kabanata 28

28 2 3
                                    


"A-ano ang pag uusap natin?"

Dito kam ngayon sa bakuran nila ate julia. Mas maganda mag usap dito, kasya naman sa loob. Nakakahiya sa may bahay.
Sa ilalim lang kami ng puno. Sina kambal naman ay hindi naman kalayuan samin na nakaupo malapit sa bahay kung saan may tambayan. Kasama nya sina juan at Samuel.

Kanina pa tumatambol ang dibdib ko, hindi dahil sa galit. Kundi dahil sa takot. Tako ako na bigla nya akong isumbong sa kanyan ina.

"Alam ko na lahat."

"O-oh ngayon?" Walang ganang sagot ko sa kanya. Hindi naman ako galit sa kanya dahil wala naman syang kasalanan. Pero natatakot parin ako.

"Kapatid kita!" Diretsong tingin nya sakin.

"Hindi!"

"Alam ko lahat Luna! Kapatid kita. I-inamin sa aking ng ating ina."
Napanganga ako sa sinabi nya. Panong inamin e dba galit sya sakin. At ipinalalayo nya ako sa pamilya nya.

"Sinabi lahat sa akin ng aking kutsero. Sya ang kasama ng ating ina noon gabing... G-gabing sinaktan ka. S-sinabi lahat sakin L-luna. Paumanhin w-wala akong nagawa." Naiiyak na sambit nya.

Bigla nang flashback lahat ng nagyari sa akin ng gabing iyon. Kaya naluluha narin ako.

"U-umalis ka nalang rito. Nasabi mo na ang iyong gusto. L-lalayo ako sa inyo. Kaya huwag kang mag alala."

"H-hindi. Hindi ako aalis rito dahil nag uusap pa tayo. At b-babawi si kuya."

Kuya? G*g* ba sya? Wala akong kapatid.

"Wala akong kapatid, kaya umalis kana."

"Alam ko ang lahat luna, sapagkat inamin nya sakin ang lahat. Kinumpronta ko sya kung hindi sya aamin sa akin ang sasabihin ko sa aking ama na hindi ko naman pala talagang ama."

"A-ano?"

"M-magkapatid tayo Luna, hindi lang sa ina. Sapagkat ang iyong ama ay sya rin ama ko."

Impossible!

"Naguluhan karin ba?"

Hindi ako sumagot dito. Dahil hindi maprosesa sa utak ko ang mga narining ko.

"Hindi ba't galing ka sa hinaharap?
Noong una ay hindi ako naniniwala sapagkat imposible ang lahat."

"Inamin sakin ng ating ina na galing din sya sa hinaharap, nauna lamang sya sa inyo rito. Magkamukang magkamuka ang ating ina at si doña crisanta Ng mapunta sya sa panahong ito at nagpangap syang sya si doña crisanta at sa panahong iyon ay asawa na nya ang kinilala kong ama. At sa mga panahon din yon ay pinagbubuntis nya ako. Gumawa sya ng paaraan upang akalain ni don na anak nya ako. At ng lumabas na nga ako rito ay sya naman balik nya sa panahon nyo. Walong taon akong lumaki sa kamay ni doña crisanta. Nagtataka pa nga ako rito sapagkat lagi nyang sinasabi na hindi nya ako anak. "

"Isang araw biglang nagbago ang lahat. Naging mabait sya. Ako lang daw ang dahilan kong bakit sya nakabalik sa taong mahal nya. Naguguluhan man pero hindi ko pinansin dahil nga masyado akong bata noong panahong yon. At kailan ko lang nalaman ang lahat. At sya rin ang pumatay sa ating ama. Inamin nya na binanga nya ang sinasakyan nila para nga ma aksidente sila. Nangtangka daw syang magpakamatay sapagkat sobra daw ang pahirap ng ating ama sa kanya. At nagising nga sya ng nakabalik sya sa panahong ito."

Hindi ma prosesa sa utak ko lahat ng sinabi sakin ni Joselito. Sh*t lang dahil sya nga talaga ang aking ina? Pero bakit ganon ang galit nya sa akin? Pero kay joselito hindi naman kung isa lang ang ama namin? Dba magulo? Kaya ba ng utak ko? Sumasakit yung ulo ko.



"Bal!" Tawag sakin ni bal pero hindi ko pinansin.
Naka upo nakaming lahat ngayon sa labas, may nakahain na rin miryenda.  Hindi ko nga alam kung pano ako nakaupo rito.
Naririning ko silang nagsasalita pero hindi ko maintindihan.

LUNAWhere stories live. Discover now