Luna pov.
Nagising ako dahil sa ingay ng paligid ko. Kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko.
Isang pamilyar na kwarto ang bumungad sakin kaya tumayo ako at pinagmasdan ang paligid.Eto yung kwarto ko nung bata ako. Madali akong lumabas upang sundan ang ingay na pinagmumulan.
Si mama at si papa nag aaway.
"Makinig ka! Kailangan kong balikan ang anak natin si jose! Pakiusap tulungan moko." Umiiyak si mama at nakaluhod sa harapan ni papa.
"Baliw kana!! Ni hindi mo masabe sakin kung saan mo talaga sya pinamigay!! Iyan at iyan nalang ang lagi natin pinag-aawayan crisa!!! Baliw kana!!! Imposible ang mga sinasabi mo!!!" Sigaw sa kanya ni papa.
Napasilip naman ako sa isang banda at doon ko nakita ang batang ako na umiiyak at tinatakpan ang dalawang tenga.
"M-maniwala ka sakin, totoo ang lahat! Basta nalamang ako napunta sa ibang panahon at doon ko nga ipinangak ang anak natin!!! Please maniwala ka!! Yung anak natin!!" Pagmamakaawa ni mama kay papa.
Bigla naman nagliwanang paligid at nag iba ang lugar.
Sa kalsada tumatakbo si mama at parang may hinahabol. Pero nakasunod sa kanya ang batang ako na umiiyak at sinisigaw si mama.
Agad naman lumapit sa kanya si mama.
"Umuwi kana anak ha! B-babalik si mama, may nakita lang akong tao itatanong ko kung paano ko masusundo ang iyong kuya ha! Please go home na anak." Ngiti nito sa batang luna.
"But mama ayoko po, g-gusto ko pong sumama." Malakas na iyak ng bata.
"Ssshh! Don't cry, sandali lang si mama promise bibili kita ng pasalubong okay?" Hindi ito inintay na sumagot ang bata madali ulit itong tumakbo at panay tingin sa paligid.
Na may Malakas na busina ang narining ko. Sinundan ko ng tingin at doon ko nakita ang sariling kong naka handusay sa kalsada.
Bigla ulit nagbago ang paligid at nasa bahay na ulit ako. Sa kwarto kung saan nakahiga sa sahig ang batang ako at napapalo kay mama.
"Kasalanan mo!! Hindi ko nasundan ang taong yon! Bakit sa sumunod ha!! Dba sabi ko umuwi ka ay hintayin mo ko!! Hindi ko kasalanan na aksidente ka!! Ikaw! Ikaw lahat ang mas kasalanan!"
"Crisa! Sinasaktan mo nanaman si Luna? Baliw kana!! Pati bata dinadamay mo sa kabaliwan mo! Pinipilit mo nanaman ba kaya na aksidente si luna dahil sinusundan mo ang matandang nagdala sayo sa sinasabi mong ibang panahon? Baliw kana, wala kana sa tamang pag-iisip!"
Bigla ulit ng iba ang lugar. Nakikita ko ang pilit na pinapasakay si mama ng mga taong naka suot ng puting damit. Nakatali ito pero si papa nakatingin lang sa kanya habang hawak ang batang ako na umiiyak.
"Luna anak, aalis lang ang iyong mama, sandali lang naman yon pero habang wala sya doon ka sa tita marie mo."
Nagbago ulit ang paligid, nasa sulok ang batang ako na umiiyak at parang takot na takot, pumasok sa silid si mama, at may dalang pamalo. Siguro sasaktan nanaman nya ang bata dahil sinisigaw nito ang pangalan ko.
"Crisa tama na!" Sigaw ni tita marie kay mama. Agad naman nyang niyakap ang batang ako at inilayo nga ito.
"Tahan na luna, pagpasensyahan mo na iyong mama ha! Hindi nya kasi alam ang ginagawa nya."
"M-may sakit po ba si mama?"
Bakit ko nakikita ang mga to. Bakit ngayon ko lang naalala ang mga to,
Panaginip ba to? Asan ako. Ano bang nangyayare?
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...