Chapter 22

1.5K 92 5
                                    


#unedited

~~~ E&A ~~~

Three days na..
Mula ng mangyari ang gulo sa cafeteria.

Walang nagpaliwanag, o nagsalita tungkol dito. Para bang iniiwasan nilang masangkot? Lalo tuloy akong naguguluhan.

at higit sa lahat nag-aalala..

Kay ethan.

Na-ospital kasi ito dahil sa mga natamong suntok at injury sa balikat kaya tatlong araw na rin siyang absent para magpagaling.

Pero sina jonas at june, pumapasok pa rin. Nakakapagtaka nga lang dahil hindi ito inexpelled ng principal kahit na may ginawa itong kaguluhan at nanakit pa ng kapwa studyante.

"Nag-iisip ka na naman" -ang sabi ni katie.

Vacant kasi namin ngayon kaya nandito kami sa Garden at kasama ko sila katie, rica at ranzel.

"huwag mo ng isipin yun, sasakit lang utak mo, kakaisip" -rica

"saka magfocus ka na lang sa darating nating exam, diba gusto mong maging valedictorian? Bahala ka. Talino pa naman ni dio my labs baka matalo ka pa niya." payo rin sakin ni ranzel. Si dio eh yung kaklase namin na valedictorian nila ranzel noong 3rd year pa ang mga ito.

"Bakit kasi kahit kayo ayaw niyong sabihin sakin ang dahilan ng pambubugbog nila jonas kay ethan?"

Nakahiga kaming apat sa grass ng biglang tumayo si katie at inamoy amoy ang mga bulaklak sa paligid namin. "Katie! Tumatakas ka na naman sa usapan."

Lumingon ito sakin at ngumiti ng pilit. "alam mo inday. Ang talino mo talaga haha."

Umupo ako't nag indian sit. Nakigaya naman sila rica't ranzel.
"magsalita na kasi kayo."

"grabe ka inday. Patay na patay lang kay ethan?" asar sakin ni ranzel kaya namula ang mga pisngi ko.

Hinampas ko siya sa braso "h-hindi sa ganon! Gusto ko lang talaga malinawan na."

Natawa naman sila sakin at inasar asar ako.

"Aysus. Pumepeg-ebeg ka na talaga inday. Dati sa classroom puro ka aral at gawa lang ng mga assignments. Ngayon. Lumalovelife kana? Aba matinde! Tinalo mo pako."-rica

"ang panget mo kasi, nagtaka ka pa hahaha" asar ni ranzel kaya natawa kami ni katie.

"Boom! Yun yun eh. Haha" -katie

Pinaghahampas-hampas naman ni rica si ranzel. "bwiset kang bakla ka. Kung panget ako, ano ka pa? Mas malala ka pa no."

"ano ako? Diwata lang naman. Pasensiya na hahha!" -ranzel

"ehem. Diwata ka ba kamo? Oh well. Ikukumpara mo na lang sarili mo sa engkanto pa! Hahahah sabagay mukha kang engkanto! Lol." -rica

Napuno ng tawanan ang Garden ng AA dahil sa mga kalokohan nila rica at ranzel. Dahil na rin sa kanila nakalimutan ko rin saglit ang nangyari sa cafeteria.

"Guys! Beastmode na kayo. Tama na. Para fair. Parehas na lang kayong panget. Haha." pigil ni katie.

tiningnan naman siya nung dalawa at sabay na tumayo't lumapit sa kanya "luh? Bakit? Haha." -katie

Mga buang talaga oh -.-

"Parehas panget pala ah! Porket ang dami mong manliligaw hmp" -rica

"Ipaparehas mo na lang ako kay rica pa? Huwaw! Katie..Oyyy. Huwag ganon. Nang-aano ka eh." paloko-lokong sabi ni ranzel na parang si babalu lang XD

Napahawak naman sa tiyan si katie at tawa ng tawa. "sorry na guys. Laughtrip mukha niyo. Epic. Haha."

Napangiti naman ako pero nawala ito ng may makita akong tao malapit sa entrance ng Garden.

Si Jonas.

Nakangiti ito sakin at sinesenyasan akong lumapit sa kanya. Napatingin naman ako kina katie na busy sa pag-uusap.

Kinakabahan man ay lihim akong tumakas papunta kay jonas. Mabuti na lang at hindi ako napansin nila ranzel.

Nang makalapit ako kay jonas ay sinabihan niya kong sasabihin niya ang lahat ng gusto kong malaman at agad ako nitong pinasunod sa rooftop?

Malapit lang kasi ang garden sa rooftop at may elevator din kasi kaya agad kaming nakapunta.

Pagpasok namin ay may lamesa at Dalawang upuan duon. May mga masasarap na pagkain. At isang babae na naka-formal. Sa tabi nito may mga swimsuits?

"dianne. Alam mo na ang gagawin." ang sabi ni jonas dun sa babae.

"Yes sir."

Napakunot ako ng noo ng biglang kumuha ng isang pares ng swimsuit yung babae.

Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit siya sakin. "This way ma'm." akay sakin nung dianne

"Anong this way? H-hindi ako magsusuot niyan! *lingon kay jonas* teka! Akala ko ba mag-uusap tayo? Ano to?"

"Akala ko rin ba matalino ka? Swimsuit lang, hindi mo pa alam?*smirk*"

"alam kong swimsuit to! Ang tinutukoy ko, para saan?"

Umupo si jonas at kumuha ng apple sa lamesa. "masyado ka kasing balot na balot sa uniform mo kaya gusto ko man lang makita legs at curves mo." at kumagat na ito sa apple.

Namula at napatakip ako ng katawan ko dahil sa sinabi niya.
"Manyak! Bastos! Hindi ako sumama sayo para rito."

"aww. Grabe ka naman inday. Ikaw nga tong masama eh...

Nagagawa mo pang ngumiti habang si ethan nasa hospital, kahit na ikaw naman dapat ang nanduon."

Naibaba ko ang mga kamay ko't napakalma. "Kaya suotin mo na yan.. Para makapag-usap na tayo."

"ma'm?" tawag naman sakin ni dianne. Hindi ko ito pinansin at nanatili lang na nakatayo habang tinititigan si jonas.

"bakit?" bigla ko na lang na itanong.

"Anong bakit?" -jonas

"Bakit mo to ginagawa?"

Napatigil ito sa pagkagat sa apple nito at inilapag niya sa plato.
Huminga ito ng malalim at tumayo.
Magsasalita palamang sana ito ng may dumating.

"jonas!" sigaw nito. Dahan dahan akong lumingon.

Si ethan.

Bakas ang mga pasa nito't sugat. hingal na hingal at puro pawis ang damit at noo. Masama rin ang tingin niya kay jonas at tila galit.

"Anong ginagawa mo dito ethan?" -ako

lumingon siya sakin at parang na-galak siyang makita akong okay. "ilyana.. May ginawa ba siya sayo?" Tanong niya.

Umiling-iling naman ako bilang sagot.

Samantalang Tumawa naman si jonas. "tingnan mo nga naman. Ang bilis mo ethan ah. Tanda ko. Tinawagan lang kita kanina at Sinabi kong kakausapin ko lang si inday. Nagmamadali ka ng pumunta rito? Wow."

"nakalimutan mo yata yung sinabi ko jonas...

Hindi kita hahayaang saktan si ilyana.."

~~To be continue...

A/N: Tokwa! Baboy! Letchon! Kamote! Kyaah! Kinilig ako kanina sa aldub kaya naman guys eto na update ko! SHEMS LANG TALAGA HAHAHHA hindi.ako makamove-on XD

Kaya naman sa next update.
Abangan niyo! May gagawin ako Hahahahah! Lovelots! :*

(Feel free to vote&comment!)
(Posted: September 12)

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon