Chapter 11

1.8K 91 1
                                    


#unedited

~~~ FLAG ~~~

Inday's POV

"Sir Ian, bakit po dalawa ang partner ko?" napatigil si sir sa pagbigay ng mga papel sa ibang students, nasa papel na yun ang ibang clues na pwedeng makatulong samin para mahanap yung mga flags.

"inday right?"

"Opo sir."

Naramdaman ko naman na lumapit sa tabi ko yung dalawa kong partners. "well. Sobra kasi kayo ng isa at wala siyang magiging partner kaya we have no choice but to team the three of you."

"ahh. Ganon po ba? Sige po, naiintindihan ko."

"Bakit may problema ba kung sina Ethan Mckenzie at June Buenafe ang ka-team mo?"

Napakagat naman ako ng labi ko sa tanong ni sir. YES O YES SIR! >.< Kung alam niyo lang kung paano niyo ko inilagay sa magulong sitwasyon.

"Oo nga inday, may problema ba kung kaming dalawa ang ka-team mo?" nilingon ko siya at napahawak sa batok ko.

"Ah. W-wala naman june" at ngumiti ng pilit.

"kung ganon. Goodluck to the three of you.*smile*" ang sabi ni sir at binigyan na din kami ng isang papel. Nagpasalamat naman ako at yun iniwan niya na kaming tatlo.

"Ayaw mo ba kong ka-partner?" dinig kong tanong niya.

Humarap naman ako sa kanya.
At Agad na umiling sa tanong niya. Napangiti naman si Ethan kaya nakita ko na naman ang malalim niyang dimples :3

"Tsk. Ako hindi mo ba tatanungin? Kasi ako AYAW NA AYAW KO." singit ni june na iritable ang mukha.

"Kung ayaw mo, edi magpalipat ka sa ibang team." -Ethan

"Eh bakit hindi ikaw ang lumipat? Ayos na kami ni inday na kaming dalawa lang." -sagot ni june na lumapit pa kay ethan.

Bago pa lumala ang sagutan nila ay pinaglayo ko na sila. "Ethan, june. Ano ba? Magtatalo na lang ba kayo? May flag pa tayong hahanapin at may isang oras lang tayo para mahanap yun. Kaya kung pwede, huwag na kayong magtalo?" paki-usap ko.

Ito na nga ba yung kinakatakutan ko eh. Etong baka mag-away lang sila. Kaya ng marinig kong ka-team ko sila, kinabahan nako. Lalo na alam kong hindi sila magkasundo.

"Kasi naman---" napatingin sakin si june at mukhang nagbago ang isip at huminga ng malalim. "Fine. Titigil na." kaya napangiti ako. Nilingon ko naman si ethan at tumango na lang siya.

"Good. Ngayon maghanap na tayo."

Tiningnan ko yung papel. May dalawang flag sa cafeteria, library, laboratory at sa gym. Isa naman sa clinic, at c.r

Masyadong malaki ang cafeteria, lib, lab at gym. Sa cr? Huwag dun, maraming cr ang AA at nakakapagod na isa-isahin. Kaya mas mabuti kung sa Clinic na lang. Hindi siya ganon kalaki at siguradong madali lang namin mahahanap ang flag.

"Okay. Nakapagdecide nako. Sa clinic na lang tayo? Agree ba kayo?"

"Bakit sa clinic? Sa library na lang tayo. Ayaw ko dun" kontra ni june.

"Masyadong malaki ang library, mahihirapan tayong maghanap."-ethan

"eh sa ayaw ko dun." -June

"Tama si ethan. Mahihirapan tayo sa library" - pag-agree ko kay ethan.

"edi sa cafeteria na lang."

"Hindi rin pwede. Ang laki rin nun. Maraming sulok na pwedeng pagtaguan. Bakit ba ayaw mo sa clinic?" tanong ko kasi mukhang takot na takot siya sa clinic @.@

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon