#unedited~~~ NAGPARAYA ~~~
Inday's POV
Naiwan akong tulala at luhaan. Alam kong ako ang pumili nito...
pero...
bakit sobrang sakit?
Ang gusto ko lang naman ay matahimik na. Yung wala ng gulo at masasaktan ng dahil sakin. Pero bakit feeling ko ng dahil sa ginawa ko.. Mas nasaktan yung taong mahal ko? ....
-
Nagsimulang pumasok isa-isa ang mga kaklase ko. Lahat nakatingin sakin. Lumapit naman si ranzel at malungkot na tumitig sa akin "Hindi mo dapat sinabi ang mga yun sa kanya inday.. Hindi mo dapat siya pinagtulakan palayo..""hindi ko naman ginustong saktan siya."
"Pero nagawa mo na. Napa-suko mo na siya inday.. Naiintindihan ka namin pero yung mga ginagawa mo ngayon, mali na inday.. Sana maisip at marealize mo na yung taong yun.., siya yung handang ipaglaban ka pero pinakawalan mo."
Napayuko ako't panay tulo lamang ng luha. Tama sila.. Mali ako. Maling-mali. Pero ano bang dapat kong gawin kung yun na lang yung naiisip kong tanging paraan para walang gawing masama si lola sa kanya at sa kanila? Mas mabuti ng ako na lang yung masaktan kesa yung pati sila mahirapan.
"Hayaan mo na siya ranzel" narinig kong sabi ni rica kaya napatingin ako sa kanya.Nakahawak ito sa balikat ni ranzel. "Tama siya. Hindi niya deserve si ethan" tila galit na sabi niya habang nakatingin sakin "at inday, akala ko ba matalino ka? pero bakit sa pagkakataon nato, naging bobo ka?"
"Rica" tawag dito ni ranzel na pinipigilan sa kung ano mang sasabihin.
"Totoo naman ranzel eh! Nagmakaawa na yung tao, iniyakan kana at pinaglaban pero anong ginawa mo? Sinabihan mo siyang maghanap ng iba! Alam mo ba kung gaano kasakit yun?"
"G-gusto ko lang naman na maging masaya na siya..."
"Maging masaya? Masaya ba yung tawag dun? Inday, umiiyak si ethan, iniiyakan ka ng lalaki. kasi ikaw yung kasiyahan niya pero pinagdamot mo, pinagtulakan mo palayo."
Hindi ako nakapagsalita at mabilis namang naglakad palabas ng classroom si rica. Si ranzel naman ay napapailing na lang na sinundan ang pinsan nito. Ang mga kaklase namin ay tahimik lang, parang ang bigat ng tensyon dito sa classroom.
Hanggang sa lumapit sakin si Dio. kung hindi niyo siya nakikilala, siya lang naman yung crush dati ni ranzel. Inalok niya sakin yung panyo niya "Huwag ka ng umiyak. Hindi pa naman huli ang lahat.." napatitig ako sa kanya at tinanggap yung panyo niya. "Pwede mo pa naman itama yung mga ginawa mo inday.. Kung lalakasan mo lang yung loob mo, maibabalik mo pa."
"Galit na silang lahat sakin.."
"Hindi sila galit inday, ayaw lang nila yung ginawa mo. Kaya sana ma-realize mo yung mali mo. At Sana kapag nagawa mo na yun, ikaw naman yung lumaban para sa kanila" at ngumiti siya sakin "Sige inday, maiwan na kita" lumapit na ito sa mga kaklase namin. Naiwan akong nakatayo at nag-iisip.
Pero bago pa man dumating ang teacher namin ay kinuha ko na yung bag ko at nagmamadaling lumabas na rin ng classroom.
Pero Nang makarating ako sa hallway ay biglang may humarang sa daanan ko. Napa-angat ako ng tingin at bumungad sakin ang mukha ni june. "Inday.. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
"J-june."
"Si ethan na naman ba?" hindi ako nakasagot kaya naman nagalit siya "Sinaktan ka ba niya? Halika puntaha--" pinigilan ko si june sa pagtangkang pag alis niya.
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v