Kinabukasan ay maaga nga kaming lumakad para bumaba. Sa kapatid nya lang kami pupunta dahil wala naman daw syang kailangan puntahan ngayon. Natapos ang pag amin nya sakin kahapon hindi ako agad nakasagot kaya umalis nalang sya. Bumalik na sya ng mag gagabi na. Parang normal na ang lahat, para ngang hindi kami nagkasagutan kahapon. Siguro nahihiya rin sya, ako din naman.
Alam kong malaki ang haharapan kong problema sa mga susunod na araw. Pano kung bigla ang sulpot ni Manuelito rito? Hindi ko alam pano ko sya haharapin. Pano si juan? Shocks! Luna ang laking problema ng ginawa mo.
Kung nandito lang sana si bal papatulong ako sa kanyan. Sya lang kasi talaga ang napapagsabihan ko ng problema.
"Hindi ba masyado tayong maaga?"
Ala siyete pa kasi ng umaga ng mag yaya ito."Sa tingin ko ay nandoon na ang mga naghahanap sayo. Ang bilin kasi sakin kahapon ay maaga tayong bumaba."
"Huu? S-sino?" Parang kinakabahan ako sa sinabi nya. May naghahanap sakin? Paano kung tauhan ni doña crisa.
"Huwag na tayong tmuloy parang natakot ako."
"Wala ka naman dapat ikatakot at sa iyong palagay ba ay hahayaan kitang mapahamak?" Sabagay may punto naman sya, at subukan nya lang ako mismo susuntok sa kanya.
"Mauna kana sa loob, rito ko nalamang itatali ang kabayo." Sabi nya ng makababa agad ako sa kabayo.
"Hihintayin na kita, sabay tayong pumasok." Pinagmasdan nya lang ako ng ilang segundo at tumango.
Ng matali na nya ay agad nya akong pinuntahan at sabay nga kaming pumasok sa loob. Nasa gate palang kami ng bakod nila ate julia ay tanaw ko na ang mga nagkukumpulang tao. Nang mapagmasdan ko sila ay mga kaibingan pala ni juan, bakit ba sila laging narito? At kumpleto pa ha. Kasama rin nila si kuya carlo.
Parang may kausap ito ngunit hindi ko makita kung sino dahil natatakpan ito ng ilan sa kanila.Artista ba ang bisita? Bakit pinagkakaguhan?
Nang makalapit kami ay napatingin samin ni kuya Carlo.
"O narito na pala sya."
Sabay tingin nila samin. Dahil don ay na nasulyapan ko na ang taong kinakausap nila.Akala ko ay busy sya? Bakit nandito sya? Pero.. namiis ko sya.
At kailangan ko sya ngayon.
Umayos ito ng tayo at ibunuka ang mga kamay sensyan na nagpapayakap sya.Dahil malapit na nga kami ay inilang hakbang ko na nga ang mga paa ko at yumakap na patalon sa kanya.
"Aah! Ang bigay mo na bal!"
Sinamaan mo sa ng tingin at nagpabigat pa ako sa kanya haha.
"Hala bal! Sobrang bigat mo baboy kana talaga! Haha."
"Aray ko!" Binatukan ko nalang, tawagin ba naman akong baboy. Tss.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Tinatanong pa yan? Malamang dahil sayo. Ooh!" Sabay abot ng isang sunflower.
"Hala! May bulakbulak? Patay na naba ako?" Sabay batok sakin ng baliw kong kambal.
"Sira! Pasulobong ko yan."
"May ginawa kang kasalanan no?" Parang ayonong tangapin ang bulaklak nya. Kinakabahan ako.
"Ayokong tangapin kinabahan ako!" Sabay abot ko sa kanya."Baliw ka talaga! Wala akong ginawa. Naawa lang ako sayo dahil wala kang natatangap na bulaklak!" Dinig kong natawa ang mga kasamahan namin. Bat kasi nandito ang mga to.
Kaya sinamahan ko nalang ng tingin si kambal. Tumawa naman ang loko.
"Tss! Meron naman hindi ko lang tinatangap! Mas gusto ko kasi pera okaya pang kain."
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...