Chapter 2

2.5K 108 5
                                    


#unedited

~~~ STRANGER ~~~

Inday's POV

Umupo ako sa kama ko at nilibot ang tingin sa bago kong kwarto. Malaki at mukhang ang mamahal ng mga gamit na nakalagay. Hindi tulad sa kubo namin na puro kahoy lang ang gamit at banig ang hinihigaan...

Pumasok na rin pala ako sa AA kaso wala pa kong nagiging kaibigan kaya ng matapos ang klase ko ay agad naman akong umuwi dito sa dorm para mag-ayos ng mga damit at gamit ko.

Gabi na rin kaya naman tahimik ang paligid. Mga tulog na rin yata ang mga tao rito...

*sigh* Nakakalungkot rin pala dito sa Maynila no? :(

At yung mga tao.. Ibang-iba kumpara sa mga tao samin sa San Sebastian.

Kasi kanina nung umpisa ng klase ko at nang magpakilala ako. Wala silang reaction.
As in -.- Hindi nila ako pinansin.. yung mga babae nakataas ang mga kilay habang nakatingin sakin at yung mga lalaki parang nandidiri sakin.

Hindi naman ako naging Valedictorian sa klase namin nung 3rd year para hindi malaman at maramdaman na "AYAW NILA SAKIN"

Trinay kong makipag-kaibigan pero Nganga -O- Hanggang sa natapos ang klase, loner pa rin ako.

Hays. napatigil ako sa pagmumuni-muni ko ng biglang gumalaw yung doorknob ko at bumukas.

Nanlaki ang mata ko ng biglang may lalaking nakahoodie at maskara na pumasok. "Hello" ang sabi nito at agad na sinara yung pinto.

Anong hello? Teka Magnanakaw ba siya?!! Pero.. May magnanakaw bang nag-hehello muna bago magnakaw? O.o

"S-sino ka?!" tumingin ito sakin. "H-huwag kang lalapit sisigaw ako!" umurong ako paatras sa kama ko at kumuha ng unan pantakip sa sarili ko.

"Teka! Eunice ako to!" sabi nung lalaki. "Gusto lang kitang kausapin"

Sino?

"Eunice?.. Teka-- nagkakamali ka. Hindi ako si Eunice!"

"Huh? Hindi ka si Eunice?" tanong nito at lumapit ng konti. Tumingin siya sakin kaya naman nakatitigan ko siya. "Sh*t"

"I'm.. I'm sorry miss. Nagkamali yata ako ng kwartong pinasok."

"May masama ka sigurong binabalak no? Huwag kang magkakamali at sisigaw talaga ako!" babala ko pero natawa lang yung lalaki.

"Hahaha! Miss kahit sumigaw ka walang makakarinig sayo.. Soundproof ang lahat ng kwarto rito." sabi nito at lumapit sakin at umupo sa kama ko.

O.O  natakot ako bigla dahil ibigsabihin hindi ako makakahingi ng tulong. "A-anong gagawin mo?" dahan dahan na gumapang siya papalapit sakin. "Anong sa tingin mo?" tila nang-aakit na sagot nung lalaki.

Medyo napaluha naman ako, nanginig at napayakap ng mahigpit sa unan na hawak ko. "kung ano man yun..please.. H-huwag." napatigil ito sa paglapit sa mukha ko at napatitig sakin. Naka-maskara parin ito kaya hindi ko makita ang itsura niya.

Lumayo naman yung lalaki at umupo na lang sa tabi ko. "i-i'm sorry. Hindi ko sinasadyang takutin ka."

panay naman ang inhale, exhale ko para mapakalma ko ang sarili ko.

May kinuha naman ito sa bulsa nito, pagkatingin ko may hawak na siyang pochi. "sayo na lang. Peace offering." napapakamot pa ito sa ulo ng sabihin niya sakin yun.

"Baka may drugs yan?"

Umiling naman siya. "Wala... Ano gusto mo ba?"

Nag-isip pa ko pero Dahil dun. Nawala ang takot ko. At napangiti. Agad na kinuha ko sa kamay nung lalaki yung pochi. Masarap kaya to. Maraming ganto samin sa San Sebastian :)

Habang kumakain naman kami ng pochi ay nagtanong-tanong ako dun sa lalaki.

"Hindi mo pa ba tatanggalin yang Maskara mo na pang halloween? Nakakatakot eh."

"Hindi pwede eh."

"Bakit naman?" usisa ko,

"Basta. Kumain ka na lang diyan."

Ay. Ang sungit ni kuya ~.~

Tumayo yung lalaki at tiningnan tingnan ang kwarto ko. "mayaman kaba?"

"Hindi. kaya huwag ka ng magtangkang pagnakawan ako. Mahirap lang ako"

Humarap sakin yung lalaki "Eh bakit pang V.I.P ang room mo?"

"Ewan ko? Siguro dahil Scholar ako sa AA" tumayo ako't tinapon sa little trashcan ko yung plastic nung potchi.

"Scholar? Impossible. Hindi tumatanggap ng scholar ang AA"

"anong hindi? Eh tinanggap nga nila ako." sabay pasan sa likod nung lalaki.

"what the-- aray! Anong ginagawa mo?! Ang bigat mo! Bumaba ka nga!"

"Ayaw ko nga! It's Payback time!" sabi ko't nilapit ang bibig ko sa tenga niya't kinagat ko siya katulad ng ginagawa ko kanila helen.

"URGH. Aray!!" sigaw nito ng makababa ako sa kanya. "Bakit mo ginawa yun?!"

Sayang, hindi ko makita mukha niya. Siguradong namumula din mukha nito katulad nila helen kapag nakakagat ko sa tenga haha

"Pambawi sa pananakot mo sakin. Ngayon quits na tayo. *Smile*"

"Baliw kang babae ka." pa-iling iling na sabi nito habang hawak yung isang tenga na kinagatan ko.

para siyang si helen..
Namiss ko tuloy yung amazonang yun :3

"Akin na nga" sabi ko't lumapit ulit sa kanya.

"Teka-- kakagatin mo ko ulit?"

"Hindi. Pawawalain ko lang yung sakit." sabi ko ng nakangiti. Bago pa man makasalita yung lalaki ay nilapit ko na yung bibig ko dun sa kinagatan ko at kiniss. "ayan, ayos ba?"

"Bakit mo ginawa yun?" gulat na reaction nito.

"Ganon kasi ang ginagawa sakin ni Nanang kapag may masakit."

"Sinong nanang?"

"Nanay ko...Ano effective diba?"

Huminga ito ng malalim at tumingin sakin. "Hindi. Mahapdi parin."

"edi ikikiss ko ulit par---"

"ayoko!" lumayo ito sakin ng magtangka akong lumapit ulit sa kanya. "Ano ka ba naman? Babae ka ba talaga?"

"Oo. Teka--tingnan mo yung birth certificate ko," sabi ko at agad na pumunta sa drawer ko.

"seriously? Scholar kaba talaga ng AA? Ba't parang pang kinder utak mo?"

Imbes na mainsulto ay Natawa ako at hindi na kinuha yung birth certificate ko. Niloloko ko lang naman siya eh.

Humarap ako sa kanya. "para ka talagang si Helen.."

"sino naman yun?"

"Bestfriend ko." lumapit ako sa kanya at ngumiti. "ilyana Doretea A. Yloverez, ang pangalan ko. Inday na lang itawag mo sakin."

"Inday ang nickname mo?"

"Oo. Maganda ba?"

"Hindi. Ang baduy." straightforward parang si helen =__=

"Tsk. Bakit ikaw? Ano bang pangalan mo? Nang malait ko rin."

Tumingin ito bigla sa wrist watch nito "Oooppss. Time to go." sabi nito.

"Anong time to go? Pakilala ka muna!" aalis na siya? "I can't..so bye for now." binuksan nito ang pinto ko at nagmamadali naman itong lumabas ng kwarto ko.

"Tinakasan ako -.- sino kaya yung lalaking yun?"

----To be continue..

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon