#unedited~~~ OFFICIAL ~~~
Inday's POV
Bumitaw sa pagkakayakap sakin si ethan at hinawakan ng magkabilaang kamay niya ang pisngi ko "A-anong sabi mo?" nangingiting tanong ni ethan.
Ang kaninang lungkot ko ay nawala at napalitan ng ngiti ang aking labi "Mahal din kita ethan...mahal parin kita."
Parang nagningning ang mata niya pagkasabi ko nun "Sabihin mo ulit."
"Mahal kita ethan."
"ano?"
Natatawa akong inulit ito "Mahal kita ethan!"
"Isa pa, please..isa pa."
Hinawakan ko din siya sa pisngi at ngumiti "Mahal... na mahal.. na mahal.. kita ethan" pagkasabi ko nun ay agad niya kong sinunggaban ng halik na sinuklian ko rin. Mga labi namin na nagbigay kuryente sa aking katawan. Halik na kay tamis..
Isang halik na punong-puno ng pag-ibig. Parang tumigil ang oras, parang may paru-paro sa aking tiyan na nakikisaya, at higit sa lahat ang tibok ng puso namin ay tila nagkakaisa na.
Isang halik lang pero ang daming emotion na naibibigay.
Lumayo sakin si ethan pero pinagdikit niya ang aming mga noo. "Mahal na mahal..na mahal na mahal din kita maine.." nanatili kami sa ganong posisyon na nagtititigan.
"thank you ethan.. Thank you kasi tinanggap mo parin ako."
"Mahal kita kaya kahit ano pang nakaraan mo, tatanggapin at tatanggapin parin kita.. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko ng dahil lang sa nakaraan mo."
Lumayo ako sa kanya at hinampas siya sa braso "Aray! Bakit?"
"Ikaw kasi.. Huwag ganon. Dahil sa mga sinasabi mo lalo tuloy kitang minamahal.. Hindi ko alam kung paano ko na ihahandle yung puso ko" nahihiya kong amin at yumuko pero hinawakan niya ang baba ko't inangat ang ulo ko,dahilan ng pagtama ng aming mga mata.
"yun nga ang gusto ko...Para patas tayo. Kasi kahit ako hindi ko na alam gagawin sa puso ko na walang ibang sinisigaw kundi ang pangalan mo." banat niya na mas nagpangiti sakin.
Napansin kong napatingin siya sa labi ko at hindi ko alam kung namamalikmata ako pero nakita ko ang pamumula ni ethan "Ahm.. P-pwedeng kiss kita ulit?" napalayo ako kay ethan at medyo nagulat. Napansin ko rin ang pamumula ng tenga at mukha ni ethan.
Medyo yumuko siya, kaya napangiti nako. "okay lang na--" walang sabi sabing lumapit ako kay ethan at binigyan siya ng smack na kiss sa lips at lumayo din agad.
Nanlalaki ang mata niya na napatingin sakin. Ang cute :">
"Uwi na tayo?" tumayo ako pero nanatiling naka-upo si ethan.
"A-ang duga!" namumula pa rin siya habang sinasabi niya yun.
"Bakit? Kiniss na kita ah."
Napakamot ito sa tenga niya "K-kung ikikiss mo ko, tagalan mo naman.." bulong niya pero kahit ganon matalas yata ang pandinig ko. Natatawa akong lumapit kay ethan, humawak ang isa kong kamay sa balikat niya't yumuko, nagtataka naman siyang tumingin sakin "Sige na nga, ayaw kong magtampo boyfriend ko" at nilapit ko na ang labi ko sa labi niya. Medyo tinagalan ko katulad ng gusto niya? Hindi ko alam pero nung lalayo na sana ako naramdaman ko ang kamay ni ethan sa mukha ko at tila mas inilapit ako.Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang XD
Nang maglayo naman kami ay tila habol namin ang aming paghinga "sabi ko sayo eh. Kasing lambot ng kamay mo, ang labi mo."
*////_////*
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v