#unedited~~~ CHANGES ~~~
Ethan's POV
Tapos na ang sembreak namin kaya naman nandito nako sa AA. 2 weeks lang ang sembreak namin, so it's been 1 week and 4 days mula ng huli kong makita si ilyana. And d*mn! I miss her so much :(
Nung araw na umalis si ilyana ay umuwi na rin kami at nangako ako kina nanang na sisiguraduhin kong ibabalik ko sa kanya si ilyana.
na sana magawa ko...
"Dude" napatingin ako kay Ismael na biglang umakbay sakin. "long time no see" tinanggal ko naman ang nakaakbay niyang braso sakin.
"Tsk. Nagsembreak lang, naging bakla kana?" biro ko at umaktong nandidiri sa kanya.
"umakbay lang, bakla na agad? Yan tayo eh. Saka wala akong balak agawin ka kay ilyan--" sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil siya "I mean kay inday" napangiti naman ako, haha buti naman at naalala niyang ako lang pwedeng tumawag kay inday na ilyana :))
"pero kamusta na? Kayo na ba?"
Mas lalo akong napangiti ng maalala ko yung araw na inamin sakin ni ilyana na mahal niya rin ako. Grabe ang saya ko nun.. Kaso hindi ko akalain na panandalian lang pala ang saya na yun :<
"Girlfriend ko na siya.."
Tumigil ito at tumapat sa harap ko "wow.. Hindi nga? Haa.Congrats! so... Yang rose na hawak mo na kanina ko pa napansin.. Para sa kanya no?"
Napatingin ako sa isang pirasong rose na hawak ko, hindi ko naiwasang mapangiti. Pinitas ko to ng mapadaan ako sa garden ng AA, naalala ko kasi si ilyana ng makita ko ang rose nato "yes. This is for my girlfriend" sana matuwa siya.Naglakad ako at sumabay naman siya sakin.
"hanep! eh nasan na yung girlfriend mo?"
Nasan na nga ba ang girlfriend ko?
"ETHAN!" tawag sakin ni ranzel kaya napatigil ulit kami ni ismael.
"uy dude. Hindi na fafa ethan tawag sayo nung bakla." asar ni ismael na alam kong narinig ni ranzel kaya masama ang tingin nito kay ismael.
"Ranz. Anong balita?" tanong ko kaya nabaling ang attention niya sakin.
"Nasa classroom na siya at.."
Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na lakad ang ginawa ko, I told you I miss her so much. Pero parang ang bagal ko parin kaya tumakbo na ko.
All I could think about is...
I want to see ilyana already
Huminto ako sa pagtakbo ng marating ko ang classroom nila ilyana.
Finally..
Napangiti ako at dahan-dahan na naglakad papasok sa loob.
Pagpasok ko palang ay sa pwesto na kagad ni ilyana ako tumingin pero nagulat ako ng makita ko siya. Nakatayo siya at ibang iba sa ilyanang nakilala ko noon.
Napalingon ang mga kaklase niya sakin pati na rin siya..
Nang magtama ang mga mata namin parang ang dami kong tanong na gustong iparating sa kanya..
Kasi anong nangyari?
"e-ethan. Ha.. Ang bilis mo" si ranzel na kakarating lang at si ismael.
"Oo nga dude. Excited lang makita girlfriend mo? Teka nga ind--- what the!! inday?!!!"
Tiningnan ko ang buong kasuotan niya. Yung palda niya..Hindi na kasing haba ng palda niya noon. Ang buhok niya. Hindi na nakatali, Nakakulot na. Mapula na rin ang labi sa kapal ng lipstick. Hindi na siya ganon kasimple...
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v