"magandang umaga nay violina!" Sigaw ko kay nanay violina ng madatnan ko sya sa loob ng store.
"Sayo din iha, buti at maaga ka! Maraming mga magpapagawa ngayon ng mga damit sapagkat pinaghahandaan ang paparating na kaarawan ni doña Crisa."
At kaya pala nandon si joselito kahapon ay hinatid ang invitation para samin ni bal. Sa susunod pa naman lingo yon pero busy na ang mga tao parang bongga ang gaganapin.
"Siempre unang araw ko po sa trabaho hehe. Nga po pala kasama ko po ang kambal ko. Susukatan kopo kasi sya mamaya nay. Kung ayus lang po hehe."
"Magandang umaga po sa inyo."
Sabi ni bal sabay mano kay nay violinaBalak namin kasi magpagawa din ng damit. Ako nalang bahala sa design siempre dapat matchy kami.
"Ito bay iyong kapatid binibini? Aba't ka gandang ginoo naman nya."
Napangiti nalang si bal kanya at parang nahiya pero alam ko deep inside tuwang tuwa ang loko haha!
"Osia, mga anak. Diyan muna kayo pag aayos lang ako ikaw luna, kahit mag walis walis kanalang muna diyan."
"Opo nay."
Kinuha ko nalang ang walis at nag-umpisang maglinis si bal naman ay nakaupo lang sa gilid at patingin tingin lang.
"Tutulungan kitang maglinis, at sasamahan kita ngayon mag hapon. kaso dapat ilibri mokong lunch mamaya."
Sabagay wala naman daw syang gagawin ngayon
"Pwedi naman, basta pautangin mo muna ako. Bibigay ko pang sahod."
Tumawa naman ito at napa iling.
Dahil hindi naman marumi ang store kaya madali kaming natapos sakto naman na may pumasok na mga tao at kung minamalas nga naman ang babaeng pinaglihi sa sama ng loob ang unang costumer. Kasama ang dalawang kapatid nya.
"Magandang umaga binibini." Bati sakin ni joselito at tinanguan ko nalang sya at nginitian. wala narin naman sakin ang nangyari kahapon.
Ganon lang din ang mga kapatid ng batian lang pero yung isa ang sama ng tingin sakin pero kapag kay kambal humaharap naka ngiti ito."Magandang umaga mga señorito at sayo din señorita teresita. Halika na't kayo susukatin ko na kayo. Halika luna tuturuan kita pano mag sukat."
Tumango lang ako at lumapit sa kanila unang sinukatan si teresita. Alam ko naman kung pano kaso baka sabihin ni nanay violona nag mamarunong ako kaya hinayaan ko nalang muna.
"Alam mo na ba iha kung papaano ang tama pag susukat?" Tanong ni nay violina nang matapos ang sya kay teresita.
"Opo nay. Medyo sanay narin po ako sa mga ganito."
"Mabuti naman kung ganoon. Ikaw na ang magsusukat sa kanila. May aasikasuhin kasi ako at alam ko na rin naman ang gusto nilang damit na ipagawa sakin. Maiwan muna kita saglit. Pero babalik rin ako bago mag agahan. May darating pa kasing iba para mag pagawa.
Sya nga pala mga ginoo sya si binibining Luna kasama ko sya dito wag kayong mag alala dahil marunong naman ito."Sumagot naman ang dalawa na ayos lang daw at umalis na si nay violina.
"Dito po mga ginoo. Sino pa ang uunahin ko sa inyo?"
"A-ako nalamang binibini." Taas kamay ni joselito animoy nasa eskwelahan.
Inumpisahan ko na ang pagsusukat sa kanya. Namiss ko to. Dati kasi kahit wala akong sariling patahian ng mga damit ay lagi kong sinusukan sina kambal at iba pa naming mga kaibingan then makikitahi ako sa mga nakilala ko hehe.
"Paumanhin ulit binibini hindi ko talaga sinasadya yung pag titig sa iyo kahapon."
Bulong nito sakin nasa likuran kasi nya ako at saktong nakahawak ako sa balikan nya.
Humarap naman ako sa kanyan upang sukdan kung gaano kahaba ang damit nya.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibingan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong ga...