Chapter 27

1.6K 110 9
                                    


#unedited

~~~ CLINIC ~~~

Inday's POV

Ah..Ang lamig..

Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sakin ang maputing kisame.

Tumingin ako sa paligid ko.
Bakit nasa clinic ako?

May nakapa naman akong kumot sakin kaya agad kong binalot ang buong katawan ko gamit to. Pero ang lamig parin. Masyadong manipis ang kumot.

At ang sakit ng ulo ko, feeling ko rin masusuka ako.

"D-doc.." hirap na tawag ko dun sa doctor "Doc.." tawag ko ulit pero wala parin.

Ang sama ng pakiramdam ko...

Narinig ko naman ang malakas na pagbukas ng pinto. At may biglang humawi ng kurtina na nakapalibot sakin. "inday!" bungad nila at agad na lumapit sakin.

"Girl, kamusta ka?"

"R-ranz.. Anong nangyari?"

Umupo sa tabi ko si rica at nanatiling nakatayo naman si ranzel.

"Nawalan ka ng malay habang nag-eexam tayo bakla."-ranzel

"kasi naman inday eh! Masama na pala pakiramdam mo, hindi ka man lang nagsasabi. Nag-alala tuloy kami." naiiyak na sabi naman ni rica.

"Pasensiya na.. Akala ko kasi kaya ko."

"*sigh* oh siya. Sabi ng doctor, magpahinga ka muna, at huwag munang pumasok kapag masama pa pakiramdam mo. Lumabas lang si doc para kumain, lunch na kasi te." -ranzel

"Kayo kumain na ba kayo?"

"Oo , kaya huwag mo na kaming alalahanin." -rica

"saka! Nga pala----"

"ilyana!"

Napatigil at napalingon kami sa taong sumigaw. Walang iba kundi si ethan...

Bakit nagpunta pa siya dito?

Lumapit siya sakin at lumayo naman sina rica. "ilyana.. Okay kana ba?" hindi ako sumagot kaya hinawakan niya ang leeg ko "May lagnat ka parin...Bakit ka pa kasi pumasok? Kung hindi ka okay, huwag mong pilitin sarili mo. Tingnan mo nangyari sayo. Nawalan ka pa ng malay! Buti na lang nasabi sakin ni katie."

Masyadong madami siyang sinabi at napaka-bilis niya magsalita kaya mas lalong sumakit ang ulo ko at di siya masyadong naintindihan.

"bakit..nandito ka ethan?"

"dahil nag-aalala ako sayo." simpleng sagot niya

Pero bakit? Bakit ayan na naman siya? Samantalang nung isang araw lang eh nakita ko sila ni eunice na naghahalikan..

"may masakit ba sayo?"

Hindi ako umimik at tiningnan sina ranzel na tahimik lang din na nanunuod kay ethan.

Umupo naman siya sa tabi ko "may gusto ka bang ipagawa sakin? Nagugutom kaba?" sunud-sunod na tanong niya.

Dahil sa hindi ko pagsagot. Ay sina ranzel na lang ang tinanong niya.

"Kumain na ba siya?" agad namang umiling-iling yung dalawa.

"Sige.. Hm. Ilyana. Bibili lang ako ng pagkain mo sa cafeteria para makainom kana din ng gamot mo." tumayo siya at lumapit kina ranzel.

"Paki-bantayan na muna siya ah *smile*" parang kanina lang ay agad na tumango ang mga ito.

Pagkatapos ay lumabas na si ethan. Kaya ng mawala na siya ay agad na nagsisisigaw sina ranzel papalapit sakin.

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon