#unedited~~~ PEOPLE CHANGED ~~~
Inday's POV
(<_<)--(=__=)--(>_>)
June~~ ME ~~ EthanYup. That's us. Hanggang ngayon kasi nandito parin sila sa room ko. Naka-upo sa mini-sofa at talagang pinag-gitnaan nila ako.
"oh baka magka-inlove-an kayo niyan ah." asar ko kasi naman titigan session parin sila.
"asa. Mas gwapo pa ko diyan eh."-june.
Ay. Humangin bigla.
"that's impossible ilyana. My heart is already taken by you." ang sabi naman ni ethan kaya napatingin kami sa kanya.
Nakangiti lang naman siya sakin at syempre yung dimples niya. Nakita ko na naman pero
Dapat na ba kong kiligin? Ayan na naman kasi siya. Kung anu-ano pinagsasabi. Hindi ko rin tuloy alam ire-react ko kasi hindi ko alam kung BANAT BA YUN O BIRO LANG?
"oh inday. Na sayo pala puso niya. Akin na. Ibalik natin sa kanya. Baka mamatay pa siya, sisihin ka pa niya." pamimilosopo ni june -.-
Pero si ethan, hindi rin tumigil.
"Mamatay? Matagal na kong patay june. Patay na patay kay ilyana."O_o seryoso? Anong nangyayari kay ethan?!
"Ganon ba? Osige. Papatayin na kitang bwiset ka. Kanina ka pa. Ang baduy-baduy mo!" tumayo si june, kumuha ng mga unan at babatuhin sana si ethan pero tumayo rin ako at pinigilan siya.
"june. Ano ba? *tingin kay ethan* huwag ka nga. umalis na lang kayo kesa ganto."
"inday. Hindi ko pa nga nasasabi yung ipinunta ko dito papaalisin mo nako? Siya na lang paalisin mo *turo kay ethan*" reklamo ni june at nilapag na din yung unan.
Napatayo na rin si ethan at lumapit sakin. "Bakit ano bang ipinunta mo dito?"
"hindi ikaw ang kausap ko."
sumasakit ulo ko sa dalawang to -.- panay ang pagtatalo.
"Bakit nga ba june? Sabihin mo na para matapos na, gusto ko na kasing magpahinga"
"*sigh* fine. Pumunta ako dito kasi... I.. I wanted to say sorry."
Wait. Nabingi ba ko? O.o
"sorry?"
"sorry kasi hindi tayo nakaabot sa 3rd round ng activity natin. Dahil sa hindi ko pakikipagcooperate. Na-disqualified tayo.." he said
Na-speechless ako dahil dun. Hindi ko kasi naisip na magso-sorry siya para lang dun. Kasi Oo na-disqualified kami sa activity namin. Nalungkot ako pero wala na yun sakin. Naiintindihan ko naman siya. Maybe hindi lang talaga siya mahilig sa ganon saka activity lang naman yun. Pwede din namang bumawi.
"pinapatawad na kita." -ethan
Tingin kay june <.<
"hindi ako sayo nagso-sorry."
Tingin kay ethan >.>
"bakit hindi? Ka-groupo mo din ako nun kaya dahil sayo na disqualified din ako."
Tingin kay june ulit <.<
"wala akong pakialam. Saka bakit ba ang daldal-daldal mo na at ang kulit kulit? Akala ko ba 'man of few words' ka?"
Tingin ulit kay ethan >.>
"that's what you called 'People changed' june... Eh ikaw. Why are you being nice to ilyana? Bakit si June Buenafe nagso-sorry na? Are you planning something again?"
BINABASA MO ANG
It started with a HELLO (ALDUB)
Fanfic"nagsimula sa simpleng hello, magtatapos kaya sa salitang Goodbye? o sa walang hangganang pagmamahalan?" ---- Dedicated to all the aldub fans out there! (^o^)v