#unedited~~~ EXAM ~~~
Ranzel's POV
"Bakla yung utak ko, sasabog na kaka-aral!" reklamo niya. Sino pa ba? Edi si rica, ang cousin ko na kaklase ko rin.
"huwag ka ngang magbiro rica! Wala ka kayang utak!"
"huwaw! Ang hard mo uyyyy."
Natawa naman ako sa kanya. Kasi hindi niya talaga dineny XD
"Kasi naman! Huwag ka ng mag-aral. Stock knowledge lang, okay na yan!" sinara ko yung librong hawak niya.
"eh baliw ka pala eh! Wala ako nun!"
"sabagay may point ka dun bakla." pagsang-ayon ko pagkatapos ay nagtawanan lang kami.
"ang iingay na naman ng dalawang to oh!" sermon samin ng lalaki naming kaklase na nag-aaral.
Humarap kami ni rica. At sinabi ang favorite lines namin XD
"Kame ang pabebe girls. At wala kaming pakialam kung maingay kami. WALANG MAKAKAPIGIL SAMIN!""At ako si jaymark. mag-ingay pa kayo ulit at mapapatay ko na kayo. WALANG MAKAKAPIGIL SAKIN kung hindi kayo titigil!" sagot niya samin.
"Hehe.*pilit ngiti* Jay naman eh. Joke-joke lang tayo dito, sorry na" ang sabi ni rica na hinawakan pa sa braso si jay.
Nako. Pa-simple si bakla. Alam ko namang crush niya si Jay.
Ganyan tayo eh. Simpleng dikit kay crush. Tsktsk.
"Patay agad jay? Hindi ba pwedeng mahalin mo muna kami?" ang sabi ko naman at pabirong kinindatan ko pa.
"Sapak gusto mo?"
Init ng ulo nito. Ke aga-aga. Buti na lang talaga cute siya lol
"Joke lang. Osige na mag-aral kana ulit. Hindi na po kami mag-iingay."
Sinimangutan niya ko :3 "tsk. Diyan na nga kayo."
"Hehe! Sorry ulit jay. Speed love not war." parang baliw na komento ni rica kaya binatukan ko siya. "aray ah! Bakit na naman?"
"Speed love not war ka diyan? Baka spread love not war? Haynako tsk. kaya mukha ka ng sped eh." umayos ako sa pagkaka-upo at binuksan libro ko.
"tao lang. Nagkakamali. So don't just judge me, because you don't know my story."
Imbyerna si cousin ah. Umi-english ang lola mo -.- pero anong connect ng pinagsasabi nito?
May bigla namang kumalabit sakin.
"bak--" napatigil ako sa pagsasalita ng tingnan ko kung sino.OMOOO si dio my labs! Yung valedictorian namin nung 3rd year!
Hinawi ko kunwari yung buhok ko na parang babae kahit wala naman XD at pabebeng ngumiti.
"Dio my labs, ikaw pala. Bakit?"
Natatawa namang tiningnan ako ni rica at biglang kumanta. "oh! Huwag kang pabebe. Huwag--huwag kang pabebe."
sinipa ko naman ito ng pasimple kaya napatigil.
"Hehe. Dio huwag mo siyang pansinin. Hmm. May kailangan ka ba?"
Ngumiti naman siya sakin.
Shete! I'M GONNA DIE! ^///w///^
NGINITIAN AKO NI CRUSH hihihi."Hinahanap ko kasi si inday. Nakita niyo ba siya? Malapit na kasi mag-umpisa ang klase. Mag-eexam na tayo. Wala parin siya."
Ay.
Oo nga no? Nasan si inday?
Napatingin ako sa upuan ni inday. Wala pa nga siya. Nasan na ba yung babaeng yun?
"Onga bakla. Wala pa si inday." -rica
"Hindi ko rin alam dio. Baka na-late lang. Bakit mo ba siya hinahanap?"
"Wala. Naisip ko lang kasi na mula ng mangyari yung gulo sa cafeteria at pag amin niya na mahal niya si ethan satin. Hindi na siya masyadong nakakapag-focus sa studies natin. Nag-aalala lang ako"
Natahimik naman kami ni rica at nagkatinginan.
Alam namin yun...pero hindi lang talaga namin alam ang gagawin para makatulong.
"Sige. Aral na muna ulit ako *smile*" paalam niya samin.
Tumango lang kami sa kanya at agad namang lumapit sakin si rica.
"Bakla.."Na-late nga lang ba si inday? Pero maaga pumapasok yun ehh.
*sigh* tumayo ako "Dito ka muna rica. Pupuntahan ko siya sa dorm niya."
"Huh? Pero bawal lalaki dun."
"Pusong babae ako. Okay ng excuse yun."
"Baliw ka talaga. Sige na nga! Siguraduhin mong pagbalik mo kasama mo na siya ah!"
Ngumiti ako sa kanya at mabilis na tumakbo palabas ng classroom. Malapit ng magtime kaya dapat bilisan ko.
Nang makadaan ako malapit sa basketball court. Napatigil ako sa pagtakbo ko ng makita ko si inday na nakatingin sa loob ng court.
"Inday!" napatingin naman siya sakin. "Anong ginagawa mo dito? ilang minuto na lang. Mag-uumpisa na ang exam natin Akala ko hindi ka na papasok eh."
"Ranzel.."
Matamlay ang itsura ni inday at mukhang puyat. "Bakit?"
Ngumiti siya sakin pero hindi yung tulad dati na kapag ngingiti siya abot tenga ang saya. "Payakap nga."
"Oo ba." katulad ng sinabi niya. Niyakap ko siya kaso parang ang init niya.
"Salamat." bulong niya at
Lumayo na siya sakin. "Tara na.""Teka. May lagnat ka ba?"
"Wala. Hot lang talaga ako. Lika na." biro niya sakin.
"Sige na nga."
~~~ (Fast Forward)
Dumating na si sir george. At inarranged niya ang upuan namin at pinaghiwa-hiwalay kaming magkakatabi.
Pagkatapos ay binigay na ni sir ang mga test papers.
"Goodluck guys!" sigaw ni rica.
"rica? Seryoso? Sayo talaga nanggaling yan na mas mababa pa ang grades samin?" react ng kaklase naming babae. Nagtawanan tuloy kami.
"Quiet! Or else i-ze-zero ko kayong lahat." banta ni sir -.- Kaya nagsitahimik tuloy sila. Kj talaga ni sir.
*sigh* maka-sagot na nga.
Nag-umpisa na kong magseryoso sa exam and shems. Ang hirap ng exam. Yung mga nireview ko wala naman yata dito.
Ano---
"SIR SI INDAY!"
Nagulat ako sa sumigaw pero napalingon agad ako. Mabilis namang lumapit si sir sa pwesto ni inday.
Pagkatingin ko, nakita ko si inday na nasa sahig na at walang malay.
"Inday!"
~~~ To be continue..
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fiksi Penggemar"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v