Chapter 12

1.8K 81 2
                                    


#unedited

~~~ THE PARTY ~~~

Inday's POV

Pagpunta ko ay dinig na dinig ko na ang napaka-lakas na musika sa Garden ng AA. Dito namin gaganapin ang party.

Sa gitna ay may disco ball, may mga lobo rin sa paligid, Sa harap naman ay may malaking stage.

Dumating na rin ang ibang teams. At May nagsimula ng magsayawan sa gitna

Ako naman ay mag-isa lang naka-upo. Naka-pantalon lang rin ako at t-shirt dahil wala naman akong dress.

Napatingin naman ako sa entrance ng magkagulo ang ibang teams.
Rinig ko ang sigawan nila't tawanan.

Hindi ko alam kung sino ang pinagkakaguluhan nila dahil natatakpan nila ito pero ng tumabi sila ay nakita ko na kung sino.

Sina June Buenafe pala, Ethan Mckenzie at isa pang gwapong lalaki ang pinagkakaguluhan,

Yung isang lalaki ay naka-plain shirt, Colored pants at nike na sapatos. Simpleng ayos lang pero dahil dun mas lalo itong gumwapo.

Naka leather jacket na may shirt sa loob at black pants naman si June kaya mas lalo pa ito nagmukhang astig at isang hunk.

Samantala naka great shirt with rolled up sleeves, all buttoned up paired with jeans naman si Ethan kaya nagmukha siyang very laid black at sexy (/w\)

Nang tingnan ko siya, bigla akong napa-iwas ng tingin dahil nahuli niya lang naman akong tinititigan siya

Then bigla kong naalala yung tinanong niya sakin.

(o////.////o)

Tinakpan ko ng dalawa kong kamay yung mukha ko. Hindi ko alam pero bumilis tibok ng puso ko.

"Hello miss"

"Ay. DIMPLES!" gulat kong sigaw.
Nilingon ko kung sino yun.
Si June pala.

Umupo ito sa tabi ko at natawa.
"Anong dimples? Wala akong dimples."

" Pasensiya kana. Nagulat lang."

(A/N: Sinungaling, if I know, naalala mo lang dimples ni Ethan)

Shhh. Bawal sumingit xD

"Kumain kana ba?" -June

"hindi pa eh, mamaya na lang siguro june" nakangiti kong sagot sa kanya. Nang biglang may tumawag sakin.

"INDAAAYYYY!"

Si Ranzel pala at rica. Naka-sali rin kasi sila sa Next round kaya nandito sila.

"UY. Hello inday, hello june" bati nila.

"Ang gaganda natin ah." puri ko naman :)

Kung titingnan kasi ng mabuti si Ranzel, na naka-polong itim, masasabi kong bagay sa kanya at napaka-gwapo niya. Sayang nga lang dahil naging bakla ito.

Si Rica naman, naka-pink na dress at heels. Mas lalo siyang gumanda sa ayos niya.

"NAMAN. Kami pa ba? Eh ikaw? Bat ganyan ang porma mo? Bakit hindi ka man lang nagdress or shorts? Inday na inday talaga ang peg mo. " -Ranzel.

"Oo nga inday. Mas maganda siguro kung nagdress ka. Siguradong mas gaganda ka." ang sabi naman ni june na nagpakilig kanila ranzel at rica na pinandidilatan ako at parang pinipigilan tumili.

"Wala kasi akong dress."

"Dapat sinabi mo sakin! Para pinahiram kita." napatingin ako kay ranzel na agad na tinulak ni rica -.-

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon