"I-ilan araw akong nakatulog?"
Bungad ko sa lalaking makatalikod sakin. Nasa labasan ito ng kubo kung saan ako nagising. Maliit lang ito. Halatang isang tao lamang ang nakatira rito dahil isa lamang ang higaan. May isang upuan din sa loob at maliit na mesa kung saan nakalagay ang maraming bote na kung pagmamasdan ay mukang mga katas ng halaman gamot. At meron din iba't ibang klasi ng dahon.
Hindi ko lang sigurado kung talagang oras o araw akong nakatulog. Medyo masakit pa kasi ang katawan ko pero pansin ko rin kanina na marami akong pasa. Hindi ko lang alam kung meron sa muka dahil wala akong makitang salamit sa loob. Nakabalot din ng tela ang braso ko pero may makalabas itong mga dahon. Mukang ginamot.Yun nga lang kung anong suot ko ng gabing iyon at iyun parin ang damit ko ngayon at may mga bahid din ng dugo na malamang sakin galing ang mga ito.
Pansin kong napahinto ang lalaki kung ano man ang ginagawa nya sa kusina. Pero mukang nagluluto ito ng kung ano paman.
Nasa labasan kasi ang kusina medyo nakahiwalay sa kubo kung saan ako nagising.
"Dalawang araw."
Sagot lang nito ng hindi humaharap.
Malaming ang kanyan boses. Hindi ko pa nakikita ang muka nito pero sa hubog ng katawan nya ay mukang magkasig edad lamang kami o hindi nalalayo rito. Halatang sanay din sa trabaho dahil batak din ng katawan nito. Pano ko nalaman? Wala kasi syang saplot pang itaas. Kaya kahit nakatalikod sya ay kitang kita ko malabato nyang braso. Parang magkasing katawan lamang si Manuelito.Speaking of manuelito, Malamang yan sa mga oras na ito ay hinahanap na nila ako at alam kong alalang alala sila. Kailangan kong umuwi agad.
"M-maari bang makigamit ng palikuran?"
Tanong ko rito. hindi parin sya humaharap pero itinuro lamang nya ito.
Ang langkit ko na kasi at nakakahiya baka nangangamoy nako. Pumunta ako Sa cr upang maghilamos. Napapa aray nalang ako tuwing natatamaan ang mga pasa ko o di kaya naman ay nagagalaw ko ang isang kamay ko kung saan nandon ng sugat ko.
Mahirap man gumalaw ay nakuha kong tangalin ang damit ko. Buti may panloob ako na sando. Naglinis lang ako ng katawan para mapreskuhan kahit papaano. Gusto gusto ko man maligo pero naisip ko wala pala akong pamalit.Lumabas akong naka sando at short lang hindi naman kaliitan ang short ko lagpas tuhod pa nga ito.
Nadatnan ko syang nakaupo lang sa hagdan ng pintuan ng kubo. Hindi naman ito kataasan dalawang baitang lang ito. Ganito ang mga bahay kubo na nakikita ko dati maliit lang pero magandang tignan.
Nakadamit na ito ngayon. Napaharap na sya sakin. Pinasadahan nya ako ng tingin sa paa hangang sa muka. Nagtama ang mga tingin namin. Pero agad din nitong inalis iyon at nakatingin naman ngayon sa braso ko. Wala itong reaksyon sa muka kaya hindi ko mabasa kung ano ang naiisip nya.
"W-wala pala kasi akong maisusuot. Paumanhin baka kasi nangangamoy na ako. Hehe."
Sabay kamot ko sa bandang leeg pero agad din akong napa aray dahil yung may sugat pala ang naitaas ko.Tumayo ito papunta sa gawi ko at hinawakan ang pulsuhan ko sabay hila papasok ng kubo. Inupo nya lang ako sa hinigaan ko kanina. At
Kinuha nya ang iilan dahon. mukang lilinisin nya ang sugat ko.Umupo din ito sa tabi ko at agad na tinangal ang telang nakabalot sa braso ko. Napapa pikit nalang ako sa ginagawa nya. Sobrang sakit nito. Hindi ko tuloy alam kung saan ako kakapit.
Huminto ito ng saglit kaya napamulat ako kita ko naman na tinitiris nya ang dahon hawak nya. Nag matapos ito ay humarap ulit sakin akmang ilalagay nya sa sugat ko at pinahinto mo sya.
"S-sandali lang."
"Hmm?"
Madali kong kinuha ang unan ko kanina at umayos ng upo. Inuyuko rito ang ulo ko. Kaka gatin ko nalang ito. Dahil alam kong masakit ang gagawin nya.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...