#unedited~~~ SECRET ~~~
Helen's POV
"perry! Lika rito, kailangan kong salbabida! Malulunod ako!" sigaw nung napaka-ingay na kaklase ni inday na mukhang baliw lumangoy.
"aye aye captain!" sagot naman nung matakaw at uto-uto ko namang kaibigan na si perry at lumangoy palapit kay rica =_=
Haysss. Ako na lang talaga ang matino na kaibigan ni inday pero teka---speaking of inday. Tumingin tingin ako sa paligid namin pero hindi ko siya makita at sina cintia. Nasan na kaya yung mga yun?
Umahon ako at nilingon sila rica"Oy! Kayong dalawa, nasan na sila inday?"
Napatigil naman sa paghaharutan yung dalawa at napatingin din sa paligid "huh? Ewan namin"
"baka nandyan lang sa tabi-tabi yung mga yun"-rica
"saka diba nagpaalam si cintia na mauuna na siyang umuwi, baka sumabay na sila."-perry
Oo nga pala. Nakalimutan ko pero tekaaa--si inday at ethan.. Cintia at ranzel.. Nagmamadaling kinuha ko ang towel ko at nagpunas.
Nalintikan na. Nakalimutan ko ring binabantayan ko sila at hindi sila pwedeng mawala sa paningin ko.
Umahon na din sila rica at lumapit sakin "uy.panget, anong nangyayari sayo?" tanong nung rica
"Kunin niyo na ang mga gamit niyo, uuwi na tayo"
"ehhh bakit? Huwag muna nag eenjoy pa kame." -rica
"gutom kana ba? May pagkain pako dito."-perry
"Hindi. uuwi na tayo" at kinuha na ang mga gamit ko at humarap sa kanila "pero kung ayaw niyo pa, edi maiwan kayo dito"
Nagtinginan yung dalawa at napabuntong hininga si rica "tsk. Sasabay na nga. Mamaya mapano pa kame dito"
"Sige na. Sandali lang." perry
Nagpunas na ang mga ito ng towel at kinuha na rin ang mga gamit nila. Nang matapos ay lumapit na rin sila sakin "hindi ba kame magpapalit ng damit?"
"sa atin na lang kayo maligo't magpalit ng damit, halika na."
Sumunod naman sila sakin. Mabato ang mga dinadaanan namin kaya naman ay medyo hirap pero lumiko kame kung saan wala ng gaanong bato kaya ayos na din.
"T-teka--helen. Bakit ba ang bilis mo?" -perry
"kailangan nating magmadali, hindi pwedeng maiwan kasama ni inday yung ethan na yun" sa paghakbang ko ulit ay biglang may humarang sa akin.
"At bakit?.. Bakit hindi pwede? Ganon ka ba kagalit kay ethan?"tanong ni rica. Kasama nga pala namin siya.
"Kaibigan ako ni inday. At bilang kaibigan ayaw ko siyang magmahal sa maling tao."
Tila naman nagbago ang expression nito at nagalit. Pero hindi ako natatakot, alam kong tama ang ginagawa ko.
"kaibigan ka lang. Wala kang karapatan diktahan kung sino ang dapat mahalin niya. Hindi mo siya dapat pinagbabawalan"
"ehh. Nag-aaway ba kayo?"perry
"Hindi ko siya pinagbabawalan, Prinoprotektahan ko lang siya." ang sabi ko't nilagpasan na si rica. Wala naman kasi siyang maiintindihan ano man ang sabihin ko.
"pinoprotektahan? Saan? Hindi mo ba nakikita? Mahal nila ang isa't isa!"
"isang kalokohan. Hindi sila pwedeng magmahalan."
"Helen..." tawag sakin ni perry.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon silang dalawa "bakit? Bakit hindi?!" -rica
Biglang may tumunog galing sa bag ko. At alam kong yung nokia kong cellphone yun na nanggaling pa sa kanya kaya naman ay dali-dali kong kinuha ito sa bag.
"ano? Mamaya na yan!" reklamo ni rica.
Pero hindi ko siya pinansin dahil sa tumatawag sa cellphone ko. "helen, sino ba yan? Bakit ayaw mong sagutin?" -perry
Kinakabahan akong tumingin kay perry at rica. Nang biglang tumigil ang pagtunog ng cellphone ko, kaya tila nawala ang takot ko pero maya-maya lang ay may nagsend ng message.
Pinindot ko ito at binasa. Nanlaki ang mata ko at tila nanginig ako sa kaba.
Lumapit sina rica sakin "a-anong nangyayari sayo?"
"bakit helen?"-perry
Napahawak ako sa balikat ni perry at naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko "k-kukunin niya.. Kukunin niya na si inday.."
~~~
Inday's POV
Ang saya ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya pero--sigurado akong dahil yun kay ethan :)
Hawak ni ethan ang kamay ko habang naglalakad. Tahimik lang kame at tila nakikiramdaman. At Ang alam ko lang parehas kaming nakangiti...
"Tayo na ba?" napatigil ako bigla sa tanong niya at napatingin sa kanya.
"a-ano?"
"Ang sabi ko.. Tayo na ba?"
(*////u////*) wahhh! Teka--teka-- ethan--huwag kang ngumiti!! Feeling ko nasisilaw ako sa pagngiti mo.
Pero syempre--sabi ni nanang. Dapat umamin muna ko.. So..
"Bago ko sagutin yan. Pwede ba muna kitang kausapin.. Tungkol to sakin."
"Oo naman." nilibot niya ang tingin at nang may makitang malaking bato na pwedeng upuan ay hinila niya ko palapit duon at kami ay umupo. Binitawan niya ang kamay ko at seryosong tumitig sakin "So.. Anong sasabihin mo?"
Huminga ako ng malalim at tila nag-isip. Kinakabahan man ako pero dapat kong sabihin ang tungkol sa nakaraan ko "hindi ko ginustong maglihim sayo o magpanggap.. Hindi ko rin naman sinasadya na mahulog sayo at..wala naman sa plano ko ang magmahal pero kasi--dumating ka sa buhay ko...." ngumiti ako sa kanya at ganon rin naman siya.
"pero ethan--gusto ko sanang malaman mo na.. Hindi ako tulad ng inaakala mo.. At H-hindi.. Hindi ilyana doretea A. Yloverez, ang pangalan ko."
Tiningnan ko si ethan at tila hindi ko maipaliwanag kung anong ibigsabihin ng mga tingin niya ngayon "Ano?.. Ano bang sinasabi mo? Naguguluhan ako ilyana"
"Sharmaine.. Sharmaine Salazar ang tunay kong pangalan. Hindi ko pagma-may-ari ang pangalang ilyana--sa anak ni nanang yun na namayapa na.."
Umiwas ako ng tingin kay ethan at yumuko. Alam kong pwede niya kong iwan ano mang oras kapag nalaman niya ang lahat lahat tungkol sakin at kadumihan ng dugong nananalantay sakin pero nagpatuloy ako.
"Napadpad ako rito ng makatakas ako kay lola..kay donya carmela, five years na ang nakakalipas.. Nakilala ko si nanang at tinanggap niya ako't tinuring na tunay na anak. Pinahiram niya sakin ang pangalan ng kanyang anak para hindi ako mahanap ni lola..."
"Donya carmela? Ang nag mamay-ari ng AA?...pero Bakit ka naglayas?"
"dahil... S-sa nangyari kay m-mommy" naramdaman ko ang mga luha kong nagbabadyang tumulo.. inaalala ko palang ang lahat pero napaka-sakit na "si Marian Salazar, ang nag-iisang anak na babae ni lola, mahal na mahal siya ni lola... Pero--pero *sniff* nang isang gabi, umalis siya.. G-ginahasa siya.. At nagbunga ang pangbababoy sa kanya--" nilingon ko si ethan at tumitig sa kanya "At ako ang bungang yun"
Oo. Isa akong pagkakamali.. Anak ng isang rapist.. Isang kasalanan na kahit kailan hindi ko pwedeng itama.
Isang kasalanan na hindi ko ginawa pero dadalhin ko panghabang buhay.~~To be continue..
(Vote&Comment)
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfic"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v