Chapter 3

2.3K 93 0
                                    


#unedited

~~~ THE PLAYER ~~~

(Library)

Malaki at napaka-lamig dito.
At dahil nasa library ako, natural na tahimik ang mga students.

Nandito rin ako para magresearch about sa assignments namin.
About Chemistry.

Sa paghahanap ko may narinig akong mga ungol malapit sakin.
Sumilip naman ako.. sa pagitan ng mga libro, may nakita akong hindi kanais-nais >.< nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig.

Sa isang sulok may lalaki at babae na 'Alam niyo na' -.- gumagawa ng kababalaghan. Hindi na tuloy virgin mata ko. Narumihan na T.T sila kasiiiii. "Aahhh.."

Yung tenga ko! Ahh! Yuck. Bata pako @u@ Ayaw ko makanuod at makarinig niyan. Mas mabuting umalis nako bago pa ko magkakuliti.

Tumalikod nako at maglalakad na sana palayo ng malaglag ko yung ballpen ko at gumulong, hindi ganon kalayo sa dalawa..

Bakit????Lord bakit???? T.T
Ang malas naman eh...

Hindi ko pwedeng iwan yung ballpen ko! Nag-iisang ballpen ko yun! TT.TT
Mahal pa naman tinda dito ng ballpen umaabot ng 30 pesos pataas. Eh sa San Sebastian, sampung piso, isa lang yun >.<

Kaya kailangan kong kunin yun, no matter what!

Lumingon ako dun sa dalawa, mukhang hindi nila narinig yung pagkalaglag ng ballpen ko at patuloy parin sa 'alam niyo na'

Lumuhod ako at dahan-dahan na gumapang dun papunta sa ballpen ko. Panay lingon ko naman dun sa dalawa na patuloy sa paghahalikan at haplos sa isa't isa.

Sana hindi ako mapansin (/.\)
Ayan na, malapit nakoooo.

Nahawakan ko na yung ballpen ko at napangiti. Nakuha ko nari--- tumingin ako dun sa dalawa at biglang dumilat yung lalaki at napatingin sakin!! OoO wahhhhh!!

"Anong ginagawa mo diyan?" hindi ganon kalakasan na tanong nung lalaki pero halatang galit siya. Kaya napahinto yung babae at napatingin din sakin.

Tinaas ko naman yung kaliwang kamay ko na may hawak ng ballpen.

"Ahm. Yung..Ballpen ko?"

Napatingin naman ito sa hawak ko at nangunot ang noo. Nilayo niya yung babae at lumapit sakin.

"Babe.. Hayaan mo na lang siya." maarteng sabi nung babae.

"Umalis ka muna riza" dahan dahan akong tumayo sa pagkakaluhod at nahihiyang humarap sa kanila.

"Riza?! My name is Ana, you jerk!" sigaw nito at nag-walk out ang lola mo =__=

Bawal maingay sa library, buti na lang malayo kami dun sa nagbabantay kaya hindi kami napapagalitan :3

Samantalang tinitigan ako nung lalaki mula ulo hanggang paa.
"A-ah sige alis nako." nakayuko kong paalam at tumalikod na pero bigla niya kong hinila at sinandal sa bookshelves. "A-anong?" nanlalaki ang mata ko sa gulat na tumingin dun sa lalaki.

"Sino ka? Pinadala ka ba ni alex dito?"

"Pinadala? Sinong alex? Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo"

Ngumisi ito at mas nilapit ang mukha niya sakin. "Sinungaling. Nasaan si Alex?"

Kahapon napagkamalan akong eunice, tapos ngayon napagkamalan naman ako na pinadala ni Alex?
Ano bang meron sa mga studyante dito? ~.~ lagi na lang nila akong napagkakamalan ng kung anu-ano.

"Hindi ko alam. Hindi ko kilala si alex, nandito ako para magresearch para sa assignment ko tapos nakita ko kayo, nalaglag yung ballpen ko at yun nga nakita mo ko" explain ko sa kanya. Tinitigan ako nung lalaki sa mata, siguro trinatry niyang alamin kung nagsasabi ako ng totoo.

"Wala akong alam. Maniwala ka naman sana" ang sabi ko pa.  ngumisi naman ito saka lumayo sakin.

"Anong pangalan mo?"

"ilyana doretea A. Yloverez, a.k.a inday" agarang sagot ko. Nakakatakot naman kasi tong lalaki. Parang kasama sa isang frat kung umasta -.-

Nangunot ang noo nito pero bigla itong tumawa ng malakas. Napatingin naman ako sa paligid namin at lumapit dun sa lalaki.
"Uy. Huwag kang maingay. Nasa library tayo."

"HAHAHHA! Whatthef*ck! INDAY HAHAHHAAHHA!"

Napakamot ako ng batok ko.
Ang ingay niyaaaa =___=

Tingin sa kaliwa >.>
Tingin sa kan-- <.<

OMO papunta dito yung librarian!

"uy. Tumigil kana." pero patuloy parin yung lalaki.

Anubayan. Mapapagalitan ako tapos baka ma-office pako,  o kaya magka-offense?!!

Wahhh! Hindi pwede! Bawal ako magka-bad records!

Hinawakan ko sa braso yung lalaki at mabilis na hinila palayo dun.
Para akong kabayo kung tumakbo.

"Oy bitawan mo nga ako! Saan mo ko dadalhin?"

Lumingon ako sa likod namin. Wala na yung librarian!

Pero takbo parin ako, para sigurado. Hanggang sa nasa labas na kami ng library saka ko binitawan yung lalaki.

Hingal na hingal ako. Shemay. Ang bigat pa ng lalaking to, hirap hilahin.

"oy! Ikaw na...katulong ka.. Ba.. Kit mo ko,.. Hinila? Bwi..set ka.. Hiningal ako.." napatingin naman ako dun sa lalaki. Pawis na pawis ito at mukhang hiningal nga.

"Palapit na kasi satin yung librarian baka pagalitan tayo." Tumayo ako ng diretso at kinuha sa bulsa ko yung panyo ko at pinunasan yung noo niya na may pawis. Nagulat naman yung lalaki at pinigilan yung kamay ko.

"Anong ginagawa mo?"

"pinupunasan ka kasi may pawis ka?" malakas na binitawan nito yung kamay ko kaya napa-atras ako.

"Hindi ko kailangan niyan" masungit na sagot nito. "Hindi mo ba ko kilala?"

Umiling naman ako.
Artista ba siya? "Ako lang naman si June Buenafe. Anak ng isa sa mga shareholders ng Agabe Academy kaya walang karapatan ang sino man na pagalitan o kalabanin ako kaya takot lang sakin ng librarian na yun."

"Ahhh. Okay. Hello june" walang pakialam kong sagot.

"hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko?"

"naintindihan. Diba nga anak ka ng isa sa mga shareholders ng AA?"

"Oh yun naman pala eh. Bat ganon ang reaction mo?"

Napakunot noo naman ako. "Ano bang dapat na reaction ko? At Ano naman kung anak ka ng isa sa mga shareholders?"

Tumitig lang sakin si june. Kaya naman nagpaalam na lang ako. "ah. Sige June, alis nako. May klase pa ko eh.*smile* nice to meet you" at mabilis na umalis dahil baka malate ako sa klase namin.

~~~~to be continue..

It started with a HELLO (ALDUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon