kabanata 30.

35 1 1
                                    


"B-bakit na sayo pa to?"
Eto yung hikaw na pinabente ko noon sa kanya. Ibig sabihin hindi nya binenta?

"Hindi mo binenta?"

"Binenta ko naman ngunit ang sabi ko doon sa taong binagbentahan ko ay huwag ibigay sa iba dahil babalikan ko rin. At ayan na nga."

"Sira ka! San ka kumuha ng pera? Sabi ni bal hindi mo daw tinatangap yung perang bigay nya. E yung mga binigay ko sayo? Wag mong sabihin hindi mo ginagastos?"

Hindi naman ito umiik at tinignan lang ako. Okay alam kona!

"Juan naman eh!" Sabay hampas ko sa dibdib nya. Nakakahiya kasi ang takaw ko pa naman andami kong request na ulam tsaka miryenda akala ko kasi kay kambal pero hindi pala.

"Muka kasing importante sa iyo ang bagay na yan."

Importante naman dahil eto yung una kong nabili sa sarili ko. Pero kahit na napapalitan naman to.

"Ewan ko sayo."

Padabog ko syang tinalikuran ngunit agad naman nya akong hinila. Niyakap nya ako mula sa likod. Sabay upo nito sa duyan kaya napakandog narin ako.

"O ngayon yakap yakap ka? Gusto mo ng suntok?"

Narining ko naman parang natatawa ito kaya hinampas ko ang kamay na nakayakap sakin.

"Pinagtatawanan moko!"

"H-hindi naman haha. Nakakatawa kasi ang iyong itsura haha."

"Aah ganon!" Humarap ko rito at kiniliti ang bewang nya haha.

"H-huwag hahaha. Baka napigtas ang duyan, masyado ka pa naman matimbang hahaha!"

"Anong sabi mo? Mabigat ako ganon!"
Lalo ko lang itong kiniliti.

Ang gwapo nya talaga kapag tumatawa ang unfair. Huhu.

Ilan buwan na rin ang lumipas simula ng aalis nga sana ako. After nyang inamin lahat ay hindi nako umalis dito. Masyado nya kasing dinadown ang sarili nya. At hindi ko gusto yon.
Masaya ako dahil official na nga kami. Pero kahit kami na ay manliligaw padaw rin sya. Minsan nya rin akong pinangdala ng bulaklak. Nagustuhan ko yon siempre naman babae padin ako. Pero sabi ko kung bibili sya ay wag na lang mas gusto ko ng food. Wag daw akong mag alala dahil napulot lang daw nya yun. So hinayaan ko nalang.

Hindi pa pumapasyal sina kambal rito, pero isang buwan simula ng umalis sila ay nakatangap ako ng sulat.

Pinagsabihin nya lang ako na mag iingat lagi at wag daw akong mag alala sa kanila. Masyado daw silang maraming ginagawa. Pero nasabi din nya na pinaghahanap ako ni Manuelito kaya huwag daw lagi akong bumaba. Halos nakabantay din daw ito sa kanila kaya hindi sila maka alis o makapunta rito. Medyo ng alala ako non at natakot dahil nasabi rin sa sulat na parang nag iba na si Manuelito.
Ngunit ilang lingo ay natangap ulit ako ng sulat. Sinabi daw ni bal kay Manuelito na nakabalik nako sa panahon namin para magtigil nga ito. Kahit ganon ay naawa parin ako kay Manuelito hindi mawala sa isip mo na parang kasalanan ko lahat.

"Ano ang iyong iniisip sobrang lalim yata? May nais kabang pag usapan?"
Sabay subsub ng muka nya sa leeg ko.
Hangang ngayon kasi ay nasa duyan parin kami at nakasandal lang ako sa kanya habang ang dalawang kamay nya ay nasa bandang tyan ko.

"Bakit kasi hindi moko payagan magtrabaho?"
Ilan besis nanamin pinag usapan to na maghahanap ako ng trabaho. Pero ayaw nya talaga at nauuwi lang sa awayan.

"Pinag usapan na natin yan."
Dahil nga nakasubsub ito sa aking leeg ay damang dama ko ang hininga nya. Nakikiliti ako sa bawat hangin na napapadaan sa leeg ko.

LUNAWhere stories live. Discover now