"T-tama na!" Malakas na sigaw ko nag susuntukin sana ulit ni Manuelito si joselito."Nagpaalam si joselito kanina na mauuna nakami. Ngunit hindi pa kami nakakalayo ng hilain ako ni Manuelito mula sa pagkakahawak ni joselito sa akin at bigla nalamang nyang sinuntok ito.
Mabilis kong inalalayan ang kapatid ko upang makatayo ito ng maayos. Ang lakas nag pagkakasuntok nito may tumulung dugo sa labi nya.
"Wala kang karapatan na hawakan si Luna!" Mahina lang ang pagkakasabi ni Manuelito roon pero ramdam ko ang galit nito sa bawak bigkas nya.
Humalakhak naman si Joselito sa narining nya.
"Whahahaa! At sino ang may karapatan aking kaibingan? Ikaw ba? Hahaha."
Pag aasar nito.Parang lalong nainis ang isa. Nag hahawakan na dapat nito ay agad akong pumunta sa harapan ni joselito.
"T-tama na. Ako na ang humihingi nag paumanhin sa inasal nya."
Nakakatakot kasi si Manuelito parang walang paki alam kung sinong kaharap nya. May mga tao pa naman sa paligid. Nakakakuha nakami ng atensyon.
"L-luna. Nais sana kitang makausap."
Gusto ko rin naman syang makausap o kumustahin pero natatakot ako sa kanyan ngayon. Kakaiba kasi ang aura nya.
Bubuka palang sana ang bibig ko ng inunahan ako ni joselito.
"Kung may nais kang sabihin sa kanyan ay sabihin mo na Manuelito."
"Nais ko sana syang makausap ng kaming dalawa lamang." Madiin sa sabi nito.
"Manuelito!"
Isang babae ang pumagitna sa amin. ng mamukaan ko ito ang asawa pala nya. Si teresita. Malaki na ang kanyan tyan siguro ay nasa pito o walo ito. Medyo tumaba din sya. Dahil sa buntis.
Hindi ito pinansin ni Manuelito, nakatingin parin sa akin
"Kuya joselito ikaw pala. Kumusta ka?" Masayang bigkas nya. Ngunit nawala ang ngiti nya ng makita ako. Para syang natakot bigla sa akin.
"Mabuti naman teresita kumusta ang iyong pinag bubuntis? Hindi kaba binababayaan ng iyong asawa?"
"H-hindi kuya. M-mahal ako ni Manuelito, kami ng anak nya." Pilit itong ngumiti sabay hawak sa braso ni Manuelito. Siguro kung dati ay masasaktan ako pero ngayon masaya ako sa kanilang dalawa. Dahil sabi nga ni teresita ay mahal nya ito.
"Mabuti naman kung ganon. Uuwi kaba sa bahay?"
"Bukas na siguro, sa bahay na muna kami nila Manuelito tutuloy."
"Kung ganon ay mauna nakami."
Sabay hawak sa kamay ko ni joselito. Doon din napatingin si Manuelito. Kita ko sa mga mata nya ang sobrang galit."S-sandali lamang."
"Luna. Pakiusap kailangan natin mag usap."
"Wala kayong dapat pag usapan kaibingan."
Magsasalita la sana si Manuelito ng biglang napaaray si teresita sabay ng bandang tyan nya.
"Ah! Aray m-manuelito."
Kita ko naman ang biglang pag aalala ni Manuelito at agad na inalalayan ang kanyang asawa.
"Kailangan ng magpahinga ng iyong asawa kaibingan. Mauuna na kami. Mauwi kana teresita baka kung ano pang mangyari sa pinagbubuntis mo."
Hahang nasa byahi kami ay nalaman ko na gobernadorcillio nga ito. Ngunit hindi dito sa lugar. Sa kabilang syudad daw. Bulacan yata o Pampanga? Basta isa don. Nakalimutan ko agad dahil siguro sa kaba. Nagtatanong nga ako kung bakit nya nakuha ang posisyon iyon. Dahil daw sa kapangyarihan ng dalawang Pamilya. Isama pa ang governador heneral. Isa din sya sa dahilan kung bakit may katungkulan si Manuelito ngayon. Ilan buwan din daw itong wala rito at bihira lang umuwi kaya hindi nya akalain na makikita namin sya ngayon dito.

BINABASA MO ANG
LUNA
Ficção HistóricaIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...