Chapter 44

1.2K 82 7
                                    


#unedited

~~~ DONYA CARMELA ~~~

Inday's POV

Ramdam ko ang tensiyon sa paligid ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ang tanging yakap na lang ni ethan ang nagpapa-kalma sakin at nagbibigay lakas na hindi niya ko bibitawan, na hindi niya ko hahayaang ibigay kay lola.

Pero hindi pala sapat yun kasi ang sarili kong kahinaan ang nagpatalo sakin.

"Anong nangyayari dito?! Sino kayo?!" narinig kong sigaw sa labas ng kubo namin kaya napabitaw ako kay ethan at napalingon.

Si nanang!

Pumasok siya sa kubo at tiningnan kaming lahat pati na rin si lola na ngayon ay masama rin ang tingin dito "sino ka? Anong ginagawa mo rito?"

"N-nanang!" tawag ko't lumapit sa kanya't humawak kay nanang.

"ako ang lola ni sharmaine at binabawi ko na siya sayo"

Tiningnan ako ni nanang, ang mga mata niya na tila nagtatanong kung siya nga ba ang lola ko. Tumango naman ako at mas hinigpitan ang kapit dito.

Hinaplos ni nanang ang pisngi ko't pinunasan ang luha ko "ikaw ang walang kwenta niyang lola?" at tumingin siya kay lola.

"Walang kwenta? Isa kang Hampaslupa! Ano bang alam mo? Magdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo't hindi mo alam ang kaya kong gawin" galit na react ni lola.

Pero hindi natakot si nanang.
"wala akong pakialam! Binabawi mo kamo si inday? Anong tingin mo sa anak ko? Isang basahan na pagkatapos mo apak-apakan, mananatiling basahan mo? Hindi! Hindi ko hahayaan yun! Lumayas ka sa pamamahay ko!"

"Lumayas kana! Sa amin lang si inday!"- perry
"Hindi mo siya makukuha!"-cintia
"hindi ka karapat dapat maging lola ni inday"-helen

Magkatabi naman si rica at ranzel. "i-insan. Natatakot ako, gusto ko silang tulungan pero dapat ba tayong makisali?" tanong ni rica na kumapit pa kay ranzel kaya hinawakan siya rin nito "gusto ko rin sana pero baka lalo lamang gumulo kung makikisali tayo."

Samantala nakatingin lamang si ethan sa kanila. Iniisip kung anong pwedeng gawin.. Kinakabahan at natatakot dahil sa harap niya ay kita ang galit na galit ng si donya carmela.

"Ang kakapal ng mukha niyo! Talagang ginagalit niyo ko! Pwes. Kukunin ko siya ng sapilitan! Guards!" sigaw nito kaya may tatlong naglalakihang katawan ang pumasok sa kubo

"A-anong gagawin mo?"-nanang

"Kunin niyo na si sharmaine ng makaalis na tayo." lumabas si lola ng kubo at agad naman akong nilapitan ng mga guard nito.

"Nanang! Aya---Bitawan mo ko! Hindi ako sasama sa inyo!" pilit akong hinahawakan at hinihila ng isang guard palabas ng kubo, tinutulungan ako ni nanang pero masyadong malakas ang guard ni lola habang hinaharang naman ng dalawang guard sila helen pero pinaghahampas ng mga ito yung dalawa.

"umalis ka diyan panget ka!"-perry
"Kakaratihin ko kayo! Tumabi kayo!"helen
"inday!!" -cintia

Nakisali na rin sina rica kina helen pero hindi sila hinahayaang makaalis ng dalawang guard.

"anak! Bitawan mo ang anak ko! Mga hayop!" sigaw ni nanang habang hawak hawak ako sa braso nung guard ni lola. Nahila niya rin ako palabas ng kubo.

"Nanang! Tulungan mo ko!"

"ilyana!!!-ano ba? Umalis ka sabi!" narinig kong sigaw ni ethan sa loob, pati sila helen ay naririnig ko ang mga sigaw na tila nakikipag-away.

Nilapit ako nung guard kay lola.
"bakit? Bakit kailangan mo pa kong balikan?! Ayaw mo naman sakin hindi ba?!" galit at umiiyak kong tanong.

Humakbang palapit sakin si lola at narinig ko na lang ay ang pagsampal niya sakin at sigawan nila ethan. "Oo galit na galit ako sayo. Kaya hinayaan kita manatili ng limang taon dito para maghirap, pero nagkamali ako.. Dahil mas naging masaya ka.. Ang kapal ng mukha mo. Anong karapatan mong maging masaya? Nang dahil sayo nawalan ako ng anak."

Lalo akong napaiyak. Sumugod naman si nanang kay lola at pinaghahampas ito na hindi mapigilan ng guard dahil sa hawak niya ko. "ar-ay! Ano ba!"

"Ang sama mo! Nawalan din ako ng anak pero hindi ako naging ganyan katulad mo! Wala kang kasing sama!"

Napigilan ni lola ang mga kamay nito at agad namang itinulak si nanang kaya naman ay napahiga ito sa sahig.

"Nanang!!!"

"huwag mo kong itulad sayong hampaslupa!" inayos ni lola ang suot nito "Guards!!" Lumabas na ng kubo yung dalawang guard at lumapit na din samin. Sina cintia naman ay nagtatatakbo na ring lumabas.

"Umalis na tayo."

"Hi-hindi *cough* hindi kita *cough* hahayaan! *cough*" si nanang na mukhang inatake ng kanyang asthma.

"Helen si nanang!" sigaw ko na nilapitan naman agad nila helen at perry ng makita si nanang na nasa sahig.

"Inday!" tawag naman sakin nina cintia, rica at ranzel pero kay ethan lang ako napalingon ng tawagin niya ko "ilyana!"

Nilingon ko siya at kita ko ang lungkot sa mata niya "ethan..."

Mahal ko..

"Hindi niyo siya pwedeng kunin sakin!" sigaw niya.

"ibalik niyo samin si inday!" si ranzel na lumapit rin. Nagtinginan ang mga ito at sabay namang sumugod sina ethan sa dalawang guards.

"Hindi ko ibabalik sa inyo si sharmaine! Magdusa kayo!" -lola

Nakipagsuntukan sina ethan. Pero sa laki ng katawan ng mga guard ni lola ay walang magawa sila ethan dahil sila din lang ang nabubugbog.

"H-huwag! Tumigil kayoo! Ethan!!" awat ko. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak sakin ng guard pero hindi ko kaya.

"Ranzel! Ethan!" si cintia at rica na nakita kong natatakot na sa mga nangyayari.

Si nanang naman ay inaatake parin ng asthma at natatarantang inaasikaso naman siya nila helen.

"Para kayong nasa drama. Tsk. Hindi na sana tayo aabot sa ganto kung sumunod na kagad kayo" -lola

Panay parin ang sugod ni ethan. May dugo na ito sa labi na sa tingin ko ay nasapak ng guard, si ranzel naman ay parang lalaki na't seryosong lumalaban.

"tama na yan. Umalis na tayo"-lola

"Hindi!" tinadyakan ni ethan ng malakas sa legs at sinapak yung guard dahilan para mapaupo ito at si ranzel naman ay sinipa ang ari nung isang guard kaya napaluhod din siya sa sakit.

"walang aalis" tumingin sakin si ethan "dito lang si ilyana. Dito lang ang girlfriend ko."

~~~To be continue...

A/N: iniklian ko lang haha! Anyway. Maraming nalilito sa name ni inday. Pati ako nalilito na Haha pero ganto kasi yun. ilyana Doretea A. Yloverez name niya nung una? A.k.a inday. Pero mga kaibigan niya lang tumatawag sa kanyang inday. Kasi si ethan, ayaw nun, Kaya yung ilyana tawag niya kay inday.

PERO hindi niya true name yun, pangalan yun ng namatay na anak ni nanang, pinahiram lang sa kanya para di siya mahanap and her Real name is Sharmaine Salazar, para katunog ng name ni Maine! Haha ano? Gets niyo?

Pero kayo ng bahala kung anong gusto niyong itawag sa kanya. Pero mas bet ko ang inday at ilyana. Hahaha!

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon