Chapter 5

1.9K 89 0
                                    


#unedited

~~~ BEHIND THE MASK ~~~

Inday's POV

Maputi, matangkad.. Matangos ang ilong, manipis na labi at medyo makapal ang kilay. In short Gwapo pala yung lalaking to :3

Pero hindi nga? Siya kaya talaga yung nakamaskara na pumasok sa kwarto ko?

"Hindi ka kailangan dito ethan." nakangising sabi ni june. Bakit Mukhang galit si june kay ethan?

Lumapit naman sakin si ethan at hinawakan ako sa kamay. "Kailangan niya ko." Ang sabi nito't tumitig sakin.

Anong nangyayari? *////o////*

"Ethan?.. Ano to? Diba ayaw mong makipag-usap sa mga babae maliban kay eunice?!" singit naman ni vivian na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari.

Pero hindi siya pinansin ni Ethan, bagkus hinila niya ko, kaya nabitawan ako ni june at napasandal sa dibdib ni ethan. Omoooo! >.<

"Huwag mo na ulit lalapitan si ilyana" BABALA ni ethan.
Masama ang tingin nito kay june.

Samantalang si Katie at vivian ay napa o-shape ang bibig.

"I can't watch this" ang sabi pa ni vivian at nagwalk-out.

Kahit naman kasi ako ay nagulat sa sinabi ni Ethan.

"tsk. Hindi ko siya lalayuan dahil lang sa sinabi mo ethan." naramdaman kong lumapit si june samin at hinawakan ako sa isa kong kamay at hinila rin ako.

Kumbaga nasa gitna nila ako at hawak nila parehas yung dalawang kamay ko. Papalit-palit naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Guys! Ano ba to? Bitawan niyo si inday!" -sermon ni katie pero busy yung dalawa sa titigan session nila. Para rin akong pinalilibutan ng black auras na nanggagaling sa dalawang lalaking to =,=

Kaya naman hindi ko na kinayang manahimik. "Hindi ko alam kung anong problema ninyong dalawa pero...hindi nako natutuwa" seryoso kong sabi at agad na hinila yung dalawa kong kamay na hawak nila at lumayo.

Napatingin naman sila sakin.
"Seriously? Nandito ako para mag-aral, hindi para gumawa ng eksena"

"Siya ang gumagawa ng eksena dito inday. Wala akong ginagawang masama." turo ni june kay ethan na halatang inis na inis.

"Ayaw ko lang mapahamak si Inday ng dahil sayo." -ethan

"Bakit ikaw? hindi ba siya napahamak ng dahil sayo?tsk" -june

Nagtalo ang dalawa ng nagtalo hanggang sa lumapit naman sakin si katie. "Mas mabuting ako na lang siguro ang magdala sayo sa clinic inday."

"Mas mabuti pa nga." ang sagot ko, naglakad na kami pero muli akong tumingin dun sa dalawang lalaki na busy sa pagsasagutan.

Huwag naman sana silang magsapakan =.= saka sayang..

Hindi ko naka-usap si ethan..

Hindi ko natanong kung siya nga ba yung nakamaskara na pumasok sa kwarto ko..

~~~~

(Clinic)

"Hindi naman ganon kalala ang natamo mo, gagaling din yang pasa mo in a few days." ang sabi ng doctor namin ng tingnan niya yung bewang ko.

Ngumiti naman ako. "Sige po doc. Salamat."

"Sige. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka" tumango naman ako at nagpaalam dun sa doctor.

Paglabas ko ay nandun parin pala si Katie sa tabi ng pinto, hinihintay ako.

"uy! Kamusta raw?" agad na tanong niya sakin.

"Okay naman na. Ginamot na yung pasa ko at hindi naman daw ganon kalala kaya gagaling din in a few days." nagsimula nakong maglakad ulit at simabayan niya naman ako.

"Ahh. Mabuti naman. Oo nga pala. Ako si Katie Chavez. Ang President ng Student Council ng AA" pagpapakilala niya sakin.

"Ako naman si ilyana doretea A. Yloverez. Inday na lang."

Ngumiti naman siya na lalong nagpaganda sa kanya. "Kilala na kita. Sikat ka kaya."

Napatigil ako sa paglalakad at napaharap kay katie O.O

"Paano ako naging sikat?"

"Yung totoo?" nag-aalinlangan na tanong nito. Tumango-tango naman ako.

"ahm yung uniform mo kasi.. Ang hahaba at super balot na balot yung katawan mo.. Tapos Inday pa nickname mo.. At,.."

"At?"

"at Marami rin na nagtataka kung bakit ka nakakapag-aral dito eh mahirap ka lang pala samantalang mayayaman lang ang pinag-aaral dito..."

"eh kasi..Scholar ako kaya ganon."

"Yun na nga eh... Hindi tumatanggap ng scholar ang AA inday."

?___? -> @.@ -> O.o

"scholar? Impossible. Hindi tumatanggap ng scholar ang AA"
Natandaan kong sabi nung nakamaskara.

So yung time na sinabi nung nakamaskara sakin yun..totoong hindi sila tumatanggap?...

"Pero tinanggap nila ako.."

"alam ko pero... Sa tingin namin.May iba pang dahilan kung bakit ka nila tinanggap.." huminga ito ng malalim at tinitigan ako. "Sino ka ba talaga kasi inday?"

Sino ako?...

Umiwas ako ng tingin at naglakad ulit... "Ako si Inday." tama. Ako si inday..wala ng iba.. Wala na.

~~~ To be continue..

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon