Chapter 21

1.5K 90 8
                                    


#unedited

~~~ FORBIDDEN ~~~

Inday's POV

"Sinabi ng hindi ka pwedeng bumalik dun!" sigaw ni ranzel.

Kanina ko pa kasi siya kinukulit na palabasin nako ng classroom pero ayaw niya, ayaw nila.

Lahat ng kaklase ko nakabantay sakin at paulit-ulit na sinasabing bawal akong lumabas.

Naiiyak nako dahil pakiramdam ko may hindi sila sinasabi sakin at parang may mangyayaring hindi maganda.

"Bakit ba ayaw niyo kong palabasin?!"

"Eh bakit kasi hindi ka na lang umupo dun at manahimik?" tanong din ni rica.

Lumapit naman sakin sina lea at princess at parehas na kumapit sa braso ko. "Inday. Makinig kana lang samin" -princess

"Mas mabuting dito kana lang." -lea

Hindi---hindi pwede..

Si ethan. At yung sinabi sakin ni katie. Ramdam kong meron pang ibigsabihin yun..

"inday. Para sa ikabubuti mo to." boy1
"Baka masaktan ka lang." -girl2
"Dito ka na lang please.."girl1
"makinig ka samin." boy2

Ang sabi nila kay dahil dun. Napaluhod ako sa sahig at tumulo ang mga luha.. Nagulat silang lahat at malungkot na napatingin sakin.

"please.. Palabasin niyo ko..
Si ethan...*sniff* Kailangan niya ko.."

Natahimik sila at lahat napayuko.
Hindi ko alam kung naaawa sila o ewan pero kailangan kong makalabas.

Lumuhod naman sa tapat ko si ranzel para maging magkapantay kami. "Sorry inday..." naiiyak niyang sabi.

Kaya lalo akong napaiyak. Pati na rin yata yung iba kong kaklase napaiyak.

Hanggang sa may narinig akong sigaw sa labas ng pintuan namin. "Guys! Nagkakagulo sa cafeteria!" sigaw ng kung sino at narinig ko ang mga paa nito na nagsitakbuhan.

Napatayo naman ako kaagad pero agad din akong hinawakan ni ranzel sa kamay. "Hindi ka aalis inday."

Nakipagtitigan ako kay ranzel at pilit na ngumiti...

"Ranz..M-mahal ko si ethan.." pag amin ko..

Oo.. Mahal ko na siya..
At kahapon ko lang iyun na realize. Kahit ako hindi makapaniwala sa nararamdaman ko pero wala eh..

Hindi ko mapigilan yung puso ko. Kahit na alam ko ng puro pagpapanggap lang pala ang mga ginawa niya.. Mahal ko parin siya...

Napabitaw sakin si ranzel at tila nagulat silang lahat. Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad ang teacher namin na si sir george. Napakunot noo ito ng makita kaming lahat sa ganong posisyon. "Anong nangyayari dito?"

Imbes na sagutin si sir ay ginawa kong chance yun para makatakas.

Tumakbo ako palabas

"miss. Yloverez! Saan ka pupunta?!" narinig kong sigaw ni sir pero hindi ako huminto o lumingon,

Takbo lang ako ng takbo..

Natalisod pa nga ako kaya nama'y napahiga ako sa sahig. Pero pilit na tumayo ako at pa-ika ikang naglakad. Wala nakong pakialam sa mga napapatingin sakin at sa mga nabubunggo ko.

Ang alam ko lang, kailangan kong magmadali papuntang cafeteria.

Kaso.. may humawak sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. nanlumo naman ako ng nilingon ko kung sino ang nakahawak sakin.

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon