#unedited~~~ SWEET ~~~
Inday's POV
Tahimik at tila nagpapakiramdaman kaming lahat dito sa loob ng kubo. Pinapasok kasi sila ni Nanang ng malaman niyang schoolmate ko ang mga ito.
Walang iba kundi sina ethan, ranzel at rica na may malalaking bag na dala. Samantalang parang imbestigador si helen kung makatitig. Umalis muna kasi si nanang at perry para bumili ng gulay na lulutuin niya para mamayang gabi at para na rin daw sa bisita namin. kaya si helen, cintia at silang tatlo lang ang kasama ko ngayon.
At dahil na rin sa walang umiimik sa kanilang tatlo ay napag-isipan kong ako na lang ang maunang mag-salita."bakit kayo pumunta rito ethan?"
"Oo nga bakit?"-sigang tanong din ni helen.
"Gusto sana kitang maka-usap ilyana."-ethan
Huh?
Magtatanong sana ako kung bakit ng pangunahan ako ni helen."bakit? Anong ginawa mo kay inday?huh. At kayong dalawa ano namang pinunta niyo rito? Sumagot kayo."
Napahawak ako sa noo ko at napailing na lang. Yari na. Kilala ko kasi si helen, kapag ganyan siya ibigsabihin ayaw niya sa mga ito. Titig niya palang halata na.
"Sinamahal lang namin si ethan pumunta rito para maka-usap si inday." seryosong sagot naman ni ranzel na lalaking-lalaki ang dating habang tahimik lang si rica pero pansin kong inis siya kay helen.
"maka-usap? Sembreak niyo lang naman diba? Magkikita pa naman kayo sa pasukan kaya makakapag-usap pa kayo" singit ni cintia na naka-kunot ang noo.
"oh tingnan niyo. Sembreak niyo pala. Siguro may ginawa kayo kay inday no? Inano niyo siya ha?" helen
"hindi sa ganon" -ethan
"anong hindi kakasabi---"
"Wala nga kameng ginawa. Bakit ba nagagalit ka kaagad?" inis ng sagot ni rica kaya tiningnan siya ni helen at nagtitigan sila. Hinawakan naman siya ni ranzel at sinita. "bakit ba? Kanina pa siya eh. Ang sama kung makatitig."
"Aba! Ako pa! Ikaw kaya tong--" tumayo ako sa pagkaka-upo at pinigilan na sila dahil sumasakit lang ang ulo ko sa pagtatalo nila.
"Helen tama na.*sigh* Cintia samahan mo muna si helen sa kanila.. Mag-uusap lang kame."
Tumango naman si cintia at tumayo na rin. "Pero inday. Dapat nandi---"
"Please helen" paki-usap ko kaya napatigil siya. Tinitigan niya ko at tila nag-isip pero sa huli ay pumikit ito at bumuntong hininga. "Fine. Pero mamaya mag-uusap tayo."
Ngumiti ako sa kanya habang tiningnan niya naman muna si rica at nag-irapan silang dalawa bago lumabas. Sumunod naman si cintia pero hindi nagpahuli sa mata ko ang pa-simpleng tinginan nila ni ranzel.
Ehh. Anong meron?
"Indaaaay." tawag ni rica sakin ng makaalis ang mga ito at tumabi sakin." Grabe yung kaibigan mong yun ah, siga, kaloka."
"Onga girlalu. Akala ko kakainin na kame ng buhay" pag-agree ni ranzel na bumalik sa pagiging kilos bakla. Ehh akala ko pa naman lalaki na siya at---*sigh* nevermind. Baka imagination ko lang na may something kanina.
"Pagpasensiyahan niyo na si helen pati na si cintia. Ganon lang talaga sila pagdating sakin. Protective. Pero mababait din naman mga yun."
"tsk. Bahala na. Sabi mo eh. Pero ahm day--" napatigil si rica ng mapatingin siya kay ranzel na para bang may sinesenyas.
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v