Chapter 1

5.6K 113 3
                                    

#unedited

~~~ AGABE ACADEMY ~~~

"Inday anak! Halika rito! Dali! Bilisan mo!" sigaw ni nanang na nasa loob ng maliit na kubo namin.

Kinabahan naman ako dahil baka inatake na naman ito ng asthma. Kaya naman ay napatigil ako sa pagluluto at tumakbo papunta sa loob. "Nanang!"

Pagpasok ko ay agad ko namang nakita si Nanang na nakatayo habang may hawak na isang papel. Umiiyak ito at nanginginig. Agaran naman akong lumapit sa kanya.

"Nanang, ano pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak? May masakit ba sa inyo?"

Tumingin sakin si Nanang at ngumiti. "Natanggap ka sa Agabe Academy anak!"

"Po?" Agabe Academy?

"Tingnan mo to" Nilapit sakin ni Nanang ang hawak nitong papel na isa palang mensahe galing sa isang paaralan na nag-ngangalang Agabe Academy.

Nakasaad dito na binibigyan nila ako ng scholarship para makapag-aral at kung sakaling maging Valedictorian ako ng paaralan nila ay pag-aaralin nila ako sa isang magandang university sa ibang bansa.

"Totoo ba to nanang? Makakapag-aral ako?"

"Oo inday. Hindi mo na kailangang huminto sa pag-aaral!"

"Pero paano po yun nangyari?"

"Nagpatulong ako sa Mayor natin, at nakita naman nila ang mga matataas mong marka sa School, sabi nila pwede daw nila tayong matulungan. Maghahanap daw sila ng School na pwede kang bigyan ng Scholarship. At ito na nga iyun!" kwento nito.

Kaya pala nawala ito bigla nung nakaraang araw. Pumunta pala siya sa bayan.

"Matutupad mo na ang mga pangarap mo inday!" sigaw pa ni nanang. natuwa naman ako sa nalaman kaya'y napahawak ako sa kamay ni nanang at nagtatatalon kami.

" Makakapag-aral ako! Makakapag-aral ako nanang! Ang saya saya ko!! Makakapagtapos nako ng high school! "

"Ako rin.. Masaya ako para sayo..."

Niyakap ko naman si nanang ng mahigpit at ngumiti. "Salamat Nanang. Salamat" nanatili kaming ganon ng ilang segundo nang biglang napa-ubo si Nanang.

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya "Ina-asthma ka na naman nanang!" dahil yata sa pagtalon namin ay hiningal ito.

Agad ko siyang pina-upo sa kahoy naming upuan "Sandali lang" mabilis na kumuha ako ng tubig sa labas at kinuha ang gamot nito sa asthma.

Pagbalik ko ay pina-inom ko kagad siya. Hinagod-hagod ko ang likod nito para guminhawa ang pakiramdam niya.

"Oh" binigay niya sakin ang baso at tinabi ko naman muna sa katabi kong mesa. "Ayos nako inday. Huwag ka ng mag-alala."

"Hindi ko maiwasan nang. *lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya* natatakot ako., pano kung atakihin ka ng asthma at wala ako?.." naalala ko bigla yung Agabe Academy... "Nang.. Huwag na lang kaya ako---"

Pinalo ako sa kamay ni nanang kaya'y napahinto ako. "Hindi. Mag-aaral ka. Kaya ko naman ang sarili ko. Malakas pako inday."

"Pero nang.. Sa dorm nako titira. Magkakahiwalay tayo.." tutol ko. Nakasulat din kasi sa liham na sa dorm nako titira at ang Agabe Academy na ang bahala sa bayarin basta't matataas ang magiging marka ko sa school.

"Lagi naman akong nasa puso mo diba? *Tinuro niya ang puso ko* magkahiwalay man tayo, nandyan naman ako."

"Pero nang.." Hinawakan niya ang pisngi ko at sumeryoso ng tingin. Napaka-hinahon ng boses nito na tila ba naging anghel si nanang "Magtiwala ka sakin anak. Walang mangyayari saking masama." ang sabi niya.

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon