#unedited~~~ LOLA ~~~
Inday's POV
Nagkulong ako sa kwarto ko pag uwi. Yakap-yakap ang unan ko at pilit kinakalimutan ang pagpapaalam sakin ni ethan..
Nang may kumatok sa kwarto ko at pumasok ang yaya namin. "Ma'm sharmaine. Pinapatawag na po kayo ni madam carmela, nakahanda na po ang dinner ninyo"
"sige po susunod nako" ang sabi ko. Tumango naman ang yaya namin at yumuko bilang pag galang. Lumabas na ito ng kwarto ko at ako naman ay tinatamad na bumangon sa kama. Inayos ko ang suot ko at tumingin sa salamin. Pinunasan ang mga luha at ng maayos na ay lumabas na rin ako.
Pero napahinto ako ng makita kong nakabukas ang lumang kwarto ni mommy... Puro naka-box ang mga gamit..
Ewan ko pero parang may nag uudyok na pumasok ako kaya naman ay pumasok ako sa loob.
Nilibot ko ang tingin ko at napangiti ng makita ko ang napaka laking picture ni mommy sa pader. Dalaga pa at napaka-ganda niya..
Tiningnan ko naman yung laman ng mga box. May mga laruan, accessories at kung anu-ano pa.
Nakita ko rin ang album ni mommy. Binuksan ko at nakita ko ang mga picture niya na sobrang saya at nakangiti. Na isang beses ko lang nasilayan noong buhay pa siya..
Magtitingin-tingin pa sana ako ng may makita akong nasa ilalim nung mga album. Nagtataka na kinuha ko yun. Isa palang fairytale book...
Matagal kong tinitigan ang libro sa hindi malamang dahilan..
Nang ibabalik ko naman na sana sa box ulit ay bigla namang may nalaglag na isang lumang papel galing sa libro.
Nilapag ko yung libro at yumuko sa sahig para kunin yung papel pero napatigil ako ng mabasa ko ang pangalan ko na nakalagay dito.
To: Sharmaine Salazar
Tumayo ako at mabilis na binuksan ang papel para basahin.
Anak..
Ang unang salitang nabasa ko kaya naman ay umpisa palang ay naluha nako. Dahil isang tao lang ang naiisip kong pwedeng sumulat nito..
At yun ay ang mommy ko...
Sinulat ko to para sayo. Dahil alam kong sa mga oras nato. Wala nako..
Patawarin mo sana ako sa ginawa ko anak...Why are you saying sorry mommy? Ako dapat ang nagsosorry.. Kung hindi dahil sakin.. Nandito pa sana kayo, buhay :(((
Sinubukan kong magpakatatag pero ang hirap. Hindi mo naman kamukha yung taong gumahasa sakin, sa katunayan, Kamukha kita. Pero hindi ko maiwasan na kapag nakikita kita. Naaalala ko yung araw na yun. Yung araw na binaboy niya ko...At paulit ulit parin akong binabangungot dahil dun, to the point na hindi ko na kaya anak..
I'm sorry mommy..
Matagal nakong nagtitiis.. siguro naman sapat na yun para palayain ko na yung sarili ko...
At anak.. Ang rason ko kung bakit sinulat ko to ay para masabi ang mga bagay na hindi ko nasabi sayo at Hindi man ako sigurado pero naisip ko rin bigla na baka sisisihin mo ang sarili mo dahil sa desisyon na ginawa ko.
Gusto kong sabihin na.. Hindi mo kasalanan anak ang nangyari sakin..
Mommy..
Ako yung naging mahina at piniling magpakamatay kaya sana anak.. Huwag mong sisihin ang sarili mo..
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v