#unedited~~~ THINKING OUT LOUD ~~~
"ilyana!" Agad siyang tumakbo papalapit sakin at inalalayan akong tumayo. "what happened to you?"
Pero niyakap ko lang siya at agad na napaiyak. "Shh. I'm sorry. Kasalanan ko to." hinimas niya ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko.
Nawala ang takot ko dahil dun. Parang gumaan ang loob ko dahil sa ginawa niya.
Samantala Pansin ko ang pagkagulat at pagkatahimik ng mga tao sa paligid namin ng gawin ni Ethan yun, maliban kay vivian.
"E-ethan! Get away from her! Dapat lang sa kanya yan!" dinig kong sigaw niya
Parang nagalit si ethan at Lumayo sakin. lumapit siya kay vivian. At Tiningnan ng masama "Shut up vivian. I know na pinagkasundo tayo para ikasal but I don't love you. So stay away from us, stay away from ilyana. " ang sabi ni ethan na hinawakan ako sa kamay at hinila paalis.
Si vivian. She looks hurt because of what ethan said.. Pero Bago kami makaalis ay nakita kong nilapitan siya ni June at niyakap?
Hindi ba magka-away sila?
Napatigil ako sa pag-iisip ng tumigil bigla si ethan sa paglalakad. Tiningnan ko siya pero sa iba siya nakatingin. Nilingon ko naman ang tinitingnan nito.
Si eunice pala. Gulat na gulat ang itsura nito at nakita ko ang pagtitig niya sa kamay namin ni ethan na magkahawak
"Ethan.. What are you doing? Let go of her."
Anong sinasabi niya?
Napatingin ako kay ethan at sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Bigla akong natakot.
Will you let go of me? Susundin mo ba siya ethan?
Tumingin naman sakin si ethan at tinitigan ako. Hindi ko alam kung nagpapaalam siya o ano. Kaya inunahan ko na siya, tumango't ngumiti ako ng pilit. "Iwan mo nako ethan kaya ko naman ang sarili ko." nalungkot ang mukha ni ethan pero hindi ko pinansin yun.
Bibitaw na sana ako sa pagkakahawak ng kamay namin ng higpitan niya ang hawak niya sakin.
"Hindi kita iiwan. Kaya huwag kang bibitaw."
Nagulat ako sa sinabi niya pero may parte sa puso ko na alam kong tuwang tuwa dahil dun.
"Ethan? Let go of her! Mali to. Mapapahamak ka!" tutol naman ni eunice kaya nilingon ko siya.
Mapapahamak?
Nagtaka naman ako.
What's wrong with her? Bakit parang hindi siya yung eunice na naka-usap ko last time? Bakit parang takot na takot siya?"I'm sorry eunice. But I won't let go of her." hinila ako ulit ni ethan paalis. Kaya Hindi ako nagsalita pa at sumunod na lang sa kanya.
Tahimik lang kaming naglalakad na magkahawak kamay, nakakahiya nga lang dahil nagka-chocolate na rin si Ethan dahil sa pagka-yakap niya sakin kanina at paghawak sa kamay ko.
Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta ni ethan.
Dumaan kami sa cafeteria, malapit dun, may pintong may sign na, "NOT ALLOWED" pero nagulat ako ng lumapit kami papunta dun.
"Ethan?"
"Shh." binuksan ni ethan yung pinto dahil wala namang lock ito. Nang makapasok kami ay agad na sinara ni ethan ang pinto at ang bumungad sakin ay mga madadamong sahig, puro puno at May mga malalaki ring ilaw sa paligid.
"ano to? Sa AA parin ba to? Ethan anong gagawin natin dito?
Ngumiti naman si ethan. "Relax. Lupa parin to ng AA. May pupuntahan lang tayo."
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfic"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v