing haha kanina pa nya inaasar si juan buti hindi sila nagkakapikunan haha.
"Sigurado ba kayo na kaya nyong umuwi? Ayaw nyo bang dito na magpalipas ng gabe?"
"Ayoko! Sapagkat ang ingay mo!" Medyo lasing na rin si juan base sa itsura nito.
Mag aalas dos narin, malapit lang naman ang bahay at sakay naman kami ni daks kaya mabilis kaming makakauwi.
"Ikaw bayaw ha! Matatanda nakayo ngunit alam nyo sana ang tama at hindi!"
"Tss. Maiwan ka na namin. Huwag ka nang maingay sapagkat kanina pa tulog ang iyong mag iina."
Nauna lumabas si juan kaya nagpaalam ako kay kuya Carlo.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...