kabanata 24

38 1 0
                                    

Pinipigilan kong maluha, dahil ayokong makita nila yun. Tss! Pinagmalaki ko pa naman sya kay Manuelito na mabait sya. Yun pala ay iba ang tingin nya sakin. At malay ko bang gusto nya yung kaibingan nya. Edi babawiin ko nalang.

Lumapit ako ng kaonte sa kanila. Ayoko ko syang tignan dahil naiinis ako sa kanya! Sana sinabi nya yun ng kami lang hindi yung pinahiya pa nya ako sa mga kaibingan nya.

"P-paumanhin kung naging magulo ang buhay mo rito ginoo. Ang akala ko kasi ay nakakatulong ako ngunit mali pala. Naging perwisyo pa ako sayo. Pasensya na ulit. At doon pala sa nasabi ko noong araw sa harapan ng mga kaibingan mo at kay señorito Ramon ay wag mo ng isipin, bukas bukas ay haharap ako sa kanila at mang hihingi ng paumanhin. Babawiin ko rin ang aking sinabi. Humihingi ulit ako ng paumanhin sayo sa lahat, hindi ko kasi napansin na naging komportable ako sayo akala ko kasi magkaibingan tayo. Pero hindi pala."

Huminga ako ng malalim at tinignan na sya sa mata ng walang pinapakitang reaction.

"Kukunin ko lamang ang aking mga gamit, aalis na ako. Maraming salamat sa pagpapatuloy dito."

Tutuluy na sana ko sa loob ng bigla nya hinawakan ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"S-sandali. Bakit may dugo ang iyong noo?" Sabay kuha ng balabal sa balikat ko.
"At eto? Saan nang galing ito?"

"Huwag mo nalang alamin ginoo. Baka kung ano nanaman ang iyong masabi sakin at sabihin mong perwisyo nanaman ako sayo."
Madali ko lang binawi ang kamay ko at tuluyan ng pumasok sa bahay. Buti hindi ganon karami ang gamit ko at nasa isang bag lang kaya madaling dalhin.
Eto ba yung salubong ko sa pasko? Ni hindi ko alam kung saan ako natutulog ngayon. Medyo matatagalan kung uuwi ulit ako sa bahay. Hindi din pala pwedi kailangan bago ako umalis sa lugar na to ay aayusin ko muna ang konting problemang nagawa ko, hihingi muna ako ng sorry sa kaibingan nyang babae.

Nag maayos ko na ang lahat ay lumabas nako.
Sya nalang ang nasa lamesa ngayon wala na ang mga kaibingan nya. Baka umuwi na.

Hindi ko na sya kinausap at tumuluy na kay daks. Nag sasakay na sana ako ay bigla nya akong hinila.

"A-ano ba! Bitawan mo nga ako."
Wala itong imik patuluy lang sya sa paghila sakin hangang sa loob ng bahay. Dahil din sa lakas nya ay wala na akong nagawa ng pinaupo nya ako sa upuan.

"A-aalis nako. Bakit kaba nang hihila."

Ng tatayo ako ay bigla nyang hinawakan ang dalawang braso ko at pinaupo ulit.

"Aray ano ba, nasasaktan ako!"
Masakit kasi ang pag upo ko bigla.

"At masasaktan ka ulit binibini kung aalis ka sa iyong upuan!"

"Baliw kaba! Pinapaalis mo ako kani kani lang. Tapos ngayon sasaktan moko kapag umalis ako rito?"

Hindi ako nito pinansin at kumuha lang ng kung anong dahon sa tabing mesa.

Diretso lang sa kung ano ang ginagawa nya at humarap sakin. Inilapit nito ang muka nya. At pinasmamasdan ang noo ko. Yuyuko pa sana ako ngunit hinawakan nya ang baba ko upang patingalain.
Sobrang naiinis ako sa kanya. Dahil nakuha nya akong ipahiya sa mga kaibingan nya. Muka akong babaeng naging desperada sa kanya.

Patuloy lang sya sa pag gamot ng sugat ko ng nakuha ko kong magsalita.

"S-sana sa una palang sinabi mo na hindi moko gusto rito p-para umalis agad ako. Sana hindi mo tinangap ang pang hingi ko ng tulog sayo. Alam mo ba na kahit hindi ko talaga hilig ang pagluluto ay sinubukan kong aralin para lang hindi maging pabigat sayo, lagi rin akong nag hahanap ng pweding gawin para hindi ka magalit. Kung naging magulo man ang buhay mo dahil sa kin ay pasensya na talaga. Pero sana sinabi mo nalang sakin ang lahat h-hindi yung pinahiya mo po ako sa mga kaibingan mo." Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Sobrang naiinis kasi ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare ay hindi nalang ako bumalik rito. At ngayon pa talaga? Ilang oras nalang at pasko na pero eto ako ngayon umiiyak.

LUNAWhere stories live. Discover now