"Iba talaga ang panginoon dba. Tignan mo! Maswerte tayo dahil binigyan nya tayo ng ganitong tanawin. Parang nagugustuhan ko na dito hehe. Pag ka gising ay bubungad sayo ang mga malalaking puno, fresh air. Walang pollution. Walang maingay tanging mga huni lang ng ibon ang naririning. Wala rin chismosang kabit bahay dahil nga wala naman tabing bahay haha. Eto yung tinatawag na bakasyon. Woooh thank you po!" Sigaw ko, Sabay taas ng kape na parang nakikipag cheers ka langit hehe.
Napatingin namam ako sa tabi kong nagkakape. Mukang takang taka sa mga sinasabi ko hahaha.
"Isang kang baliw na binibini."
"Wag mokong pansinin. Magkape ka lang dyan. Anong kape pala to? Masarap sya. Alam mo ba na sa isang buwan isang besis lang ako nag kakape kasi nga lagi akong sinisikmura. Pero pag ganito siguro ang kape. Pwedi kong araw arawin hehe."
"Ang ingay mo." Walang gana nyang sagot sakin.
Hindi ko nalang din sya pinansin. Ganyan naman talaga kasi sya. Minsan galit minsan hindi. Siguro may period sya ngayon hahaha.
Sampung araw na ang lumipas ng nakausap ko sina kambal at Manuelito. Pero kahit ganon ay lagi ko padin silang naiisip pati na rin si Maria at iba pa naming mga kaibingan. Nililibang ko nalang sarili ko para hindi maging malungkot. Tuyo na rin naman ang sugat ko kaya nagagawa ko na ang mga gawaing bahay. Madalas ako ang nanglilinis sa loob at labas. Si juan naman ay abala sa mga halamang gamot nya. May hardin pala siya na hindi kalauyan sa kubo. Pansin ko rin na nagiging komportable na kami sa isa't isa. Naikwento ko narin sa kanya na ulila ako at inampon lang ako ng pamilya ni bal. Naikwento ko lahat except sa galing kami sa hinaharap. Nagtatanong din sya minsan sa mga salitang sinasabi ko, sinasabi ko naman ang meaning pero minsan sabi ko ay wag nalang pansinin dahil ang iportante ay hindi ko sya minumura haha."Kung ikaw ay tapos na sa mga gawain mo ay magluto na tayo."
"Maliligo lang po ako sandali."
Ngumisi lang ito at tumalikod na. Nasabi ko sa kanya na hindi ako marunong magluto kaya tuturuan daw nya ako.
Wala daw akong pinagkaiba sa mga mayayaman dahil ni hindi ako marunong magluto, kaya nasabi na pinagluluto ako ni bal okaya ni manuelito kaya hindi ko
kailangan magluto. Ang sagot nya. "Wala ang iyong kambal rito o ang iyong nobyo kaya matuto kang gumalaw mag-isa"
With pa sigaw sigaw pa kaya ayun."Adobong sitaw ang atin uulamin madali lang naman yon. Kaya mo ba?"
"Hmm susubukan ko."
"Siguro naman marunong kang magluto ng kanin?"
"Oo naman."
"Sige yun na muna ang iyong unahin, mag pa apoy ka muna. Bago mo ihanda ang mga sangkap sa ulam. Doon lang ako sa likod papakainin ko na si daks."
Hindi na nya ako hinintay sumagot at umalis na nga.
"Okay sisindiin lang naman luna. Dati mo nang nagawa yan sumobra nga lang sa alab. Ngayon alam mo na."
Kumuha lang ako ng iilan pang gatong at kasera. Nag buhos lang ako ng kakaonting gas para madali mag alab. Then pay pay.
"Shocks bat ayaw umapoy!" Ilang minuto ko inuulit ulit ang ginawa ko pero ayaw talaga. Laging namamatay ang apoy ni hindi man tumatangal."Ayaw talaga. Tawagin ko na kaya sya? No! Hindi pwedi baka sabihin e simpling bagay lang hindi ko kaya. Tss."
Ilan minuto pa ang lumipas wala talagang apoy akong nagawa."Luto na ba?" Bungad nito sa akin.
"A-ano kasi h-hindi pa ako nakapag apoy."
"Ano!!" Sigaw nito.
Gulat man ay hindi ko ipinahalata sa kanya.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...