#unedited~~~ STEP SISTER? ~~~
Lumapit ako sa kanila at nahihiyang ngumiti kay eunice ng tumingin siya sakin.
"eunice, this is ilyana" pagpapakilala sakin ni ethan.
Ngumiti naman si eunice at bumeso sakin. "nice to meet you, ilyana."
"Inday na lang." humiwalay siya at nangunot ang noo.
"Inday? I thought your name is ilyana?" at tumingin siya kay ethan.
"Well. That's her nickname. Pero Ilyana Doretea A. Yloverez, ang full name niya. And mas prefer ko ang ilyana kaya I don't call her inday"
Mukhang naintindihan naman ni eunice ang pagpapaliwanag ni ethan kaya tumango ito. "Ahh. Okay *Smile*well I hope we can be friends, after all i'm ethan's soon to be step sister."
Step sister?
Pero... *tingin kay ethan* seryoso ang expression nito at nakatingin lang kay eunice.
Bigla akong napaisip at naalala yung sagot ni ethan kung girlfriend niya ba si eunice. Kaya pala 'sana..' ang sinagot niya. Dahil hindi sila pwede ng taong mahal niya.. Ng step sister niya.
"anyway. Ano bang nangyari at nasaraduhan kayo?"
"Ano kasi closing---." -ako
"Ayos na kami, salamat. Pwede ka ng umuwi." sagot ni ethan
"Ethan---" - eunice
"Mauuna na kami." at hinila ako palabas ng basketball court ni ethan
O.O "anong--" panay lingon ko naman kay eunice dahil nagulat ako sa pagkaladkad sakin ni ethan.
Nang hindi ko na makita si eunice ay tiningnan ko naman si ethan. Kanina ng magsalita siya parang ang cold niya? Nagalit ba siya kay eunice ng sabihin niya na magiging soon-to-be step sister niya ito?
"Ethan? Ano ba? Bakit mo ko biglang hinila?!" tumigil si ethan at humarap sakin.
"Kasi sinabi niya na naman yun! alam niya namang ayaw ko! Na hindi ko tinatanggap na maging step sister siya!!" sigaw ni ethan.
Nagulat naman ako dahil sinapak at sinipa pa ni ethan yung pader ng ilang ulit. Hindi ko tuloy malaman kung anong dapat kong gawin o dapat na sabihin sa kanya.
Nang mapagod ito ay napaupo si ethan at napasandal sa pader. Tinakpan niya ng kamay ang mukha niya.
Parang kinurot yung puso ko ng makita ko siyang ganon. Malungkot at nasasaktan...
"Mahal ko siya ilyana.."
Alam ko ethan.. Alam ko..
Lumapit ako sa kanya at lumuhod para maging kapantay ko siya. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at hinawakan ang kamay ni ethan na pinansuntok niya sa pader.
Napatingin naman sakin si ethan kaya nginitian ko siya. Dumudugo kasi ang kamay ni ethan kaya naman pina-ikot ko yung panyo ko sa kamay niya para matakpan at matigil ang pagdugo.
Pagkatapos ay nginitian ko ulit siya. "Huwag mo ng susuntukin yung pader, kawawa naman." biro ko.
Tumayo ako at nilahad sa harap niya yung kamay ko. "Halika na?"
Pilit na ngumiti ito pabalik at hinawakan yung kamay ko't tumayo na rin.
"Mag-sorry ka dun sa pader." utos ko.
Ngumisi naman ito pero sinunod din ako. Humarap siya sa pader.
"Sorry. *Harap sakin* Happy?"Tumango ako at Huminga ng malalim sabay tinitigan si ethan.
"puntahan mo siya..."
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v