#unedited~~~ ANG PAG-AMIN ~~~
Inday's POV
Bunga ng pag-gagahasa.. Ng isang krimen.. Ang taong tulad ko. Nananalantay sa dugo ko ang dumi ng lalaking gumahasa kay mommy... Kaya naman nangyari yun.
"N-naalala ko pa noong pitong taong gulang ako*sniff* isang pangyayari na kailan man hindi ko makakalimutan.. Ang araw kung kailan nagp-pakamatay si mommy sa h-harap ko..."
(F L A S H B A C K)
Gabi na't tulog na ang lahat pero gising parin ako't nakatitig sa manika kong nakapatong sa kama.
"jessy, bakit ba parang ayaw sakin ni lola?" tanong ko sa manika ko ng may marinig akong tunog galing sa labas ng kwarto ko kaya naman napabangon ako sa kama para tingnan kung sino yun. kinuha ko ang manika ko't niyakap. Lumapit ako sa pinto, at sumilip.
"Mommy?" tawag ko ng mapansin kong si mommy pala yun kaya naman ay napalingon siya sakin. Lumabas ako ng kwarto at nagmamadaling lumapit sa kanya ng nakangiti.
Pero nagtaka ako ng makita kong may hawak siyang kutsilyo "mommy?"
Lumuhod siya para maging kapantay ko at nilapag muna ang kutsilyo sa sahig. Hinawakan niya rin
ako sa pisngi at ang mga mata niya ay puno ng mga luha "M-mommy? Bakit ka po umiiyak?" naiiyak ko ng tanong kasi ayaw kong umiiyak siya :(("S-sinubukan ko naman..sinubukan kong mahalin ka.. Tanggapin ka.. Kaso.. Kapag tinitingnan kita, naaalala ko ang ginawa sakin ng hayop na yun.."
"m-mommy*sniff* ano po bang *sniff* sinasabi niyo?"
"mabait kang bata.. P-pero hindi ko na talaga kaya.. Matagal nakong nagtiis.. Ayaw ko na.." pinulot ni mommy ang kutsilyo at tumayo.
"m-mommy? ibaba niyo *sniff* po yan. Baka masugatan niyo po ang sarili niyo*sniff*"
Ngumiti siya sakin. At iyun ang unang pagkakataon na ngumiti siya sakin pero naglaho ang saya ko ng itutuk nito sa bandang dibdib ang kutsilyo at ibinaon.
Nabitawan ko ang manika ko sa sahig "mo-mo..mmy.." tila hirap kong tawag sa kanya. Habang dahan-dahan siyang napahiga sa harap ko.
Nanigas ako sa katayuan ko. Nakatitig sa kanya.. Para bang huminto ang oras..
Ang sahig.. Puro dugo.. Si mommy..
"ANAK!!!" narinig kong sigaw ni lola.. Sigaw ito ng sigaw hanggang sa makalapit siya kay mommy..
Binuhat niya si mommy at inihiga sa braso nito habang umiiyak "a-anak anong nangyari?!! gumising ka!!! Tulong!!" panay alog nito kay mommy at iyak "h-huwag mo kong iwan anak!!"
Nanginginig akong napatingin kay lola. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"L-lola.."
Napalingon sakin si lola at nang makita ako ay nagbago ang expression niya, tila nagalit ng makita ako... "I-IKAW!! KASALANAN MO TO!! WALANGHIYA KA! KASALANAN MO TO!!!" galit na galit na sigaw niya...
"l-lola..si m-ommy.." dahan-dahan akong lumapit sa kanila pero tinulak niya ko kaya naman ay natumba ako, dumikit sakin ang mga nagkalat na dugo ni mommy..
"LUMAYO KA! KASALANAN MO LAHAT TO! IKAW DAPAT ANG NAMATAY!!"
umiling-iling ako at panay parin ang iyak "lola *sniff*" sinubukan kong tumayo pero napatigil ako ng makita ko ang mga kamay ko na puno ng dugo ng mahawakan ko ang sahig "h-hindi.." tumingin ako kay mommy na yakap yakap ni lola..
"m-mommy.." hanggang sa nahilo na lang ako at nawalan ng malay..( E N D O F F L A S H B A C K )
Mula nun ay nawala ako sa aking sarili, lagi akong tulala at walang imik, tila na-trauma ako kaya naman ay pinagamot ako sa psychiatrist ng lolo ko..
Mabait ang lolo ko, dahil sa kanya ay gumaling ako at nabigyan ng sigla ang buhay ko kaso... Namatay din siya sa sakit.. At ng mamatay siya ang simula ng paghihigpit sakin ni lola..
Ang mga sinabi sakin ni mommy bago siya namatay ay nagbigay linaw ng sabihin sakin ni lola ang lahat, at ang tungkol sa pag gagahasa kay mommy..
Ang mga bagay na kailan man ay hindi na isabi sakin ni mommy..
"T-tama naman si lola.. Lahat ng yun kasalanan ko ethan*sniff* Alam na alam ko yun dahil pinaramdam sakin ni lola yun.. Mula ng mamatay si mommy.. Ako ang sinisisi niya.. Kaya naman naging malupit siya sakin.. Konting mali ko lang ay sinasaktan niya nako*sniff* kaya... Kaya nang magkaruon ako ng pagkakataong makatakas ay ginawa ko..*sniff*
Kaya sorry ethan*sniff* kung ngayon ko lang nasabi sayo ang totoo.. I'm sorry.. Kasi *sniff* minahal ka ng tulad ko.. W-wala akong karapatan maging masaya kaya pilit kitang nilalayuan noon..kasi ano bang karapatan ko? *sniff* kung ng dahil sakin, namatay si mommy? *sniff* yun ang parating sinasabi ko sa sarili ko..kaso hindi ko nagawang layuan ka.. Hindi ko nagawa... Ang sama sama ko..Kaya p-patawarin mo ko ethan.. Pinilit ko naman eh*sniff* pinilit kong p-pigilan tong nararamdaman ko para sayo.. Kaso.. Kaso ang hirap.. Tuluyan ka ng nakapasok sa p-puso ko *sniff*"
Iyak lang ako ng iyak habang walang imik si ethan. Hindi ko siya magawang tingnan dahil natatakot ako na makita sa mukha niya ang pandidiri sa isang tulad ko.
Nang biglang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni ethan sa kanan kong kamay..
"Huwag kang umiyak..."
Tila tumigil ang paghinga ko at dahan dahan na napalingon kay ethan. Walang bahid ng pandidiri o galit ang makikita sa mukha niya.
" alam kong hindi naging madali ang lahat.. Sa bawat pag-iyak mo alam kong Ikaw ang pinaka nasaktan ng mawala ang mommy mo...ikaw man ang naging bunga pero hindi mo kasalanan yun.. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo... Hindi mo kasalanan na nagpakamatay ang mommy mo.."
"h-hindi ka ba.. Nandidiri sakin?...hindi mo ba ko kinamumuhian?.."
"Wala kang ginawang masama.. Nagkataon lang na ikaw ang naging bunga, kaya bakit ako mandidiri sayo?"
"naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Anak ako ng gumahasa sa mommy ko! Sa tingin mo ba... Karapat dapat mo pa kong mahalin?!" sigaw ko sa kanya pero niyakap ako ni ethan ng mahigpit.
"ano naman? Nakaraan yun ng magulang mo.. Hindi mo kasalanan na ginahasa siya...at Walang nagbago sa nararamdaman ko sayo..Mamahalin parin kita, anak ka man ng rapist o hindi." ang sagot niya na mas nagpa-iyak sakin..
ethan...
"salamat.. M-mahal din kita"
~~~ To be continue..
A/N: paalala, unedited palang yan, kaya medyo di pa maayos kaya kung may typo or medyo magulo pa para sa inyo, pasensiya na lang po.
Anyway medyo intense ang scene, Naiiyak ako hahaha. Pero ayan na guys ah! Tatlong update ginawa ko! Sana nagustuhan niyo! *pabebe wave* Try niyo rin po sana new story ko? (simpleng promote XD) well kung gusto niyo lang naman haha saka iniisip ko nga pala kung hanggang ilang chapters pa ang gagawin ko, kayo? Anong gusto niyo? 55? 60? sige na po yun lang ba-bye! :*
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v