kabanata 39

39 2 2
                                    

Pang limang araw ko na ngayon rito sa bahay. Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw ngunit sa totoo lang ay gusto ko ng umuwi dahil parang may mali sakin.
Laging masama ang pakiramdam ko. Lagi akong nahihilo. At lagi akong kumain ng kung ano ano. At madalas din ang pagsuka ko tuwing umaga. Hindi naman ako tanga alam ko ang mga sign nato. Hindi ko nga lang sure dahil wala naman pregnancy test dito. Pano ba malalaman pagbuntis ang tao sa panahong to? Hihintayin nalang bang lumaki ang tiyan?

Sh*t!! Handa ba akong maging nanay? Gagi ka luna ginawa mo yan dapat alam mo pwedi kang mabuntis! Huhuhu. Anong gagawin ko?

"Waaaaahhhhhh!" Malakas na sigaw ko sabay hampas ng unan ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin at isa pa wala si juan ngayon sa tabi ko.

"L-una! M-may problema ba?" Hingal na sabi ni Manuelito pagkabukas ng pintuan.

"W-wala naman."

"Ngunit narining kitang sumigaw."

Tinitigan ko ito dahil sa itsura nya na mukang nag-aalala nga.
Ano kayang mararamdam nya pag nalaman nyang buntis ako? Masasaktan nanaman ba sya?

"M-manuelito." Mahinang sabi ko pero nakatingin lang ito sakin at parang hinihintay ang gusto kong sabihin.

"N-naiinis ako."

"Huh?"

"H-hindi ba pa talaga ako pweding umuwi?" Mahina lang iyon pero alam kong narining nya. Dahil sa mga titig nya. Alam kong nag-usap na kami ng sampong araw ang pamamalagi ko rito. Pero gusto ko talagang makausap si juan para nalaman nya ang nagyayare sakin.

"N-nais mo ba talaga?"
Manuelito naman wag naman ganito. Nag usap na tayo.

Tumango ako ng dahan dahan pero hindi ko sya tinignan. Natatakot kasi ako. alam kong nasasaktan sya hindi nya deserve ang ganito. Maysado na syang nasaktan sa mga taong nagmamanipula sa kanya. At dumagdag pa ako.

"Kung ganon ay ihahatid kita bukas."

"Talaga?"

Tumango ito at ngumiti.
Nakangiti man ito ngunit nakikita ko sa mga mata nya ang labis na pagkalungkot. Sorry Manuelito. Ako ang may kasalanan. Hindi ko na pweding bawiin ang lahat. Huli na ang lahat para sa ating dalawa.

"Ngunit m-maari ba akong humiling kahit isa lang luna?"

"Ano?"

"M-maari ba na rito rin ako matulog sa iyong silid? Gusto ko lamang na makasama kapa kahit ilan sandali nalamang. Ngunit huwag kang mag-alala sa lapag naman ako."

Wala naman siguro masama roon dba? Ilan besis ko na syang nakatabing matulog noon. Tsaka magkaibingan naman kami.






"Itutuloy mo ba ang iyong pag-alis?"
Mga alas siyete ng gabi ng naisipan namin matulog dahil nga daw madaling araw kaming aalis bukas. Siguro daw ay hapon na kaming makakarating doon.

"Hm! Sa oras na maihatid kita bukas akoy tutuloy sa Maynila upang puntahan ang governador heneral."

"Paano kung hindi sya pumayag."

"Alam kong nais nya rin iyon. Tsaka matagal na rin naman namin nasabi ni ama sa kanya. Ngunit si don pedro lamang ang hindi payag. Sa tingin ko ngayon ay wala na syang magagawa."

"Ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka roon."

"Oo luna. Maraming salamat."

"Pwedi naman na ipahatid mo nalamang ako. Para maaga karin makarating sa pupuntahan mo."

Umupo ako at tinignan sa sya baba dahil na sa lapag ito nakahiga.

Napaupo din ito bigla at humarap din sakin.

LUNAWhere stories live. Discover now