#unedited~~~ SI ETHAN ~~~
Inday's POV
(Cafeteria)
3 days nakong nandito sa AA pero bakit panay tingin parin sakin ng mga ka-schoolmates ko?
Naglalakad-lakad ako, naghahanap ng pwedeng ma-upuan para makakain nako habang panay tingin nila
sakin -.-Ano bang meron? Hindi ko talaga maintindihan ang mga students ng AA.
*splash*
"A-aray." Uhh. Yung balakang ko ang sakit. Anong kamalasan to?
Basa yung sahig kaya nadulas lang naman ako TT.TT sobrang basa yung sahig kaya naman nabasa rin ang uniform ko. Yung baon ko rin! Huhu! Wala na. Natapon sa sahig.
Pero urgh. Sakit ng pagkabagsak ko, buti na lang. Hindi ako nauntog T.T
"Hahaha! Look at her. So ugly. Eeww" dinig kong sabi ng isang babae, na naka-upo kasama ang mga kaibigan nito, malapit sakin.
Napatingin ako sa paligid ko. Ang daming nakatingin at may mga tumatawa rin. Kaya naman Sinubukan kong tumayo kaso ang sakit ng katawan ko kaya hindi ko magawa.
"She deserves that. Buti nga sa kanya" sabi ulit nung babae na diring-diri sakin. Tumingin ako sa kanya at nakipagtitigan naman ito. Tinaasan pako ng isang kilay.
Ano bang problema sakin ng babaeng to?
"Vivian, vivian...your so mean" biglang dating ng isang babae. Napalingon naman kaming dalawa.
O.O ang ganda niyaaaa
"mind your own business katie." at inirapan nung vivian si katie.
Ngumiti lang ito, lumapit sakin at inalok ang kamay nito
"Halika. Kailangan mong magpalit ng uniform."Tumango naman ako at hinawakan yung kamay niya para makatayo.
"ah.-aray" ungol ko kasi parang tumunog yung balakang ko. Ang sakit."patingin nga." biglang tinaas ng konti nung katie yung uniform ko. ~////.////~ "Ang laki ng pasa mo. Dadalhin kita sa clinic baka kung napano kana."
"sige. Salamat." ngumiti naman ito at tumingin ulit dun sa vivian.
"Ipapaalam ko to sa office. Nakita kitang nagtapon ng tubig sa sahig ng makita mong paparating na si Inday." napalingon naman ako dun sa vivian.
Pakana niya to? At si katie kilala ako? Ano bang nangyayari?
"you don't have any proof katie. And kung ako man ang gumawa, kasalanan niya yun."
"At bakit kasalanan ko?" naiinis kong tanong. Kasi naman wala akong ginagawa sa kanya tapos ganon siya. Ang sakit kaya ng pagkadulas ko tapos malalaman ko na siya ang may pakana.
Tumayo ito at lumapit sakin.
"I saw ethan in front of your room, the day you transfered. You did something to him."Ethan? Yung tinutukoy niya ba eh yung lalaking naka-maskara na pumasok sa kwarto ko?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo" -ako
"your just making excuses vivian. Hindi mahilig makipag-usap si ethan sa mga babae maliban kay Eunice." sabi namam ni katie, nang may maalala ako..
"Teka, eunice ako to!"
That name.. Yun yung binanggit nung nakamaskara na pumasok sa kwarto ko! So ibigsabihin yung Ethan nga na tinutukoy nila yung pumasok sa kwarto ko?
"Sana nga namalikmata lang ako. Eh kaso hindi. kasi suot niya yung hoodie na regalo ni eunice."
Siya nga. Naka-hoodie din yung lalaki na pumasok sa kwarto ko. Pero sino nga ba yung ethan na yun kay vivian?
"Baka nam---" - katie
" si eunice ang nagpagawa nun kaya huwag mong sabihin na baka may kaparehas lang siya." putol nung vivian sa sasabihin sana ni katie
"Ano kaba nung Ethan na tinutukoy mo?" tanong ko dahil super curious na talaga ako kung bakit ganyan siya makareact at nagawa niya kong idulas sa sahig.
Ngumisi siya sakin. "I'm his fiance. That's why I don't want anyone liked you near him."
Fiance... May fiance siya..
Bakit ganto? Parang nadismaya ako.
"ang Fiance na kailan man, hindi magawang mahalin ni Ethan" biglang singit ng isang lalaki. Napatingin kaming tatlo.
Si june pala. Yung lalaki sa library na gumagawa ng kababalaghan -.-
Nakapa-mulsa ito. Relax na relax ang dating at para bang siya talaga ang may-ari ng AA.
Napatingin siya sakin at ngumiti ng napaka-laki. "Hello"
"you jerk! Mahal ako ni ethan at mahal ko rin siya!." sigaw ni vivian kaya nabaling ang attention namin sa kanya.
"Vivian. Stop it, huwag kang sumigaw" -Katie
Lumapit sakin si June at hinawakan ako sa braso. Nagulat naman ako pati na rin sila katie. "Then kung mahal mo siya at naniniwala kang mahal ka rin niya, huwag kang mananakit ng iba dahil lang sa natatakot ka na baka maagaw siya ng iba." masama ito kung makatingin kay Vivian at para bang nagbibigay BABALA.
"Ako ng bahala sa kanya." sabi ni june kay katie.
"seriously? Wala kang alam. At ano to? Pati ba naman yang mukhang katulong na yan. Papatulan mo?"- vivian.
Parang biglang nagkaruon ng black aura sa paligid ni june at humarap kay vivian. Lumapit ito at panay naman ang atras ni Vivian.
" I better be with a maid than to a slut liked you."
"June at vivian! As the president of the student council. Tumigil na kayo kung ayaw niyong, ipasuspend ko kayo." singit ni Katie na mukhang hindi na nagugustuhan ang mga nangyayari.
Lumayo si june kay vivian at ngumisi. Lumapit siya sakin at hinawakan ako ulit sa braso. "Halika na."
Magsasalita na sana ako ng biglang may nauna sakin.
"Ako na lang ang magdadala sa kanya sa clinic" napatingin ang lahat sa nagsalita. Habang ako ay parang nag-aalinlangan pa.
Yung boses na yun?
"E-ethan.." -vivian.
Dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko. At dun may lalaking naka-hoodie kaparehas nung pumasok sa kwarto ko...
Pero ngayon wala na siyang maskara...~~~To be continue...
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfic"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v