#unedited~~~ DESISYON ~~~
Inday's POV
Napapikit ako ng mata at huminga ng malalim
"I'm sorry..."Ang tanging nasabi ko sa kanya. Napabitaw siya sa pagkakayakap sakin, kaya naman humarap ako sa kanya.
Sa itsura palang niya.. Alam kong nasaktan ko siya pero.. Hindi kasi pwede. Magulo pa ang buhay ko.. At ayaw ko siyang idamay.
Maraming pwedeng mangyari..
At imposibleng magkasama pa kami.. Kasi babalik nako sa San Sebastian. Kailangan kong umalis.."I'm sorry ethan..
H-hindi kita mahal" napakagat ako sa labi ko at pilit pinipigilang mapa-iyak dahil sa kasinungalingang sinabi ko kaso yun na lang kasi ang naisip kong paraan.
Para sa pag-alis ko.. Hindi niya nako maalala pa.
Umiling-iling si ethan. Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. "H-hindi totoo yan. ilyana alam ko--hindi--ramdam ko... Mahal mo rin ako, mahal mo rin ako diba? Kasi ako.. mahal na mahal kita ilyana.." sa pagtitig ko kay ethan parang dinudurog ang puso ko dahil sa pagsusumamo niya sakin pero hindi pwede.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi at humakbang paatras palayo sa kanya "I'm sorry.." pero lumapit siya ulit sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "no..Mahal mo ko diba? Pinaramdam mo sakin yun ilyana. Please sabihin mong.. Mahal mo rin ako.." umiling-iling ako at tatanggalin ko na rin sana ang pagkakahawak niya sakin pero bigla niya kong niyakap ng mahigpit. "ilyana.. Huwag.. Mahal na mahal kita."
Tumulo ang luha ko.. Kasi..Masakit rin palang makitang umiiyak yung taong mahal mo ng dahil sa Hindi ko masabi sa kanyang mahal ko rin siya.
Kaso nangako nako dati sa sarili ko.. Na hindi pwedeng sariling damdamin ko lang ang iisipin ko. Na minsan kailangan ko rin magsakripisyo.
"e-ethan.. Huwag mo na kong pahirapan pa.." tinulak ko siya palayo sakin kaya naman nakita ko ang luhaan nitong mata.
"ilyana.. I'm sorry-- Kaya ko namang maghintay*sniff* Sorry kung sinabi ko agad na sana akin ka na lang.. Pero hindi naman kita minamadali... Kaya please.. Huwag mong sabihin yan..."
Patawarin mo sana ako ethan. nakatadhana ka lang sigurong maging parte ng buhay ko, pero hindi tayo nakatadhana para sa isa't isa.
"kahit.. Kahit anong sabihin mo. Hindi talaga kita mahal ethan..." tumingin ako sa mata niya't tinitigan siya. "Hindi kita mahal... Kaya mas mabuti siguro kung titigilan mo nako.. " sinungaling ka ilyana.. Napaka-laki mong sinungaling "at Hindi tayo bagay ethan" pilit na ngumiti ako sa harap niya kahit na naiinis ako sa mga pinagsasabi ko.
"Kaya kay e-eunice mo na lang siguro.. ibaling ang pagmamahal mo ethan.. Tutal siya naman talaga ang una mong minahal.. At sa tingin ko.. Mas b-bagay kayo"Tila nagbago ang expression ni ethan. Hindi ko matukoy kung anong iniisip niya pero alam kong dahil sa mga sinabi ko.. Nagalit siya..
"yan.. Yan ba talaga ang gusto mo?"
Hindi---pero ito ang tama.
Ang sinasabi ng isip ko.. Pero tumango ako bilang sagot ko.
"ahh*napasabunot sa buhok si ethan* okay---okay.. Naiintindihan ko na.. Hindi mo ko.. mahal*bumitaw ito sa pagkakasabunot sa buhok nito't tiningnan lang ako* naiintindihan ko na... Pero ang hirap tanggapin ilyana." pilit siyang ngumiti sakin at pinunasan ang luha sa mata nito. "mas masakit pato kumpara sa sakit na naramdaman ko noon kay eunice... Tagos sa puso..*tinuro niya ang puso niya* hindi mo na nga ako mahal.. Gusto mo pakong ipamigay."
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v