Chapter 19

1.7K 102 7
                                    


#unedited

~~~ REASON ~~~

Inday's POV

Kinabukasan.. Naging tahimik ang buong araw ko sa klase. Walang june, vivian at bae fanatics na nanggugulo. Maliban sa isip ko na panay ang tanong sa nangyari kahapon.

Sa nangyaring paghalik sakin ni ethan.

Hindi kasi kami nakapag-usap kahapon dahil sa biglaang pagtawag ni eunice kay ethan. Kaya naman umalis siya ng hindi nagpapaliwanag...

Napahawak naman ako sa labi ko. Hindi ko alam pero parang ramdam ko parin ang mainit na pagdampi ng labi ni ethan sa labi ko..

"aba!aba!. Anong nginingiti-ngiti mo diyan inday?"

Napatingin ako kay ranzel na naka-upo sa gilid ko.

"Huhh? Ngumingiti bako? Hindi ah." ang sabi ko't tinanggal ang pagkakahawak ko sa labi ko.

Tumitig naman sakin to. Yung alam mong hindi siya naniniwala. Pagkatapos ay nagtinginan sila ni rica na nasa tapat lang namin.

"Alam na bakla." -rica
"Chika minute" - ranzel

Napakunot noo naman ako. Samantalang ngumiti ang mga ito at nilapit nila ang mga upuan at pagmumukha nila sakin >.<

"Anong nangyari sa inyo ni Ethan?" Magkasabay na tanong nila.

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong nila. Pano nila nalaman?

"Nako nako inday. Reaction mo palang halata na." -ranzel
"Ngiti mo palang, kakaiba na" -rica

Tumawa naman ako"Luhh. Issue kayo ah" at iniiwasang mapatingin sa mata nila.

Binatukan naman ako ni ranzel
"Aray ah! Para saan yun?" sadista to. Sumbong ko siya kay helen ng magbatukan sila, parehas pa naman sila. Mahilig mambatok haha.

"Umaarte ka kasi. Pabebe lang? Magkwento ka, huli ka na sa akto bakla"

Hindi ako pabebe! Slight lang haha jke.

"At may pahawak-hawak ka pa sa labi mo with matching ngiti. Sinong maniniwala na walang nangyari ha?" -rica

"Ehh. Ano ba kayoo. Wala ngang nangyariii."

"hala siya. Hala siya. Wala raw pero naka-ngiti. Bruhang to haha." -ranzel

Natawa naman ako dahil dun. Ang kulit ng mga to oh. "Hindi ako ngumingiti ah." deny ko naman.

"ayuyuy. Kurutin kita sa singit diyan eh. Pabebe ka ah." -ranzel

"onga.siguro umamin na si ethan no? Sinabi niya na bang mahal ka niya ha? Ha?" -rica

Napatigil ako sa pagtawa. At napaiwas ng tingin.

Kalma lang heart >.<

"OMYGOD BAKLA! MUKHANG YUN NGA ANG NANGYARI!!" sigaw ni rica na niyugyog-yugyog sa balikat si ranzel.

"OMYGULAY! MUKHA NGA! KYAAAH" sigaw din ni ranzel.

Nagreklamo naman yung iba naming kaklase na na-iingayan kina ranzel at rica.

"OY! Ang ingay niyo! May natutulog dito!" -boy1
"Ang haharot ng mga to oh" girl2
"sakit sa tenga ah" -girl1
"Guys. Huwag masyadong maingay"boy2

Lumingon naman ng sabay sina ranzel at rica. "Kame ang pabebe girls. At wala kaming pakialam kung maingay kami. WALANG MAKAKAPIGIL SAMIN" ang sabi nila na halatang ginagaya ang mga pabebe girls na nagtrending sa internet.

Dahil dun natawa kaming lahat. Yung ibang boys din binato sila ng papel habang tumatawa.

Nag-asaran ang lahat at nagkulitan ng biglang may kumatok at pumasok sa classroom namin.

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon