#unedited~~~ TAKOT ~~~
Ethan's POV
Bakit ba nandito tong dalawang to? Naging kaibigan ko sila pero mula ng pagbantaan noon na sasaktan nila si ilyana at bugbugin dahil sa lumabag daw ako sa rules ng AA na 'Bawal makipagrelasyon' which is gawa gawa lang nila para mabugbog ako ay tuluyan ng nawala ang tiwala ko sa kanilang dalawa.
Alam ko rin ang kalokohan ng mga to at ayaw kong idamay nila si ilyana sa kalokohan nila -_-
"An overprotective boyfriend spotted" -jonas
"and so? Kung yung mga taken ngang babae naaagaw ko, si inday pa kaya? Tsk" sagot ni june with a smirk on his face. Sarap sapakin.
Hindi naman ako madaling mainis or pala-away noon pero just by seeing june, jonas or any guys near ilyana.. Parang gusto ko biglang manugod..
"huwag mong idamay si ilyana sa mga babae mo, iba siya. Si ilyana hindi dapat pinaglalaruan o sinasaktan, minamahal lang" inis ko namang sabi dito pero tinawanan niya lang ako.
"pero yun ang ginawa mo sa kanya noon. Anong pinagkaiba mo sakin na nanloloko ng mga babae?"
"ang pinagkaiba? Simple lang. Nagsisi ako. Ikaw, hindi." mukhang nainis din ito sa sinabi ko dahil nagbago ang expression niya at masama ang tingin.
"woaw. Kakatapos lang ng sembreak and here we are. Intense. Kept it up guys. Nag eenjoy ako" komento naman ni jonas na umupo pa at nakangiting nanunuod samin
Pero malakas na kinalampag ni ilyana ang lamesa nito at tumayo kaya napatingin kami sa kanya."No.Stop what you two are doing."
"eh kasi naman tong boyfriend mo grabe kung bakuran ka kebago bago napaka seloso, tsk. ibreak mo na kaya to inday? Tayo na lang, ano?" -june
"hindi kami magbrebreak kaya magmove on kana kasi wala ka ng pag asa!"
"anong wala? Laging mayroong pag-asa sabi ng mga madre, kaya meron pakong pag asa!"
"STOP IT!" sigaw ni ilyana, hinihilot hilot pa nito ang noo at nakapikit "Sumasakit ang ulo ko sa inyo"
Nawala ang pagkainis ko kay june at agad na lumapit dito at hinawakan sa braso pero lumayo lang siya "ayos ka lang ba ilyana? Dalhin kita sa clinic?" tanong ko.
Tumigil siya sa paghilot at tiningnan ako ng masama at sina jonas. "Bakit ba ang gulo niyo? Pwede bang layuan niyo nako? Kung sa tingin inyo oras ng lokohan niyo pwes huwag kayo dito because I don't have time to join you guys." tumigil ang mga mata nito sakin "And ethan. Stop calling me your girlfriend.. Hindi kita boyfriend. I once told you I love you pero yun na ang huli. Walang ikaw at ako, walang tayo. Tapos" kinuha nito ang bag sa upuan niya at naglakad palayo.
Nanatili naman akong nakatayo hanggang sa makita kong nakalabas na ng cafeteria si ilyana.
She clearly said it all. Walang kami.
At ang sakit sakit nun para sakin.Samantala naramdaman ko ang kamay ni june sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya na nakangiti "pano ba yan? Wala naman palang kayo.. Tsk. Sabi ko sayo eh. May pag-asa pa ko" nang aasar niyang sabi at iniwan nako.
Si jonas naman ay lumapit sakin at mukhang biglang naging seryoso? "susuko kana ba sa pinsan ko?" ang tanong niya sakin na ikinagulat ko.
"pinsan mo si ilyana?"
"Oo kaya ano? Susuko kana ba?"
"Sinong nagsabi?"
"She wants you out of her life. Hindi ba dapat sumuko kana? Bumalik na nga siya pero ethan admit it. Hindi na siya si ilyana o inday na nakilala ninyo. Siya na si Sharmaine, o tama bang sabihin bumalik siya bilang sharmaine.. Yung sharmaine na may takot..."
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfiction"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v