kabanata 45

31 2 1
                                    

Third person pov:

"MARIA TAKBO!!" malakas na sigaw ni luna nag naihablot nya nga ito sa lalaking may hawak sa kanya.

"P-paano kayo luna?" Mangiyak ngiyak na sabi nito.

"Puntahan mo sina kambal! Magmadali ka!!" Sigaw pa nito.

Hindi pa nakakalayo si maria ng hahablutin sana ito ulit ng lalaki ngunit naging alerto si luna at nabilis nya itong sinuntok sa muka.

"Aaah! Dali na maria!" Sigaw pa nito.
At mabilis ngang tumakbo si Maria. Nagkadapa dapa pa ito sa taranta.

"Palaban ka binibini." Ngisi ng  lalaking naka handusay ngayon dahil sa pagsuntok nga ni luna. Ang isa naman ay hangang ngayon ay namamalipit pa sakin dahil sa pagsipa nito.

Lalapitan nya sana si flora upang hilain ngunit mabilis na naglabas ng patalim ang lalaking may hawak nito.

"Ikay sumubok na lumapit binibini, at butas ang leeg ng iyong kasamahan!"

Napahinto naman si Luna dahil sa banda ng lalaki. Muka kasing hindi nagbibiro dahil nakatapat na nga ang patalim sa Babaeng umiiyak narin dahil sa takot.

"Hayop ka! Sino ba kayo at anong kailangan nyo?"

"Ang kailangan namin ay pinatakas mo ngunit wala na nga kaya ikaw nalamang!" Sabay hila ng lalaki sa kanyang buhok.

"K-kung ako pala ang kailangan nyo, bitawan nyo si flora." Natatakot man sya ay pinilit nitong huwag ipakita at maging matapang nalang.

"Madali naman kaming kausap binibini Ngunit hindi naman kami hibang!"
Sabay malakas na suntok ang binigay nya kay luna.

"L-luna!" Malakas na sigaw ni Flora.

Pinilit itong makawala sa lalaki kahit ramdan nya ang matulis na bagay sa kanyang leeg.

Gamit ang buong lakas ay pinatama nito ang kanyang ulo sa noo ng lalaki sabay siko rin nito, kaya mabilis syang nakawala at pinuntahan si Luna. Ngunit hindi ito napansin na nasugatan din ito sa leeg.

Nang makalapit ito ay niyakap nya si luna at inalalayan maka tayo.

"Hayop ka!!" Malakas na sigaw nito at sinugod ang lalaking sumuntok sa kanya.







Samantala sa loob ng masyon habang nagkakasiyahan ang lahat ay kakapasok lang ni Maria na hingal na hingal. Maraming dumi ito sa damit dahil nga sa ilang besis nitong pagkadapa.

Tinginan ang mga tao sa kanya ngunit wala itong pakialam at tumakbo ulit pantungo kung nasaan ang mga kaibingan nya.

"Tan! T-tulong." Sigaw nya ng medyo malapit na ito.

Sabay sabay naman napaharap ang mga ito at gulat dahil nga sa itsura ni maria. Umiiyak ito at nanginginig din.

"Maria anong.." tanong ni thunder at mabilis itong pinuntahan ang babae. Ganon din ang lahat ng kaibingan nya.

Patuloy lang ang iyak ni Maria at halos hindi ito makapag salita.

"Asan si luna?" Malakas na tanong ni juan.

"Anong nangyayari rito?" Sigaw din ni Manuelito.

"S-sa likod." Wika ni maria at mukang naiintindihan naman nila yon kaya agad silang tumakbo papunta roon.

Halos pangamba at takot ang nararamdaman nilang lahat habang tumatakbo papunta sa lugar kung saan nga naroon ang mga to.

Dahil nga medyo madilim ay hindi nila agad nakita ang mga ito. Hangang sa isang sigaw ang narining nila.

LUNAWhere stories live. Discover now