#unedited~~~ MATH ~~~
Inday's POV
(Next day)
Naging busy ako buong araw dahil nag-exam nako ng apat na subject ko. Tapos bukas another four subjects na naman. Malapit na kasi ang sembreak kaya kailangan matapos ko na kagad mga exam ko.
Kaya nandito ako ulit sa library. Nagrereview... Pero parang mali yata.. Kasi naalala ko lang si ethan. Naalala ko lang mga sinabi niya.
Mga salitang.. Kay tamis pero ang hirap paniwalaan... kasi yung taong dati ako lang ang nagmamahal, ngayon mahal na rin ako..Pero dahil na rin sa mga sinabi niya sakin kahapon. Nawala mga takot ko..
"Inday... Ngayon na may dalawang hot guys ang nanliligaw sayo... Anong gagawin mo?" mala-showbiz na tanong ni rica.
"Ay. Shungangers ka naman rica! Malamang si ethan pipiliin niyan kasi diba si ethan naman talaga ang mahal niya." -ranzel
"Oo nga pala.. Pero paano si june? kawawa naman siya." -rica
"Hindi siya kawawa! Kasi nandito pa naman ako handang maging kanya! Haha" nagpose pose pa si ranz na parang diyosa.
"yiii. Mangilabot ka nga! Sakin si june!"
Napapa-iling na lang ako sa pinag gagagawa nila rica. Pero may point naman sila..
Paano nga ba si june?
Ayaw ko siyang saktan kaso...Si ethan... Mahal ko talaga siya..
Hindi ko alam pero makita ko palang siya bumibilis na tibok ng puso ko pano pa kaya kung ngumiti siya tas kita dimples? Feeling ko natutunaw nako."*sigh* ano kayang pwedeng gawin para makuha ko attention ni june?" narinig kong tanong ni rica.
"Madali lang yan! Madulas ka sa sahig! Panigurado makukuha mo attention niya. Hindi lang siya, lahat ng tao hahahaha!" suggest ni ranz na tumawa pa ng malakas kaya na-sita ng librarian. "Ay. Sorry po." at pilit pinigilang matawa ulit.
"Haynako. Magsusuggest ka na lang pang-shunga pa." sabay irap nito kay ranz
"May gusto ka kay june, rica?" -ako
Napatingin naman siya sakin at parang nagulat sa tanong ko,
"H-huh.. Ah eh.. Crush lang naman" nahihiyang amin niya kaya napangiti ako kasi siguradong bagay sila ni june kung nagkataon..Maganda rin naman kasi si rica at masayang kasama :)"halolooo. Arte." -ranz
"che! Pake mo ba?"
"Wala talagang araw na nag-aasaran kayong magpinsan no?" kinuha ko yung algebra kong libro at nagtry magsolve ng mga exercise.
"ganto kame maglambingan" -ranz
"Lambingan ka diyan! Ang sabihin mo sadyang bad ka sakin."
"aysus. Ewan! Samahan mo na lang akong bumili ng snacks natin." tumayo siya at pilit pinapatayo si rica.
"ayaw ko nga."
"tsk. Lilibre kita" ang sabi ni ranzel at agad naman napatayo si rica pagkarinig nun.
"ano ba yan ang tagal mo. Halika na bili na tayo."
Binatukan siya ni ranz dahil dun. "paglibre talaga ang bilis bilis magbago ng isip mo eh no?"
"haha ganon talaga. Libre eh."
"tsk *tingin sakin* bili lang kami ah. Bilhan na lang din kita."
"sige. Biscuit sakin ah"
Tumango naman ito at nagtatalong umalis :3
*sigh* Kahit na magulo yung mga yun. Masaya parin pag sila ang kasama :)
Nagpatuloy ako sa pag solve ng mga math problems.. Nang may biglang dumating. "seems liked your in a good mood" napa-angat ako ng tingin at nakita si jonas sa tapat ko at tila sigang lalaki na umupo. "aren't you being too comfortable and happy?"
Nawala ang ngiti ko at napa-simangot "ano na namang kailangan mo jonas? Hindi ka parin ba tapos manggulo?"
Kinuha niya ang Algebra book ko na para bang inaaral niya. "Alam mo inday para kang math problems.. Kailangan may solutions at explanation bago mo makuha ang tamang sagot..."
"at anong gusto mong iparating?"
Nilingon niya ko at nginitian.
"na isa kang tanong na dapat alamin ng lahat.."Napahigpit ang hawak ko sa ballpen ko at pilit pinapakalma ang sarili sa harap ni jonas "sabihin mo..Anong nalalaman mo?"
Binitawan nito ang libro ko at pakunwari na inayos ang mga libro ko."hmmm... I wonder"
"Stop playing around jonas."
Napatigil ito at napatingin sakin. " Kapag nag eenglish ka, may accent pa minsan... At ang galing mo.. Knowing na sa bundok lang naman ikaw nakatira noon... Hindi kaya nakakahalata sila ethan?"
Napatayo ako sa inis at napahawak sa lamesa. "Enough. Sino ka ba talaga?" mahina pero may diin kong tanong.
"*smirk* someone who knows everything..."
"alam ang alin?"
"you're secrets.." nawala ang inis ko at napalitan ng kaba. Dahil possibleng ibalik niya ko sa dati.
"natahimik ka?" tumayo rin siya at humawak sa lamesa. "natatakot kana ba?"
Sa bawat salitang sinasabi niya.. Naaalala ko lahat.. Lahat ng nakaraan na pilit kong kinakalimutan...
"hindi--hindi ko alam ang pinagsasabi mo.." ang tangi kong nasabi.
"Hindi? Gusto mo bang ipaalala ko sayo... Ipaalala na... Hindi ikaw si ilyana doretea A. Yloverez...at na isa ka lang substitute sa namatay na anak ni Nanang mo?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napatitig kay jonas. "P-paano mo nalaman? Sino ka ba talaga?" nanginginig kong tanong na sinuklian niya ng ngiti.
"alam mo ba kung bakit naging scholar ka dito sa AA?" naglakad ito at pumaikot sa lamesa para pumunta palapit sa pwesto ko. "Kasi sa kanya to." huminto siya sa gilid ko. "Kay donya carmela to... Sa Lola natin.."
H-hindi...
Nanlulumong napaupo ako't nilingon siya. Nakangiti ito samantalang takot na takot ako.
"Kamusta... Sharmaine?"
~~~ To be continue...
A/N: Tama na muna ang kilig moments! pero OMOOO yung secret ni inday! Unti-unti na kayang mabubunyag? Saka tinawag siyang sharMAINE ni jonas?! Why o why? Malalaman yan sa susunod na chapters! Abangan!
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v