#unedited~~~ ACTIVITY ~~~
Inday's POV
Naka-P.E ako ngayon at nasa basketball court kami ng mga kaklase ko at ng P.E teacher namin.
May activity daw kasi kaming gagawin. Hindi ko tuloy maiwasan mapatingin dun sa bench kung saan kami nag-usap ni Ethan.
Sa totoo lang, kapag kasama ko si ethan, may something sa puso ko na parang kakaiba? Hindi ko matukoy kung ano. Basta ang alam ko lang, may pinapaalala siya sakin na matagal ko ng kinalimutan.
--Samantala narinig namin ang pagbukas ng malaking glass door ng basketball court kaya lahat kami ay napalingon.
Nagsimulang-magtilian ang iba kong mga kaklase, lalo na ang mga babae na para bang may hugis puso na ang mga mata nito.
"KYYAAAA! BAKIT NANDITO ANG SECTION 1?!!!"
Naka-P.E rin ang mga pumasok.
Parang artista ang mga ito. Halatang mga anak mayaman at talagang hinahangaan ng lahat.Napadako naman ang tingin ko sa isang babae.--- si vivian.
Nakatingin rin pala siya sakin at nakataas ang isang kilay pagkatapos ay inirapan lang ako at pumunta sa mga kaibigan nitong babae.
Nakita ko rin si katie at nag-hi naman siya sakin, kasali rin pala si June sa Section 1, ngumiti siya sakin kaya nginitian ko siya pabalik, may kasama rin itong lalaki na nakatingin sakin.
Nilibot ko pa ang tingin ko at hindi ko inaasahan na makikita ko rin siya--- Si ethan. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.
Tahimik lang itong nakatayo at nakapamulsa. Parang may sarili siyang mundo. Napatingin siya sa direction ko pero agad din siyang umiwas ng tingin.
"Grabeee! Ang gwapo ni Fafa Ethan" dinig kong sabi ni Ranzel, yung bakla kong kaklase at hinampas pa sa braso si rica na kinikilig din.
"Oo nga baklaaaa. Pero Bakit kaya sila nandito?"
"Ewan baka dinadalaw nila ako."-Ranzel.
"Hindi mo pa burol, dinadalaw kana? Haha" biro naman ni lea at nakipag-apir pa kay rica at princess
Tinulak naman ni ranzel yung tatlo. "eh kung kayo kaya ang iburol ko? Mga bruhang to." sabi nito sabay irap.
Na-tawa naman ako. Medyo naging close ko na rin kasi sila. Kaya naman hindi na ko loner :D
"Guys! Listen up! Mamaya na kayo magkwentuhan." napatingin ako sa harap. Yung P.E teacher pala yun ng section 1 kasama niya sa harap yung teacher namin. Si Sir Ian at Miss. Denise
"Pinapunta namin kayo dito sa basketball court dahil may activity tayo." -sir ian
"At dahil kami ang Section 2, kami ang napili para makasama niyo sa activity." -miss. Denise
Ano kaya ang activiting gagawin namin?
"Kaloka. Na-eexcite ako sa activity natin, ikaw inday?" react ni ranzel.
Napahawak naman ako sa puso ko."kinakabahan naman ako."
Napakunot ang noo niya "At bakit naman?"
"Ewan. Feeling ko, may mangyayari na hindi maganda."
"Halaaa. Masyado kang nag-iisip ng kung anu-ano! Huwag kang kabahan. Siguradong masaya to!" pagpapa-sigla sakin ni rica.
Kinakabahan kasi talaga ako sa hindi malamang dahilan. Sana nga maging masaya tong activity...
"Sorry po, i'm late." -- napalingon ako ng marinig ko ang boses na yun.
"Its okay, nag-uumpisa pa lang naman kami." -Sir Ian
"sige po." pagkatapos ay lumapit na si eunice papunta sa mga kaklase nito pero bago pa makalapit rito ay napatingin siya sa direction ko. Nagulat pa siya ng makita ako pero ngumiti rin naman siya sakin.
"Dito nag-aaral si Eunice?" natanong ko bigla at narinig naman ako nila ranzel. Napatingin din sila kay eunice na ngayon ay kasama na ang mga kaklase nito.
"oo. Hindi mo alam? Tsk. Nako ah. Napaghahalatang taga-bundok ka talaga inday. Ang bagal mong makasagap ng information about AA." sagot naman ni ranzel.
"Ang ganda ni eunice no?" -Lea
"pero masama naman ang ugali! Balita ko, sinampal niya si fafa ethan, hmmp." -Rica
Hindi ako nagreact basta ako, tinitigan ko lang si eunice. Hindi niya naman masasampal si ethan kung hindi ko pinilit na puntahan siya ni ethan. Kaya kasalanan ko yun.. Hindi ni eunice.
"Anyway guys! Pinag-pair namin kayo. Boys to girls. Kami na ang namili ng partner niyo kaya wala ng dapat tumutol kapag na-iannounce na. Ang sino man na makahanap ng 10 flag na tinago namin sa buong campus ng AA, ang siyang susunod sa next round." - Sir Ian.
"Kaya naman dapat talasan niyo ang mga mata niyo, dahil 10 pairs lang ang pwedeng maka-sali sa next round. Huwag kayong mag-alala dahil kung sino man ang manalo sa activity nato ay may katumbas na malaking premyo." -miss. denise
Dahil sa sinabi ng mga teacher namin ay mas na-excite ang lahat.
"OMYGOD BAKLAAA! Sana ma-partner sakin si Fafa Ethan!" -sigaw ni rica na halatang excited na excited.
"Sorry ka na lang, ako ang magiging partner niyaaa." -ranzel
"Sakin naman si June!" - princess
"ang haharot ng mga to oh. Mag-aral nga muna kayo!haha" - lea
Ang iingay ng mga kaklase ko pero tumahimik naman sila ng pagsabihan sila ni Sir Ian XD
Nag-umpisa na rin i-announce kung sino ang magiging partner ng bawat isa.
"Vivian Smith-and-Ranzel Lumeo" Dinig namin na announce ni Miss. Denise.
"uy! Bakla partner mo si vivian, yari ka!" - asar ni rica
Si ranzel naman mukhang na-shock XD
"WHATTHE!! Baklaaaa! Ayaw kong kapartner yung bruhang impaktita na yun!" at saka mahinang sinabunutan sa buhok si rica.
"Aray ko, ano ba!ikaw bakla! Huwag mong guluhin ang maganda kong hairdo" -rica.
"Baka meant-to-be kayo" -saad ni princess na tiningnan naman ng masama ni ranzel na diring-diri.
"haha! Baka gawin ka na niyang lalaki pag nagkasama na kayo" react ko naman at nakisali na sa tawanan.
"Yuck! Subukan niya lang, ifa-flying kick ko siya at F.y.i Mas maganda pa ko sa kanya niya" -ranzel
"arte ng baklang to! Ikaw kaya ang iflying kick ko?" -lea
Tawanan naman kami at panay lang ang asaran. Maya-maya ay nabanggit na rin ang partner nila rica.
At ang magiging partner ko...
And guess what---
Dalawa ang partner ko?!
Bakit dalawa? o_o At bakit siya?!
~~~To be continue...
A/N: Marami akong free time kaya mabilis ako mag-update haha! Well kung nagustuhan niyo rin ang story nato, sana mag-vote kayo para mas lalo akong ma-inspire ;)
Sige yun lang! Sana na-enjoy niyo ang new chapter :) thank youu!
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v