#unedited~~~ PAGSUKO? ~~~
Ethan's POV
"walang aalis" tiningnan ko si ilyana na puno ng luha ang mga mata "Dito lang si ilyana. Dito lang ang girlfriend ko"
"Ethan.." ang tawag niya sakin. Pilit akong ngumiti para ipakitang magiging okay lang ang lahat, para mawala ang takot niya.
Hindi ko inexpect na hahantong sa ganto ang lahat. Pero hindi ko siya hahayaang makuha si ilyana.
"at anong sa tingin mo ang magagawa mo iho? Hindi mo ko kaya"
Napalingon ako sa lola ni ilyana at pinakalma ang sarili "alam ko po..na wala po akong magagawa para mapigilan kayo..."
"see? Alam mo naman pala so--"
"Pero mas mabuti ng nandito... sumusubok parin at lumalaban kesa manuod lang ako habang sapilitan niyong kinukuha ang taong mahal ko" basag ko sa sasabihin ni donya carmela.
Seryoso ako. Kahit na alam kong mas mayaman at makapangyarihan siya samin, I will still fight for ilyana.
"Kaya sorry po. Because I won't give up, I won't give up on ilyana..."
Every words I said, galing lahat yun sa puso ko. Ganon ko kamahal si ilyana. Ngayon lang ako nagmahal ng ganto. At kay ilyana ko lang to naramdaman. To the point that i'm willing to do anything just to save her.
At Ganon pala talaga kapag totoo ka ng nagmahal. Kapag alam mong siya na talaga. Wala ka ng pakialam sa mangyayari sayo basta makita mo lang ulit na nakangiti yung taong mahal mo.
Kaya bakit ako susuko? If living without her will be meaningless? Lifeless? Mas mabuti ng lumaban kesa yung walang ginagawa. At sa oras na mabawi ko si ilyana, gagawin ko lahat mabalik ko lang yung napaka-gandang ngiti ni ilyana.
"Do you know what you are talking about iho? Kaya kitang i-expell sa AA at pahirapan"
"G-gagawin mo yun?" -ilyana
"I will kung hindi ka sasama sakin. Kaya mamili ka, sasama ka sakin o papahirapan ko ang taong yan?" -donya carmela
Papalit-palit ang tingin ni ilyana samin at ayaw ko ang tingin na binibigay niya sakin. Tila sumusuko.
"Hindi po siya sasama. Gawin niyo po kung anong gusto niyong gawin sakin. Pero dito lang po si ilyana." determinado kong sagot.
Narinig ko ang pagbigkas ng pangalan ko nila rica, naramdaman ko naman ang kamay ni ranzel sa balikat ko "Ako rin po. Kaibigan ko si inday, at bilang kaibigan. Gusto ko po siyang maging masaya. Kaya hayaan niyo na po sanang manatili siya dito"
"Mahal namin si inday.. Ibalik niyo na po siya samin" -cintia
Mukhang okay naman na si nanang at nakakahinga na ng maluwag kaya tumabi siya sa gilid ko "hayaan mo ng maging masaya siya.. Parang awa mo na."
Gumaan ang pakiramdam ko dahil lahat sila ay nakiki-laban kasama ko pero masyadong matigas ang puso ni lola carmela para duon.
"Masaya?! Hindi! Hindi ko kayo hahayaang maging masaya..
Guards!!" Nakabawi na ng lakas ang mga guards na nakalaban namin dahil nakatayo na ulit ang mga ito sa harap namin pero bakas parin ang sakit na natamo nila samin."Pasensiya na pero tama na ang laro" sabi ng isa sa mga guards at parehas silang naglabas ng baril at tinutok samin.
Lumapit samin sina helen, rica at cintia "maduga! Ibaba niyo ang mga baril niyo!" -helen
Nagcross sign naman si nanang ng makita ang baril. Nasa likod naman ni ranzel sina cintia at rica na tila pinoprotektahan. Si perry nakakapit kay nanang at ako naman ang nasa harap nila. Matalim ang mga titig sa kanila.
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfic"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v