~~~ TEASE ~~~
Inday's POV
10:24pm na ng gabe at hindi pa rin ako makatulog. Kaya naman lumabas muna ako ng kubo at umupo sa pahabang kahoy sa gilid malapit sa pinto namin para magpahangin.
Samantalang kanila helen nakitulog sina ranzel dahil sa wala naman silang matutulugan samin. Buti na lang nga at pumayag ito at ang kapatid nitong lalaki. Malaki kasi ang kubo nila kumpara samin.
Akala ko pa nga ay uuwi din sila agad. Kaya tinanong ko pa sila kung anong oras sila uuwi dahil mahirap ng makahanap ng sasakyan pag gabi. Pero... Sumagot si ethan na "hindi pa.. Hanggat hindi ka sumasama. Mananatili ako sa tabi mo" kaya naman si nanang ay napatingin sakin, tila ba nagtatanong kung anong ibig sabihin ni ethan..
Ang dami ko tuloy tanong sa sarili ko. Naguguluhan nako..
"Ang lalim na naman ng iniisip mo.." napalingon ako sa pinto namin kung saan nakatayo si nanang.
Ngumiti siya sakin at umupo sa tabi ko "Nagpapahangin lang po ako nang."
"o baka naman inaalala si ethan?"
Nagulat ako sa tanong ni inang kaya naman ay napaiwas ako ng tingin at ibinaling na lang sa mga bituin ang attention "Nang naman eh. Ayan ka na naman." ang sabi ko.
Maya-maya nama'y naramdaman ko na lang ang paghawak ni nanang sa kamay ko "Hindi masamang magmahal anak."
Simpleng mga salita niya na tila tumatagos sa puso ko. "Huwag mong pigilan ang sarili mong magmahal.. Mas lalo ka lang masasaktan.." nilingon ko si nanang na seryosong nakatitig sakin. Ang mata nito na puno ng emosyon at ang pag ngiti niya sakin na nagpapagaan sa kalooban ko.
"pero nang wala akong karapatan maging masaya.."
Tila nalungkot si nanang sa sinabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko "may karapatan ka. Lahat tayo may karapatang sumaya. "
"mahirap maging masaya nang kung parati kong naaalala ang mga kasalanan ko.." bumitaw ako sa pagkakahawak ni nanang.
"hindi mo kasalanan na namatay siya.. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa hindi mo naman ginawa.hindi ka magiging masaya kung paulit-ulit mong binabalikan ang nakaraan mo"
"Hindi ko alam nang.." yumuko ako at pinipigilang mapa-iyak. Ayaw ko ng umiyak, nakakapagod na.
"pero mahal mo si ethan diba?" hinawakan ako ni nanang sa pisngi at iniharap ako sa kanya "mahal mo siya.."
Alam ko namang hindi ako makakapagsinungaling kay nanang kaya naman ay tumango-tango ako sa kanya bilang sagot.
"Hindi ba yun sapat para ipaglaban mo siya?"
Mahal kita at sapat ng dahilan yun para hindi ako sumuko.. Kasi ilyana, ganon kita kamahal
Naalalang kong sabi ni ethan sakin kanina kaya naman ay hindi ako nakasagot kay nanang.
"Ano bang ikinakatakot mo?"
"Natatakot ako.. N-na baka kapag nalaman niya yung tungkol sakin layuan niya ko.."
"Kung mahal ka niya talaga, tatanggapin ka niya, kahit ano pang nakaraan mo.... At sa tingin ko naman, matatanggap ka ni ethan.. Kaya kung pagkakatiwalaan mo lang siya anak.. Hindi ka na mahihirapan pa."
Hinawakan ko ang kamay ni nanang na nasa pisngi ko "Sa tingin mo nang.. Tatanggapin niya ko?"
"Oo anak. Kaya aminin mo na sa kanya... Mukhang mabait na bata naman si ethan at ang mga titig niya palang sayo... Ramdam ko ng mahal na mahal ka niya" nakangiti niyang sabi na nagpagaan sa mga agam agam ko.

BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fiksi Penggemar"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v