Chapter 16

1.7K 106 1
                                    


#unedited

~~~ WEIRD ACTIONS ~~~

I'm jealous..

Ang sabi niya sakin. At paulit-ulit ng tumatakbo yun sa isip ko. Anong ibigsabihin niya dun?

Hinatid niya ko sa Dorm ko ng wala man lang pinapaliwanag. Ang alam ko lang.

Iniwan niya kong tulala at takang-taka. And take note! KINISS NIYA KO SA CHEEKS KO bago siya umalis!
*///.///* first time ko po yun maranasan! Kaya BAKIT NIYA GINAWA YUN?!!

Anong dahilan? Hindi ko kasi talaga maintindihan. Pati na rin tong nararamdaman ko. Naguguluhan nako. Lagi na lang ako----
--

Biglang may sumiko sakin kaya napatingin ako sa katabi ko. Si ranzel, yung bakla kong kaibigan. Hawak ko kasi ang libro ko at kunwaring nagbabasa para walang manggulo sakin.

Pinanlakihan niya ako ng mata at parang may sinesenyas na ewan?

"Huh?"

Ngumuso pa ito sa harap. At panay parin akong pinanlalakihan ng mata.

"Ano? Hindi kita maintindihan?"

Ngumuso lang ulit ito na para bang may tinuturo kaya nagtaka nako't tiningnan ang nginungusuan niya.

But wrong decision inday.

Lahat ng kaklase ko, nakatingin. Lahat gulat. Hindi makapaniwala.

At ganun din ako.

"E-ethan?.. Anong ginagawa mo?"

Sa harap lang naman namin. Si Ethan. May hawak na bouquet of flowers at isang minnie mouse na stuff toys.

"Hello ilyana.. *smile* Surprise?"

Surprise?

Napatayo ako sa kina-uupuan ko at napatingin sa paligid ko. Tahimik lang ang mga kaklase ko na nanunuod samin, breaktime kasi namin kaya naman ay wala kaming teacher.

Pero--anong ginagawa ni ethan dito?

"ethan.. Ano to? Nagkamali ka na naman ba ng room na pinasukan?.. Hindi ba sa Section 1 ang room ni Eunice?"

Nawala ang ngiti sa labi ni ethan at dahan-dahan na naglakad papunta sa pwesto ko.

Kitang-kita ko naman si Ranzel sa tabi ko na kilig na kilig na, at si Rica na hinahampas pa sa braso si lea.

Habang ako. Sa bawat hakbang ni ethan ay lalo akong kinakabahan.

Lalong bumibilis yung tibok ng puso ko.

Nang makalapit siya sakin ay ngumiti ulit ito. "Hindi ako nagkamali ng room na pinasukan ilyana. Hindi si Eunice ang gusto kong puntahan.."

Sa pagtitig ko sa mga mata niya at sa mga sinabi nito. Parang huminto ang paghinga ko..

Hindi ako maka-galaw, para bang nawalan ako ng boses at Na-blanko ang isip ko.

"Para sayo lahat to inday.. Sana magustuhan mo." binigay sakin ni ethan ang bouquet at minnie mouse. Nag-aalinlangan ko naman itong kinuha dahil na rin sa gulat ko.

"Gusto ko lang ibigay sayo yan ngayon kaya naman pumunta ako dito. *smiles* sige ilyana. mauuna nako. Kita na lang tayo mamaya" ang sabi ni ethan at agad na hinalikan ako sa pisngi.

Nagsitilian naman yung mga kaklase ko samantalang gulat na gulat ako. Pagkatapos ay Ngumiti lang siya't lumabas na ng classroom.

Paglabas naman ni ethan ay nagsimula ng mag-ingay ang mga kaklase ko at kanya-kanyang reaction sa nangyari.

Tumayo naman si ranzel at lumapit sakin. "Omygod! Bruha ka! Ang haba ng hairlalu mo!!!" tili niya't nagtatatalon pa.

Lumapit rin sila rica, princess at lea.
"Oo nga inday! Grabe! Kenekeleg ako sa inyo kanina! Kayo na ba?! Magkwento ka naman!" react naman ni rica na tinutulak-tulak pako.

"Hindi kami, okay? Kahit ako nagulat." sagot ko sa kanila pero nagtinginan lang si ranzel at rica na halatang hindi kumbinsido.

"Weh? Hindi kayo, pero may pa-kiss kiss pa sa pisngi? Nako ah." -ranzel

"at may bouquet of flowers siyang dala" -si princess na inamoy amoy pa yung bulaklak.

"may minnie mouse pa!"-si lea na hawak yung stuff toy at yakap yakap.

"So ano girl? Hindi mo boyfriend? Nabalitaan lang namin na kinakausap ka ni ethan, yung ethan na si eunice lang ang madalas kausapin noon. pero yung ganto, *sabay turo sa mga binigay ni ethan*
Ibang level na to girl!!!" -kinikilig na sigaw ni rica.

Dahil dun nakaramdam ako ng pagkahiya at pamumula ng pisngi.

Ibang level?

"Hindi... Hindi ko maintindihan." napapailing kong sagot.

Binatukan naman ako ni ranzel pero hindi naman malakas. "Aray ko ah!"

"shunga ka kasi. Ang tali-talino mo sa mga lessons natin, pero pagdating sa ganto, hindi mo pa maintindihan?"-ranzel

"Eh sa hindi ko maintindihan! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa to? Para saan ba to? Bakit niya ko hinalikan sa pisngi? Anong ibigsabihin? Nalilito nako" ang tanong ko naman dahil hindi ko na talaga alam.

Natawa naman ang mga kaklase ko at kanya kanyang sagot.

"Inday! Lumalovelife kana!" sigaw ng kaklase ko

"Peg-ebeg!"-boy1
"Swerte mo inday!"-girl2
"Nakakakilig talaga! Omygod!"-girl1
"baka crush ka"-Boy3
"or baka nanliligaw na"-boy2

Yun ang sabi nila pero mas lalo lang akong naguluhan. Habang
Hinawakan naman ako sa magkabilang balikat ni ranzel.
"Narinig mo ba sila inday?"

Tumango naman ako.

"Naintindihan mo ba sila?"-rica
"Hindi mo parin ba gets?"-princess
"Wala ka ba talagang alam sa ganitong bagay?"- lea

Sunod-sunod na tanong nila."Wala eh. Bakit?"

Umiling-iling naman silang apat.
"Matalino nga, Slow naman. Kaya ayaw kong maging matalino eh" -rica.

Nagtawanan naman sina lea, princess at rica dahil dun at nagsimulang maglokohan. "Huwag mo silang pansinin inday. Buang mga yan."- ang sabi naman ni ranzel sakin na nakahawak parin sakin at nakangiti.

"Bakit?"

"Gusto mo bang malaman kung anong pwedeng dahilan kaya ginagawa ni ethan lahat ng to?"

Napalunok ako at parang kinabahan sa hindi malamang dahilan pero tumango ako bilang sagot.

Ngumiti naman si Ranzel sakin at humingang malalim.

"isa lang kasi ang pwedeng sagot sa mga tanong mo inday eh...

At sa tingin namin...

Gusto ka ni ethan, inday."

And with that.

I ended up being speechless u_u

~~~~To be continue..

A/N: hey guys! First of all, I wanna say thank you for supporting my Aldub fanfiction story! Thank you po talaga. Specially sa mga madalas magvote! Pati na rin sa mga nagcocomment na! Hindi niyo alam kung gaano niyo ko napasaya :)

Kaya napapabilis ang update ko kasi binibigyan niyo rin ako ng inspiration :) kaya sana nagustuhan niyo ang update ko ngayon.

(~^o^)~ i'm dancing my happy dance style LOL

----

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon