Chapter 20

1.4K 64 0
                                    


#unedited

~~~ GIRLFRIEND ~~~

Inday's POV

*Next day*

(sa cafeteria)

Ranzel,Rica
(T-A-B-L-E) --> pwesto namin :3
Ako , Katie

Kumakain at nagkwekwentuhan sila, samantalang wala akong gana kaya naman ay panay galaw ko lang ng kutsara ko.

Pilit kong pinipigilang huwag isipin ang nangyaring pag-uusap namin ni ethan pero.. ang hirap pala. Kasi paulit ulit sa isip ko ang pag-sorry sakin ni ethan.

"Oy inday!" sigaw ni rica kaya nabitawan ko yung kutsara ko at napalingon sa kanila. "h-huh? Ano?" Nataranta kong sagot.

Nagtaka naman yata sila at tinitigan ako. "kanina pa kita tinatawag. Anong nangyayari sayo?"

"May problema ba inday?" tanong ni katie. Si ranzel naman seryoso lang na nakatingin sakin.

Umiling-iling naman ako at pilit na ngumiti. "Ayos lang a--" napatigil ako sa pagsasalita ng malakas na inilapag ni june ang tray nito sa table namin. Nagulat naman sila rica.

Tumingin sakin si june ng nakakaloko.

"*smirk* hello ethan's girlfriend." ang sabi niya sa malakas na tono.

Napatahimik ang lahat ng nasa cafeteria at napatingin sa pwesto namin. Napayuko naman ako at hindi alam ang gagawin.

"G-girlfriend?" -katie
"OMYGOD! Kayo na ni ethan inday?" gulat na tanong naman ni rica.

Napa-angat ako ng tingin sa kanila. Nagsimulang mag-ingay ang mga ibang students sa cafeteria. Nag-usap? Nagbulungan? Ewan

"Hindi niya pa ba sinasabi sa inyo?*chuckle* sila na ni ethan." dagdag pa ni june kaya mas lalong nag-ingay at nagkagulo ang mga students

"Totoo ba yun inday?" -katie
"Wahh! Inday. Magsalita kaa." -rica

React nila. Si Ranzel naman na tahimik lang ay biglang tumayo't humarap kay june.

"R-ranzel?" gulat na tawag ni rica dahil tila galit si ranzel. Kinabahan naman akong bigla.

Hinawakan nito ang kwelyo ng uniform ni june at nilapit ang mukha rito. "Tumigil kana pare." ang sabi ni ranzel kaya naman napaluha ako pero agad na pinunasan ito bago pa man makita ng iba.

Napa-kagat ako ng labi.
Sinabi lang naman ni ranzel ang gustong gusto ko ng isigaw.
Pero tila pinanghihinaan ako ng loob kaya hindi ko masabi.

Ngumiti naman si june na halatang nang-aasar. "Bakit? Anong gagawin mong bakla ka?"

"Bakla ako, oo. pero pag dumikit tong kamao ko sa mukha mo, siguradong masasaktan ka." sagot naman ni ranzel na ikinatahimik ng lahat.
Binitawan niya si june at nilapitan ako.

"Inday, halika na." yaya niya sakin at hinawakan ako sa wrist ko.

"T-teka ranzel.. Anong nangyayari?" tawag ni rica na gulong gulo na nakatingin samin.

"Saan kayo pupunta?" -katie

"Mamaya na kami magpapaliwanag." ang sabi ni ranzel at hinila ako patayo. Pero bago pa man kami maka-alis ay hinarangan ni june si ranzel.

"Walang aalis."

Nagpalitan sila ng masamang tinginan at tila walang gustong sumuko. "June. Bakit mo ba to ginagawa?" tanong ko.

Nilagpasan ni june si ranzel at lumapit sakin. "*smile* maswerte ka inday.. Someone sacrifice for you." makahulugang sabi niya.

Magsasalita na sana ako para tanungin anong ibigsabihin niya. Nang biglang may pumalakpak. Kaya napalingon lahat kami.

Sa kabilang table, naka-upo sa lamesa ang isang lalaki at nakangiting pumapalakpak samin. I think siya si jonas. Yung kasabay nila ethan na dumating sa party at kasali rin sa activity namin.

"ow. Huwag niyo kong pansinin. Sige lang ituloy niyo lang. Pa-action movie na kayo eh. And i'm enjoying it. Sayang naman."

Lumapit si katie rito "Jonas! Anong pinagsasabi mo? At Bakit nandito ka, Diba suspended ka?"

"tapos na ang suspension ko ms. Student council. *smirk* at akalain mo yun. Gantong sitwasyon ang maaabutan ko. *smile* at dahil na naman kay inday..."

Napalingon sakin si katie at umiling-iling sakin "Huwag mo siyang intindihin inday.."

"What? Ano bang---"

"Jonas." tawag ni june dito.

Tumayo ito at tinaas ang kamay.
"Yow! Pare. Looking good ah."
Lumapit ito samin at tumigil siya sa harap ko. At ngumiti. "Well. Hello inday."

For some reason. Kinabahan ako dahil sa paglapit niya. Para kasing may iba sa kanya.

Biglang iniharang ni june ang kamay nito sa gitna namin at inurong ako palayo kay jonas. "huwag kang magtatangka jonas. Alam mong hindi siya."

Hindi ako? O.o

Tinaas ni jonas ang dalawang kamay "Chill bro. I was just saying hello.."

Tiningnan ito ng masama ni june. Na ikinapagtaka ko. Nalito tuloy ako. Kasi kanina lang parang kaaway ko siya ngayon pinagtatanggol niya ko.

Lumapit naman sakin si ranzel at hinila ako palayo sa dalawa. Tumakbo naman palapit samin si rica at katie.

"R-anz.. Alis na tayo." yaya ni rica na parang natakot bigla.

"Bumalik na lang kayo sa classroom niyo. Ako ng bahala rito" -katie

Tumango naman si ranzel. "Sige katie. Mas mabuti pa nga"

Tiningnan naman ako ni katie at hinawakan sa kamay "Inday.. Nasan si ethan?"

"H-hindi ko alam. Bakit?"

Nalungkot ito at inilapit ang bibig sa tenga ko. "Itakas mo siya."

Ano? O.O

Hinawakan ako sa wrist ni ranzel."Halika na inday!" at hinila ako palayo kay katie na kasama sila june.

"T-teka! Ranzel! Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ko pero tila ayaw akong bitawan ni ranzel.

Lumingon-lingon ako sa paligid at kinabahan. Pilit na hinahanap siya.

Anong ibig sabihin ni katie?

Ethan.. Nasan ka?!

~~~To be continue..

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon