LAST CHAPTER

2.1K 88 20
                                    


#StillUnedited

~~~ ALDUB ~~~

Inday's POV

Kinakabahan man ako ay nanalig ako na sana tama ang desisyon kong sumama ako kay Lola. Na sana ito na yung panahon na magkaka-ayos na kami at matatanggap niya ko. Pero sa pagbaba ko sa kotse...

Sa pag-uwi namin sa mansion ay agad tinawag ni lola ang mga katulong.
katabi ko naman si Jonas, tumingin siya sa bandang kanan ko pero agad rin siyang tumingin sakin, gulat at kabado ang itsura. 'Sha-sharmaine.." May tinuro siya kaya nama'y lumingon ako.

At Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung ano iyun. "L-lola?"

"Goodevening po señora. Nagawa na po namin ang pinag uutos ninyo. Naimpake na po namin lahat ng damit ninyo." Ang sabi ng katulong namin ng makalapit.

Naluluha akong tumingin kay Lola. "Ano to Lola? Akala ko.. Akala ko po mag-uusap tayo?" Naguguluhan kong tanong dahil sa bandang kanan ko, malapit sa hagdanan namin ay nandun ang mga maleta namin... Ang maleta ko.

"Mag-uusap nga tayo."

"Pero bakit nandito ang mga maleta natin lola?" -jonas

"Dahil mamayang 12 o clock na ang flight natin papuntang america"

Napa-atras ako at hindi makapaniwala sa aking narinig. "A-america?"

"Oo, Sa america. Duon ko na kayo pag-aaralin ni Jonas."

Napayuko ako at pilit kong pinapasok sa utak ko ang sinabi ni lola. Ang daming tanong sa isip ko.

So totoo nga ang sabi ni jonas ..Pag-aaralin niya kami sa america? Pero paano ang AA? Sila nanang? At----

Si Ethan?...

Hindi ko sila pwedeng iwan!

Tiningnan ko si lola at umiling-iling
"H-hindi! Hindi lola! Ang sabi mo... Ang sabi mo mag-uusap lang tayo!! At--pababalikin mo ko kila ethan bukas! Nangako ka lola! Nangako ka!"

Lumapit siya sakin at huminto sa tapat ko. "Nangako lang ako pero hindi ibigsabihin nun tutuparin ko na." walang ka-emosyon emosyon niyang sabi sa akin. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni lola,
Samantala nakatingin lang si jonas sakin at bakas ang lungkot niya para sakin.

Tumalikod si lola, akala ko ay iiwan niya na kami pero nakakadalawang hakbang palang siya ay huminto na siya.

"At Sa america... Gusto kong duon tayo magsimula."

Parehas kami ni jonas na napatingin ulit kay lola at nagulat sa sinabi niya. Humarap siya samin muli at humingang malalim bago nagsalita.

"Galit parin ako sayo at sinisisi parin kita sa pagkawala ng anak ko... Pero susubukan kong alisin ang mga galit na to... At naisipan kong sa america tayo magsimulang muli ."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

"Tatanggapin na kita bilang apo ko pero gusto kong sa america para makalimot ako at makapagbagong buhay kasama ka."

Naguguluhan ako at hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala gayong nangako siya kanina kay ethan na pababalikin niya ko bukas pero nagsinungaling lamang siya.

"Biglaan naman po yata yan lola? Totoo ba yang sinasabi ninyo?" Pagdududa ni Jonas.

"Alam kong hindi kayo maniniwala. Pero totoo to. Dahil... Nang mag-usap tayo kanina. Marami akong narealize na mga bagay-bagay."

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon