Chapter 39

1.5K 79 14
                                    


#unedited

~~~ TEASE2 ~~~

Inday's POV

"eh kung ipahalik ko kaya sayo yung kamao ko" dinig kong sabi ni helen kaya nama'y napalingon kame sa kanya na ang sama sama ng tingin kay ethan. Agad naman akong lumayo at nahiya.

"h-helen."-ako

"Ang aga-aga iniinis mo ko. Morning kiss, morning kiss tsk. Layu-layuan mo si inday. Hindi kita gusto para sa kanya. Alam kong ikaw ang dahilan ng pag-iyak niya kahapon" amin niya at hinila ako palapit sa kanila ni cintia. Tahimik at nakatingin lang naman sina cintia at para bang sinusuri si ethan.

"helen naman eh" -ako

"tsk. Umayos ka." -sabi niya sakin at sinamaan lang din ako ng tingin.

"i'm sorry.. I didn't mean to hurt her. Kaya nga nandito ako.. To make things right. For her to forgive me. And i'm sorry din if I made you angry pero...I won't stay away from her, she's my life"

Napakagat ako ng labi ko at pilit pinipigilang huwag mapangiti.

"ay. Bongga english. Mag-english ka rin hel." singit ni perry pero sinamaan lang din siya ng tingin nito "sabi ko nga tumahimik"

Si helen, babae yan pero nakakatakot magalit. Pero naiintindihan ko naman siya kasi hindi naman siya nagagalit ng walang dahilan. Sadyang ayaw niya lang nama'y nagpapaiyak samin.

"talaga lang ah? Tingnan ko lang." tila ba may plinaplanong masamang react niya. Ano na naman kayang kalokohan ang pumasok sa utak ni helen? -.-

"don't worry. I will prove myself to all of you and of course kay ilyana" mapanghamon namang sagot ni ethan

Kaya inirapan lang ito ni helen at nagwalk out "che! Lika na nga perry. Inuutusan pa tayo ni nanang na bumili ng kamote." utos nito at hinila si perry samantalang nanatiling nakatayo at nakatingin samin si cintia.

Minsan talaga ang mysterious ng dating ni cintia. Mula ng dumating ako at sina ethan, parang ang lalim parati ng iniisip niya...

"masaya kaba day?" out of the blue na tanong niya sakin. Napakunot noo naman ako't napalingon kay ethan at pagkatapos ay lingon ulit kay cintia.

"masaya kaba?" ulit nito.

Tumitig ako sa kanya at alam ko. Seryoso siya. Kaya naman ay ngumiti ako at tumango. Kasi yun naman ang totoo. Masaya ako...

At handa na kong aminin kay ethan kung sino ako.. At ang tunay kong nararamdaman..

Nagulat ako ng ngumiti siya pabalik at lumapit sakin "masaya akong masaya kana.." makahulugan niyang sabi at tumingin din kay ethan na ngumiti din kay cintia. "mauna nako. Susundan ko pa sila helen"

Tumango lang kame at tiningnan si cintia pero bago ito makaalis ay nakasalubong niya sina ranzel at rica. Napahinto ito at napatingin kay ranzel. At alam kong nagtama ang kanilang mata kaya agad siyang umiwas ng tingin.

Hindi naman ako manhid na kaibigan dahil sa kinikilos at react ni cintia. Alam ko na ibigsabihin nun. Kasi i've been there. Ganyan din ako nung mailang ako kay ethan ng malaman kong may gusto ako sa kanya.. So means---- WAHHH MAY GUSTO SI CINTIA KAY RANZEL?!!

"mauna nako" at agad na tumakbo paalis si cintia.

"problema nun?" nagtatakang tanong ni rica na kumakain ng tinapay. "anyway goodmorning daaayyy" hyper na bati ni rica sakin at niyakap din ako.

"goodmorning" pasimple akong tumingin kay ranzel para malaman ang reaction nito na nakatayo parin at wala yata sa sarili..

Humawak ito sa dibdib niya at pabulong na nagsalita,hindi man kalinawan pero sa pagbuka niya palang ng bibig niya alam kong 'sh*t' ang sinabi niya.

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon