kabanata 11

39 1 0
                                    

Mag aalas tres na nag hapon ng maisipin kong umuwi. Naglalakad lang ako dahil iniwan ko yung perang bigay sakin ni bal. Hindi ko naman kasi alam na ganito yung mangyayari.
Medyo malayo ang bahay namin sa bayan kaya eto tiis lang sa initan para makauwi. Kung sanang may mga jeep dito na pweding i 123 hehe.
After kong makipag kwentuhan kay flora kanina ay naghiwalay narin kami. Namamasukan pala sya kila Miguelito kaya nagmamadali kanina baka daw hinahanap na sya. Kaya naghanap nalang din ako ng pweding mapasukan trabaho para hindi naman nakakainip sa bahay at isa pa nakakahiya na kay kambal.

Ramdam ko na ang gutom dahil hapon na nga, hindi pa ako ng lulunch tanging tinapay lamang ang kinain ko na bigay ni aling violina. At sakto naman na nangangaylangan daw sya nag makakasama ngayon kaya pwedi na daw akong magtrabaho sa kaniya haha, ang saya ko lang atlist may work nako.

Medyo malayo pa ako pero naaninagan kona ang bakod namin ng may humintong kalesa sa gilid ko.

"Binibining Luna, bakit ikaw ay naglalakad sa ilalim ng kainitan? Halikat sumabay ka na sa akin."

Si ginoong joselito pala. Bakit sya nandito? Hindi nya ba kasama sina Manuelito?

"Hm maraming salamat ginoo, ngunit tanaw ko rin naman ang aming bahay. Kaya lalakarin ko na." Sabay turo ko.

Nakita ko naman na binuksan nya ang pintuan at bumaba.

"Kung ganon ay sasabayan na kita."

"Aah! Hindi na. Nakakahiya, baka maamoy nyo ako, medyo kanina pa kasi ako naglalakad kaya amoy araw na din hehe." Sabay kamot sa batok ko.  Talaga naman for sure amoy pawis nako ikaw ba naman ang balot na balot ang damit at lumakad sa arawan.

"Kung ganon ang iyong inaalala binibini ay wala sa akin yon, at tutal ay sa inyo rin naman ako tutuloy pagkat may ipinapahatid ang aking ama."

"Huu? Wala ba sa inyo ang aking kambal?"

Sinensyasan naman nya ang nangmamaneho ng kalesang sakay na nya mauna na sa bahay. At nag umpisa ng maglakad.

"Hindi naman sya tumuluy sa bahay binibini, at ang alam ko ay kasama nya ang makakapatid na mercado kaninang umalis sila."

Hala patay! Kung ganon kanina pa sila sa bahay? Sermon nanaman nyan aabutin ko sa kanyan parang tatay pa naman kung manermon tsk!

Tumango nalang ako sa kanyan at inuhan sya sa paglalakad.  Medyo malapit nakami sa bahay ng makita kong huminto ang kalesa kanina at lumabas si kambal sa pintuan ng gate.
Kasama pa si Manuelito.

"Mga ginoo!" Sabay pa silang napatingin sa amin ng tinawag ng kasama ko ang dalawa.
Hala ang sama ng tingin!

Nag makalapit kami sa kanila ay hindi ko na sana sila pinansinin at tutuluy na sana sa loob ngunit hinila ako ni kambal.

"San ka galing. bakit kasama mo sya? At ganyan istura mo?"

"Nakasabay ko lang sya kani kani lang bal, at naglakad lang ako pauwi kaya pawisan ako. Magpapalit lang ako."

Sabay alis nya sa hawak nyang braso. Dumiretso nalang ako sa bahay upang makapag hilamos.

Papasok sana ako sa kwarto upang kumuha ng pampalit ng pumasok si Manuelito sa bahay.

Nahihiya tuloy ako sa kanyan, hindi man lang ako nakapag paalam kanina.

"M-manuelito." Sabay yuko ko.
Ramdam ko naman na lumapit ito sa akin at yayakapin sana ako ng mapaatras ako.

"Sandali lang, medyo amoy pawis kasi ako hehe, maka ma amoy moko."

Hindi naman ako pinansin nito at itunuloy ang pagyakap sa akin.

LUNAWhere stories live. Discover now