"Nay Violina ano pong sa tingin nyo sa mga to?" Sabay abot ko sa kanya ng mga papel kung saan ko iniukit ang mga design kong damit.
"Aba luna kagaganda naman nito. Sigurado ay mabebenta agad ang mga ito kung atin ng gagawin." Masayang bigkas nya.
"Talaga po? Nagustuhan nyo po?"
"Malamang anak tignan mo. Maganda ang iyong pagkaka guhit paano pa kaya sa aktwal na damit."
Mabuti naman nagustuhan nya hehe.
Hindi ko alam kung anong date ngayon pero malamang ay malapit na mag pasko. Dahil meron ng nagbebenta ng mga bibingka, puto bungbong at kung ano ano pa. Tuwing gabi tuloy yun lagi ang kinakain ko hehe. Hindi naman kasi nakakapagluto si bal masyado syang abala ngayon sa trabaho nya at kay maria. Hindi ko alam kung anong status nila pero alam kung masaya silang dalawa. Kami naman ni Manuelito ganon parin. Hindi ko padin sya sinasagot pero alam naman namin kung ano ang nararamdaman namin sa isat-isa at masaya kami don.
"Ayan na pala ang iyong sundo Luna."
Napaharap ako sa pintuan at sakto naman na kakapasok lamang ni Manuelito.
Bumati lamang ito kay nay violina at humarap sakin."Nauna na sina maria sa bahay. Doon daw na tayo mag kikita kita." Ngiting sabi nito sakin.
"Hmm sige tara na."
Inalalayan nya lang ako pasakay ng kalase.
"L-luna." Tawag nya kaya napaharap ako. Sabay abot nya sakin ng tatlong pirasong rosas na kulay puti.
Itong mga nakaraang araw ay lagi syang may dalang bulakbulak. At kaya pala noon ay wala itong dinadalang bulakbulak ay sinabi ni bal sa kanya na ayoko daw non. Baliw yon."Salamat." Ngiti ko sa kanya.
Madalas si kambal ang nagsusundo sakin. Pero minsan sya. At malamang pag ganon ay kasama nya si Maria. Okay naman sakin.
Sinasabi ko naman na kaya kong umuwi mag isa. Pero hindi daw pwedi dahil delikado daw lalo na panahong ito ilan besis ng may nakatagpuaang mga bangkay sa Gubat. Pero hindi ko alam kung bakit."Daming pagkain ha!" Andami kasi nilang nilutong ulam e kaming apat lang naman ang nandito.
"Sana'y magustuhan ninyo. kaming dalawa ni Tan tan ang nagluto riyan Luna."
"Talaga? Marunong kana?"
Agad naman itong tumango. "Tinuruan nya ako. Masaya palang magluto hehe."
"Ako kaya kailan ako matututong magluto?"
"Wag na Bal! Baka sa susunod na luto mo lason na ang mailagay mo!"
Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Huwag mo ng asarin si Luna Ginoong tan. Baka mamaya ay maging tigre nanaman nyan."
Napanga nga naman ako sa sinabi ni Manuelito. Tigre talaga?"
Nagtawanan naman silang tatlo at ako ay napanguso nalang. wala kasi akong maisip na isasagot.
"Pinagtutulungan nyo ko!" Sabay tingin ko ng masama sa kanila.
Lalo silang natawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba?
Naramdaman ko naman na lumapit sakin si Manuelito at hinawakan ang ulo ko."Wag ka nang sumimangot. Halika at tayo'y kumain na."
"Kayo'y kakain ng wala pa kami?"
Si Marco. Kasama pa ing iba."Tss. Halina kayo!"
"Flora!" Sigaw ko ng makita ko sya kasama si Miguelito at joselito.
Masaya naman itong kumaway at lumapit sakin.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibingan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong ga...